Pawis na pawis ang mukha ni Cai nang mga sandaling iyon. Nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata. Nananatili sa isang bangungot ang kaniyang isipan.
Hindi mawari kung ano ang pakay sa kaniya ng isang imaheng malabo sa kaniyang panaginip.
"Cai! Mordecai!" naalimpungatan na lamang siya nang may umaalog sa kaniya at nagising siya. Pawisan at takot na takot ang mukhang napayakap siya sa kaniyang ina.
"Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit napapadalas na ang bangungot mo, Cai?" pilit na inaalo ng ina ang anak. Gustuhin mang magkwento ni Cai, wala rin siyang maikukuwento.
"Gusto mo bang dalhin na kita sa doktor o espesyalista?" napailing si Cai tanda ng hindi pagsang-ayon sa ina. Naramdaman na lamang niyang bumuntong-hininga ito.
"Sige. Naintindihan ko ang nararamdaman mo, anak. May nais ka bang isiwalat o mas tamang sabihin na may dapat ba akong malaman kung bakit nangyayari ito sa iyo? May nagawa ka bang mali? Like sa past mo ha? Cai?" kumalas sa pagkakayakap si Cai at bago sumagot sa ina ay pinunasan niya ang kaniyang pawis.
"Wa.. wala naman po, Ma. Baka masamang pangitain lang ang napapanaginipan ko. Huwag na po kayong mag-alala. Hindi na po ito mauulit. Pasensya na po sa abala. Balik na po kayo sa kuwarto mo, Ma," may bahid man ng pagtataka at kasinungalingan ang tinuran ng anak, mas nangibabaw naman ang pagmamahal at pag-aalala nito. Kaya minabuti na lamang na sundin ang anak.
"Sigurado ka ha? Okay ka na?" muli ay nagtanong ang ina at tumango si Cai. Niyakap na lamang ito at hinalikan sa noo bago bumaba sa kama at dumiretso palabas sa pintuan ng anak.
Nang makaalis ang ina ay samu't saring tanong ang sumagi sa kaniyang isipan. Napaisip din kasi siya sa tanong ng ina kung may dapat bang malaman ito tungkol sa nakaraan niya. Nakaraang matagal na niyang kinalimutan, sampung taon na ang nakararaan.
...
"Ms. Alia Mae Vegafrancia?" tawag ng isang babae sa pangalan ni Alia. Isang may katangkarang babae ang tumayo at nagpakilala.
"I'm here, Ma'am," aniya.
"Follow me, please," sumunod naman si Alia sa babae at pumasok sila sa isang maliit na silid na kasya ang pang dalawahang tao lamang.
"Have a seat, Ms. Alia. My name is Rhia and I am the one doing your final interview tonight," ngumiti na lamang si Alia at nagsimula na ang kaniyang final interview.
Makalipas ang halos isa at kalahating oras na paghihintay matapos ang huling interbyu sa papasukan niyang trabaho ay pinatawag muli si Alia.
"Congratulations, Alia. You are hired as one of our face model for our latest product. After signing the contract, I want you to go back here tomorrow morning for briefing and a little introduction of our product to you as well as the other details in the contract. Congratulations and I am welcoming you in advance as the newest model of LipsandFace Shine Model Agency!"
Abot-tainga ang ngiti ni Alia nang marinig ang mga iyon mula sa nag-interbyu sa kaniya. Sa wakas ay magsisimula na ang kaniyang kasikatan. At ang LipsandFace SMA ang tutupad ng kaniyang matagal ng pinangarap na maging isang modelo.
…
"Alia! Alia!" isang nakabibinging sigaw ang sumalubong sa umagang kay ganda ni Alia. Hindi boses ng tao kundi boses ng kaniyang personalized alarm clock mula sa tinig ng kaniyang namayapa nang ama.
Sa isang masikip, maliit, at walang gaanong hanging boarding house sa eskinita, malapit sa palengke ng Kalookan siya pansamantalang naninirahan mag-isa.
"Salamat, Itay sa araw-araw na paggising sa akin para hindi ako ma-late. I love you, tatay ko. Mwah!"
Ilang beses na ba niyang hinahalikan ang alarm clock na iyon? Hindi na mabilang ni Alia. Sobrang tagal na kung magbibilang pa siya.
"This is it! This is is it! Yahoo!" agad siyang tumayo at tatalon-talon pa na ang tanging suot ay ang ilang araw ng hindi nalalabhan na pajama niya. Sumasayaw-sayaw pa ito at napapaindak sa tugtog na nagmumula lamang sa kaniyang malawak na isipan.
"Heto na! Hetooo naaaa! Do bi do bi do. Bi do bi do. Do bi do bi do wa!"
Hyper na hyper na siya dahil ngayon ang briefing niya sa kaniyang papasukang trabaho sa Makati. Kaya namanay isa-isa na niyang niligpit ang mga unan at kumot sa kaniyang sabog na kobre kama at marupok na katre. Naghanda na rin siya ng mainit na tubig para makapagkape at para may pampaligo.
Hindi halata na sabik na siya sa kung ano ang produktong i-endorso niya.
"New Face Model! Ayiee! Kinikilig aketch!"
Pasayaw-sayaw na naman siyang nagtungo sa banyo at doon ay napagmasdan niya ang sariling kabuuan sa harapan ng basag at lumang salamin ng kaniyang boarding house.
"With the face of angel, Marian Rivera. With the lips of Angelina Jolie. With the boobs of Ayra Mariano. With the body of Sunshine Cruz, Pia Wurtzback, and Catriona Gray! Pak na pak ang beauty ko as endorser!"
Sinong hindi kukuha sa kaniya as endorser? Binuksan na ni Alia ang gripo at isinahod ang timba upang makaligo na dahil hinding-hindi niya palalampasin ang araw na ito.
... itutuloy...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.