PSALEM'S POV.
Isang lalaki ang nakatutok sakin ng baril kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Jusko wag mo akong patayin, buntis ako. Asan na ba yung mga kasama ko? Sana walang masamang nangyari sakanila.
Please dont kill us...
---
Hindi ko alam kung sino ang kumakarga sakin pero dalawa sila.
"Dont dare close your eyes."sabi nung babae.
Hindi eh hindi ko na kaya. Hindi na ako makahinga.
"Shit Psalem dont!"rinig kong sabi ng lalaki.
Pero hindi ko na kaya. Tuluyan ko ng pinikit ang mata ko.
...
Humahangos akong napabalikwas sa kamang hinihigaan ko.
Hindi na ako sa hospital? Nandito na kasi ako sa kwarto ko. Hindi ko naramdamang umalis kami.
"Ok kalang?"tumingin ako sa gilid ko. Tuliro parin ako pero nang makita ko si Sky ay parang nabawasan ang kaba ko.
Pinainom niya ako ng tubig.
Tumango ako sakanya.
Aaminin kong namiss ko siya pero hindi kami pwedeng magsama. Delikado pa ang buhay namin.
Hindi naman kasi ako nagtatanim ng galit. Oo sinaktan niya ako pero para saan pa yung pinagsamahan namin kung hindi ko siya papatawarin diba? Minsan lang tayo mabuhay kaya wag tayong magtanim ng galit sa ating buhay.
Ano habang buhay kanalang galit ganun? Dont invest too much anger in you, you should invest love. Ewan ko rin saan ba nanggagaling yang mga pinagsasabi ko.
"Nanaginip ka ba?"nananaginip lang ba ako? Hindi eh! Bangungot yun at ayukong mangyari yun. Araw araw ko iyun napapanaginipan eh at araw araw sumasakit yung dibdib ko!
"Masakit yung dibdib ko."napahawak ako sa dibdib ko nakita ko yung pag alala sa mukha niya. Haha.
"Feeling ko lalaki na yung boobs ko."nakatikim ako ng batok sakanya."Aray naman."nag pout ako kaya lumapit siya sakin at hinalikan ang ulo ko. Yak Sky may kuto jan! HAHA chos.
Masaya ako dahil napapakita ko yung totoong ugali ko dito bahay.
Sa labas kasi kailangan kong magbalat kayo para hindi masaktan.
"Sorry."pinugpog niya ng halik yung ulo ko.
Tumigil lang siya nang may kumatok sa pinto. Mabuti nga yun ng matigil na rin si Sky.
Binuksan iyon ni Sky at pumasok si Mommy na may nakakalokong ngiti sa labi.
Ayan nanaman siya kagabi pa yan sa hospital eh. Ewan ko ba dito.
"Kamusta kana?"nakangiting tanong ni Mommy sakin, umupo pa siya sa gilid ng kama ko.
Nakatingin lang samin si Sky.
"Ok naman ako."hindi pala ako ok nawewerduhan ako kay mommy eh! Kamukha niya ang cheshire cat kung ngumiti. Huhu.
"May sasabihin kami sayo anak."hinawakan niya ang kamay ko.
Ano nanamang kalokohan kaya ang sasabihin nito?
"Ano po yun?"
Tumingin siya samin ni Sky with matching wide smile pa. Huhu mukha talaga siyang cheshire cat!
YOU ARE READING
With you in my life(Patrician Series 1)
RomanceShe's a girl-lady? Whatever! She have something about her life issue. Even she have all she always acted the simpliest lady in town. One day she met a guy who turned her life upside- down. With him in her life is like a colorful rainbow-eh colorful...