CHAPTER 21

33 11 5
                                    

A/N:oh em geeeeee!!!! Hahaha chapter 21 na tayo mga mare haha. Masaya lang ako kasi 21,monthsarry namin to eh hahaha skl. Bleee. Mainggit ang walang lablayp. Charot sa katunayan eh yan yung monthsarry ng mga characters rito! Wala lang pake niyo ba? Kasi eto yung kwento (advertising muna) naisulat ko to nung 'APRIL 21' sa notebook palang hehe hindi ko natapos kasi nangalay ako,may pagka tamad kasi ako hehe. Nag install ako ng watty at staka nag basa basa muna para makakuha ng ediya at staka napag isipan na magsulat na rin oh dibaaaaaa!!!! Yan yung history nito haha. Just keep on reading para more learnings. Mwaaaa!

SKY'S POV.
Napahilamos ako ng mukha ng isiping panaginip lang lahat ng yun. Pe-pero parang totoo! Parang totoong niyakap niya ako, sinabing gusto niya rin ako, staka yung m-mga mata niya! Kulay kahel! Kingina naman oh! Yun na yun eh!

Napanguso ako. Tumingin ako sa orasan sa ibabaw ng mesa ko sa gilid ng kama ko.

'5:47' palang ang oras. Pero hindi ko na kayang matulog pang muli.

Bumangon na ako at tumungo na sa banyo para maligo. Pagkatapos nun eh bumaba ako. Si manang palang ang nagising at nakita ko siya sa may kusina at nagluluto na ng agahan.
Wala sa sariling tumungo ako dun. Agad akong napansin ni manang Helda.

"Oh hijo, ang aga mong magising ah... Anong gusto mo?"napaupo ako sa isang stool sa may island counter.

"Wala po."nalang ang nasagot ko.

"Mukhang matamlay ka? May sakit ka ba?"sinulyapan niya lang ako habang siya ay nagluluto ng agahan namin siguro.

"Wala rin po."napabuntong hininga nalang si manang, alam kong di siya kumbinsido dahil halata naman sa katamlayan ko.
"Labas na muna ako manang."akmang aalis na ako ng pigilan ako ni Manang.

"San ka pupunta hijo?"

"Sa court lang po."

Hindi ko na hinintay na makasagot pa si manang umalis na ako ng walang lingon lingon.

'Sanay na si manang sa ugali ko may pagka moody. Bipolar kasi ako at sa tagal na ni manang rito hindi na siya mawiwirduhan sakin.'

Nasa village lang naman ang court sa tapat lang nga ng bahay namin.

Sa sobrang katangahan ko hindi ako nakapagdala ng bola. Napabuntong hininga ako sa inis. Ngunit ayokong bumalik na sa bahay nagpatuloy nalang ako sa kakalakad. Mabuti na at nandyan pala ang mga pinsan ko na naglalaro rin.

Itinigil nila ang pag babasket ball ng makita nila ako.

"Witwew!"sumipol si Jonder ng mamataan nila ako.

Nakita kong nagdi-dribol si Raiver ng bola at ngi-ngising tiningan ako.

"Putcha cous! Para kang pinagsakluban ng langit at lupa!"sabi ni Paul nang makalapit na ako sakanila. Akmang aakbayan pa niya ako pero iniwas ko ang sarili ko sakanya.

"Tsk tsk tsk tsk."si Jonder na iiling iling lang at papalapit rin sakin na ngayo'y nakaupo na sa bleachers.

Seryoso ko silang tinignan isa isa. Pero wala epek ang pagka seryoso dahil ngisi-ngisi lang sila.

Tinabihan ako ng magkapatid na sina Jonder at Paul si Raiver naman eh nasa unahan namin at nakalagay ang bola sa braso niya na parang sinipit niya.

"Isa lang yan sa dalawa cous. Kung hindi pera eh babae yang pinoproblema mo!"nakunot ang nuo ko sa sinabi ni Jonder nang ma reyalisa ko na yan rin ang sinabi sakin ng kapatid ko kagabi.

'Yan na ba talaga ang problema natin sa mundong to!? '

"Wala ka naman sigurong problema sa pera no? Dahil ang yaman niyo! Siguro...... Babae yan."pagpapatuloy naman ni Paul sa sinabi ng kapatid niya.

With you in my life(Patrician Series 1)Where stories live. Discover now