CHAPTER 43

14 7 0
                                    

SKY'S POV.

Parang nanikip ang dibdib ko.

Sino si Noah? Anong meron sa kanila ni Noah?

"Si Noah, yung ex ko na minahal ko ng super super."kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya.

"We've been in a relationship more than 1 year and half."ano namang pakialam ko kung nag tagal sila?

Gusto ko siyang pigilan sa pagkuwento kaso gusto ko rin marinig ang buong isturya niya.

"Sakanya rin ako natutong magmahal at magpahalaga. Akala ko siya na ang magpapabago sakin. Pero siya pala ang magpapaiba sakin."

Nakatitig lang ako sa kanya.

PSALEM'S POV.

Flashback:

Nag aaway kami sa bahay. Gusto ko ng maglayas! Ayuko na rito!

Ako nalang palagi ang mali! Kesyo malandi daw ako kasi natutulog ako sa bahay ng boyfriend ko. Natutulog lang malandi na agad?

Napagdesisyonan nilang babalik kami ng Italy.

"Ayuko! Ayukong iwan si Noah!"pagpupumiglas ko.

"Pera lang ang habol sayo ni Noah Psalem. Wake up!"sinamaan ko ng tingin si Psamen.

"Hindi lahat ng tao pera ang kailangan! May buhay ka na saiyo Psam. Wag mo akong pakialaman!"singhal ko sakanya.

"Your brother is right! We just do it for your own safety!"wika ng aking Ina.

"Kailan pa kayo may pake sakin? Bakit hindi niyo nalang ituon ang pansin niyo sa dalawa niyong anak? Tutal parang sampid lang naman ako rito!"nakatikim ako ng sampal galing sa aking Ina.

"Im out of this conversation."tumalikod ako at kinuha ang mga gamit ko.

"You'll regret everything."mariing wika niya.

"No. You will regret everything."at tinalikuran ko na sila.

Sila ang dapat mag sisi kung hindi lang sana nila ako pinabayaan ay hindi ko sila tatalikuran. Ok naman kami ah? Pero bakit nagbago?

Ginawa ko ang gusto nila! Sinunod ko lahat! Nag aral ako ng mabuti! Naging top sa klase! Inaral lahat ng dapat aralin! Lahat ng lenggwahe alam ko! Ano pa ang kulang!?hindi ko sinisisi si Psamentha dahil dumating siya sa mundo. Sinisisi ko ang mga magulang ko! Bakit hindi nila paghatiin ang atensyon nila sa tatlo!?

Mabuti pa ang bansa minamahal nila! Pero ni katiting sakin walang natira.

Tumira ako kina Noah. Hindi ako lumabas. Alam ko namang hahanapin ako ng mga parents ko. They're powerful! They have lots of connections!

Isang araw ay nahanap ako ng tauhan ng aking mga magulang. Tumakas ako kasama si Noah lulan ang sasakyang binili ko para sa kanya. Hanggang sa mapadpad kami sa visayas sa lugar kong saan ako lumaki at inalagaan ni Nanay Mercy dahil may malaking misyon ang aking mga magulang at kailangan nila kaming iwan ni Psam kay nanay na dati pa nilang kasambahay simula pa sa Italya.

Hindi kami tumira mismo sa bahay nila nanay nag hanap kami ng iba pang lugar kung saan hindi talaga kami makitkita.

Hanggang isang araw, pinilit ako ni Noah na ibigay sakanya ang pagka birhen ko. Hindi ako pumayag. Biglang nalaman ko na may iba na pala siya. Nagalit ako.

With you in my life(Patrician Series 1)Where stories live. Discover now