CHAPTER 22

35 12 10
                                    

A/N:Kung mamarapatin niyo eh mahaba ang chapter 21 ay dahillllll.... Hindi ako tinamad hahaha lol. Sige na nang makapag basa naman kayo! Dami ko kasing hanash!

PSALEM'S POV.

Natapos na ang aming pagpapakilala. At pinaupo na kami sa dulo kung saan kami nakaupo kanina.

Ako-Trizcia-Krizuh-Aliah-Naomi-at may isa pang babae.

Yan ang sitting arrangement namin bawat armchair. ONE SEAT APART! kebs!

Puro jokes lang si Sir, bukas nalang daw siya magsisimula ang klase namin sa kanya.Tawa sila ng tawa pero hindi ako makasabay. Nakakabanas! Gusto ko ng umuwi at matulog.

Ngayong sevond sem eh SIYAM lang naman ang subject namin.Apat sana ngayong umaga  kaso nasa bakasyon pa ang isa. Mamayang hapon naman eh lima. Nakakabagot!

Natapos ang unang subject. Teacher moves ang patakaran rito dito lang kami mananatili.

Nagkumpulan kaming tatlo. Dahil nga mabait si Krizuh eh prends agad silang dalawa. Napag desisyonan naming wag nang mag recess 15 mins.lang naman yun kaya naman namin yun. Konti nalang kami tao rito sa room yung iba eh nagsisi-break na.

"Hi!"sabi ni Krizuh sa kaninang nakasama naming mag introduced.

"H-hi."sabi nung Naomi.

"Friends na tayo ha?"tumango lang yung dalawa halatang mahiyain riiiiin.

"Pst!"tawag ni Trizcia dun sa babae na nasa dulo. Tumingin sa amin ang babae.

Maganda siya, makinis ang kaniyang mukha at napaka puti.

She smile.

"Hi Im Trizcia!"friendly rin pala ng kumag na to?

"Carla Jannah."she smile again.
"Wag na kayong mag introduce sakin kilala ko na kayo dahil nag introduce na kayo kanina diba?"mukhang nabasa niya ang aming mga isipan.

"Pwedi makipag friends?"si Trizcia parin, wala talaga siyang hiya!

'Pag ako kasi dyan aabutin ng buwan bago tayo maging magkaibigan.'

"Oo naman!"bakas sa mukha niya ang kasiyahan lumapit siya samin at hindi namin inaasahan na maglalahad siya ng kamay.

'Napaka kaswal.'

Tinaggap namin yun and we shake hands.

"Noon ka pa nag aaral rito?"biglang tanong ni Aliah.

"Transferee lang rin ako..... 2 months before 2nd sem nandito na ako. ASAP nga yon dahil pabigla bigla sa desisyon si Mommy."hindi namin inaasahan na magkukwento siya.

"Saan ka galing?"hindi ko rin inaasahang magtatanong si Naomi.

'Ako lang ba talaga ang hindi friendly rito!?'

"Sa Stanford University."kaswal na sagot niya.

"Sabi na nga bang ako lang ang pipitsugin eh."bigla nalang nila akong tinignan na naka kunot nuo.

"May sinasabi ka?"tanong ni Aliah.

"Hahaha! Sabi ko anong apilyedo mo miss?"alam kong nag taka sila pero pinagsawalang bahala lang nila yun at ibinaling kay Carla ang atensyon.

"Brilliantes"tumango nalang ako.

"Si Miss!!!"sigaw nang kaklase namin na nag aabang pala sa paparating na next subject namin.

Agad kaming bumalik sa sarili naming upuan at nasipag ayos ng upo.

Next teacher:Miss Santos

Subject:Legal technic and logic.

With you in my life(Patrician Series 1)Where stories live. Discover now