Buwan din ang tinagal ng nararamdaman ko kay Jo. Pero hindi niya pa din alam na meron akong nararamdaman para sakanya.
Masakit na masaya ako sa tuwing nakikita ko sila ni Rica na naguusap. Masakit kasi alam mo na pagsweet siya alam mong hindi totoo. Masaya naman ako kasi nakikita ko na masaya yung bestfriend ko.
Kailangan kong ihanda ang sarili ko kung sakaling bigla akong iwanan ng kaibigan ko sa ere dahil sympre uunahin niya ang happiness niya.
Jasmine: huhulaan ko na ba kung ano yung iniisip mo? Or magsasabi ka sa akin?
Janelle: kinakausap ko lang sarili ko. Sinasabihan ko na kailangan maghanda para sa panahon na iiwanan ako ng bestfriend ko sa ere para sa happiness niya.
Jasmine: Hala Friend baliw lang? Dalin na ba kita sa mental?
Janelle: Sira ka. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo noh.
Jasmine: Alam mo friend. Hindi naman masama mainlove pero wag mong ilugmok yung sarili mo. He is just a guy.
Janelle: kahit papano pala hindi puro kalokohan yang nasa utak mo noh?
Jasmine: Sympre naman. Haha. Pero mas madami talagang kalokohan eh.
Dismissal na. Naghihintay ako ngayon sa daddy ko. Habang naghihintay naisip ko na hindi pala kami ngayon nagkita at nakapagusap ni Jo ah. Kahit classmate ko at katabi lumilipat siya ng seat para makatabi si Rica. Dumating na si Daddy and nakauwi na kami.
Pumunta ako sa kwarto and nagbasa ng devotion ko. Hindi kasi ako nakapagbasa kaninang umaga.
Devotion:
"God has not overlooked you
He has something and someone amazing in store for you remember His timing"Verse:
"Wait for the Lord; be strong, and let your heart take courage; wait for the Lord"
- Psalm 27:14Grabe ang ganda nung devotion ko. Sakto sa akin. Tama din si Lord and si Jasminw hindi pa para sa akin si Jo dapat hindi ko ipush yung sarili ko.
Lord, alam kong meron kang purpose kaya mo pinaparamdam sa akin yung ganitong feelings pero Lord ayaw ko naman mawala yung bestfriend ko sa akin.
Dinner, Aral and nagpahinga na ako. I told myself na last ko na itong day na ito na ilulugmok ko ang sarili ko sa fears, worry and pain na connected kay Jonathan.
He is just a bestfriend to me starting tomorrow.
-----------------------------------------------
Terms
Ilulugmok - burying yourself into something or sa feelings mo.
YOU ARE READING
My Life and God's Way
SpiritualThis story tells my whole life. My experiences, pains, heartbreak, problems and happiness. The battle that I have but I overcome with the help of our Father who is in Heaven. Hindi madali ang harapin ang mga heartbreaks, problems and pains pero ang...