Kathy
ni MeasMrNiceGuyKabanata Kwatro:
Matuling lumipas ang mga araw at tumaas ang bentahan ng bagong produkto ng LipsandFace Shine Model Agency ForeverGY Glow and Young 3n1 sa unang linggo nito matapos lumabas sa mga beauty magazine ang mukha nina Alia at Cai.
Hindi naman makapaniwala si Alia sa tinatamasa niya ngayon dahil isang linggo matapos lumubo ang sales sa produktong inendorso ay binigay na sa kaniya ang kaniyang sahod at pinalipat din siya sa isang condo na pagmamay-ari ng kumpanya.
Ngunit, palaisipan pa rin sa kaniya ang mukha ng kaniyang among si Mordecai Chad Kurtiz. Sa unang pagkikita pa lamang ng dalawa ay tila matagal na niya itong nakilala. Mabuti na lamang at hindi siya pinaghinalaan ng kaniyang boss dahil sa kakaibang ikinikilos niya.
Sa malambot na queen size bed ay nakaidlip si Alia. Sa kaniyang pagtulog ay isang mukha naman ang nagising at nagmasid sa kabuuang silid ni Alia. Isa-isa niyang tiningnan ang mga larawang naroon at nang makalabas sa sala ay nakita niya ang magasin kung saan naroon ang dalawang mukha. At isa sa mukhang iyon ang kilalang-kilala niya.
Agad siyang bumalik sa bedroom at nagpalit ng itim na pantalon, fitted black shirt, at itim na hoodie at sapatos. Isinuot niya rin ang isang itim na maskara upang puntahan at alamin ang kinaroroona ng lalaking matagal na niyang hinahanap.
Sa isang sikat na bar na kung tawagin ay Podium sa Makati ay nagdiwang sina Cai at ang kaniyang apat pang mga kaibigan.
"Its been 10 years, Cai. Kumusta?" si Jason, anak ng mayor sa isang malayong lalawigan.
"Yeah, bro. Wazzup. You are doing great, man. So proud of you," si Gael, racer na kaibigan ng apat.
"Huwag niyo nga munang pangunahan si kaibigan, Chad mga bro. Hayaan nating siya ang magsalita. Kumusta, best friend?" si Lake, ang childhood at best friend ni Cai.
"That's right. Speak, man," pagsang-ayon ni Dmitri, ang half-Norwegian friend ni Cai.
"Its good to see you all, here guys. I've been busy lately and I don't spend a lot of time hanging out with you. Thanks for coming. Cheers!" aniya sa mga kaibigan.
Masayang nakipagkuwentuhan si Cai sa mga kaibigan. Sampung taon nang huli silang magkausap.
"By the way, guys, any news 'bout what happened 10 years ago?" biglang natigilan ang lahat nang banggitin ni Dmitri ang nakaraan.
"Let's not talk about it. Its all in the past," wala nang umimik pa nang magsalita si Gael. Sa kanilang lima, si Gael ang may pakana ng lahat. Ang puno at dulo ng nagawa nilang kasalanan.
Matuling lumipas ang hatinggabi at lahat ay tinamaan na ng ispiritu ng alak. Kaniya-kaniya na rin silang nagpaalam at nagpahatid sa kani-kanilang mga drayber pauwi sa kani-kanilang condo.Tanging si Cai lamang ang mag-isang magmamaneho ng kaniyang sasakyan.
Nang makapasok sa kotse at buksan ang ilaw sa loob ay nagulat siya sa nakitang imahe sa backseat. Agad niyang pinatay ang ilaw at muling binuksan ito. Nanginginig pa ang mga kamay na tingnan kung may tao nga ba sa likuran pero wala siyang nakita.
Nakahinga naman ito nang maluwag at ini-start ang makina ng sasakyan. Napailing na lamang siya at napagtantong ilusyon lamang iyon at epekto ng naparaming ininom na alak.
Sa kahabaan ng Monumento ay mahimbing na natutulog si Jason nang biglang pumreno ang drayber at kumaliwa ang minamanehong sasakyan. Dumiretso ito sa isang railings at nabundol sa isang poste.
Hindi nakaligtas ang drayber sa pagkakabundol habang si Jason naman ay biglang naalimpungatan sa mga tinamong sugat at pilit na lumabas sa sasakyan.
Nang makalabas ang mga kamay ay isang imahe ang tumambad sa kaniyang harapan at agad na sinaksak ang kaliwang mata nito. Napahiyaw si Jason. Pinilit pa ring lumabas nang umatras palayo sa kaniya ang imahe.
Ngunit bago pa man siya makalabas ng kotse ay isang nagliliyab na apoy mula sa tumutulong gasolina ng sasakyan ang mabilis na kumalat. Sa isang iglap, sumabog ang kotse at nilamon ng apoy ang buhay na katawan ng anak ng mayor.
...itutuloy...
BINABASA MO ANG
KATHY
TerrorSee her happiness. Hear her cries. Know her reasons. Feel her heartaches. Follow her journey. And... Discover her deepest secrets.