Prologue~

51 0 0
                                    

"Diba walang forever?" ~

"Meron kaya, ako naniniwala ako sa forever, at dadating siya sa takdang oras." ~

"Oo at mag-aantay ka FOREVER kakaantay dyan sa Poreber mo!"~

"Che! Palibhasa BITTER ka."

"If being bitter makes me feel better, then be it. Ako na ang FOREVER AMPALAYA!"~

Ako si Karen Joyce Moralez, kilala bilang si Karen pero mas sikat sa pagiging Bitter. Isa akong blogger na patuloy na nagpapalaganap ng kapaklaan sa Earth. Trip ko mandamay eh, aangal ka ba?!

Nag-aaral ako sa Lyceum of Veronica Erving University (LoVEU) kung saan puro naglalandian ang natatanaw ko. Wala atang ibang petsa sa paaralan na to kundi Pebrero, feeling ko araw araw Valentines. Pwe! MagBebreak din ang mga yon! Hmpf!

Anyways, bakit ka nandito? Bitter ka rin ba? Pinaasa ka ba? Friend Zoned? Seen Zoned? Lahat lahat Zoned?

Niloko ka ba? Pinagpalit ka ba? Mas panget ba sayo yung pinalit? Saklap nu? T-T

Nabiktima ka ba ng FOREVER?

O Bitter ka lang talaga?

Anuman sa mga nabanggit at di nabanggit ang sagot mo, basta BITTER ka, Welcome ka dito.

Pero kung Inlove ka...

Umaasa ka...

O naniniwala ka sa mga matamis niyang salita...

Bibilangan kita ng SAMPU...

Isa...

Dalawa...

SAMPU!!

Forever Ampalaya ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon