Kathy
ni MeasMrNiceGuyKabanata Dos:
Malalim na ang gabi. Nagsusulputan na ang mga modernong magdalena sa gilid ng mga kalsada sa isang kalye sa Caloocan.
May bumubuga ng sigarilyo, may sumisipol-sipol upang makaakit ng may kaya. May mangilan-ngilan namang nagtatago sa umaandap-andap na liwanag ng poste o 'di kaya ay sa isang may kaunting liwanag na ang tanging naipapakita lamang ay ang mga mahahabang hitang kaunti na lamang ay makikita ang itinatagong hiyas na walang suot na pang-ibaba.
"Magkano?"
"Alam mo ba kung saan ang lugar na ito?"
"Puwede mo ba akong dalhin dito?"
"50/50 sir. Teyk it or leb it!"
"All out po, pwede rin."
"Mapag-uusapan natin iyan, basta ba libre sakay, at libre mo."
"Masasarapan ka at dadalhin kita sa langit na gustong-gusto mong maabot."
Iilan lamang iyan sa mga maririnig mo tuwing sasapit ang dilim. Kulang na lang yata ay makasama ang kalyeng ito sa Guinness Book of Record sa mahabang kalye sa buong mundo na puno ng nagkikislapang mga bituin at mababang kalapati.
At sa isang gabing ito ay hindi nakaligtas ang isang mestiza, may katangkarang babae na ni minsan ay hindi pa nagagawi sa kalyeng iyon. Wala siyang balak na dumaan roon dahil alam niya ang kalakalang naroon kapag gabi. Ngunit, wala nang ibang daanan kundi ang kalyeng tinatawag ng karamihan na Kalye Mapanukso.
Yukong-yuko ang dalaga at patuloy lamang ang paglalakad niya upang makauwi ng ligtas sa kaniyang tahanan. Dinig na dinig din niya ang mga sipulan, tampulan ng malalaswang tingin, hiyawan, at muntik pa siyang mahipuan.
Kulang na lamang ay lumabas ang puso niya sa takot at kaba kaya, binilisan pa niya ang paglalakad hanggang sa mapadpad siya sa dalawang eskinita. Pansamantala siyang tumigil at pinagmasdan ang dalawang daanan.
Isang napakaliwanag at maaaninag ang buong kalsada pero napakasikip para sa kaniya kung doon siya dadaan. Ang isa naman ay may umaandap-andap na ilaw mula sa poste pero malawak ang daan. Hindi nga lang tanaw kung ano ang mayroon sa dulo nito.
Magdedesisyon na sana siyang dadaan sa malawak na may umaandap-andap na ilaw ng poste nang biglang may nagtakip ng kaniyang bibig. Singbilis ng nagtatalon na tubig mula sa drum ang tibok ng kaniyang puso.
"Huwag kang gagalaw kung ayaw mong tuluyan kita agad!" klaro sa pandinig niya ang mga salitang iyon. Ramdam niya rin ang isang matulis na bagay sa kaniyang tagiliran kaya wala siyang magawa kundi ang sumunod. Hindi niya rin makita ang mukha nito dahil nasa likuran niya.
Dinala siya ng lalaki sa daang dadaanan niya at agad na itinulak sa pader sa madilim na parte nito. Namamasa na ang kaniyang mga mata sa takot pagkat alam niyang nasa panganib na ang kaniyang pagkababae at buhay.
Halos lumuwa na ang mata ng dalaga nang bigla na lamang siyang paghahalikan sa pisngi, sa leeg, at maging sa labi habang tinatakpan ang kaniyang bibig. Gumapang pa ang kilabot sa kaniyang dibdib nang may maramdaman siyang lumalaking bagay sa ilalim at mga daliring may hinahanap at sabik na sabik na matunton ito.
Napapikit na ang dalaga at kukuha na sana ng buwelo upang itulak siya nang malakas palayo nang bigla na lamang may humampas dito at nabitawan siya. Ilang minuto ring hindi dumilat ang dalaga. Bago pa man niya idilat ang kaniyang mata, isang bulong ang kaniyang narinig.
"Tumakbo ka na habang nakahandusa pa sa lupa ang gagahasa sa iyo. Doon ka dumaan sa maliwanag at masikip na eskinita dahil ligtas ka roon. Huwag ka na muling dadaan sa kalyeng ito kailan man kung ayaw mong magahasa at mapatay. Takbo na!"
Hindi na lumingon o tiningnan pa ng dalaga kung sino ang nagsalita dahil binalot na siya ng matinding takot para sa kaniyang buhay. Doon na siya dumaan sa masikip at maliwanag na eskinita dahil iyon ang sabi sa kaniya.
Samantala, sapu-sapo ng lalaki ang kaniyang ulo sa matinding pagkakahampas sa kaniya. Parang lasing itong susuray-suray na tumayo at pinagmasdan ang nasa harapan niya.
"Ikaw ba ang gumawa sa akin nito?" nagawa pa niyang magtanong kahit alam niyang nasa bingit na ng kamatayan ang buhay niya.
Wala siyang narinig mula sa kaharap niya pero napapaatras siya dahil umaabante ito sa kaniya. Nahihilo man ay sinubukan niyang tumakbo pero isang mabigat na bagay ang naramdaman niyang tumama na naman sa kaniyang ulo. At nagulat siya nang dugo na mismo ang dumadaloy dito.
Tinangka niya muling tumakbo pero naabutan siya at nahawakan sa buhok. Pinag-uuntog niya siya sa pader nang makailang beses hanggang sa napasubsob sa kalsada. Sinakyan siya sa likuran at pinag-uuntog muli. Hindi siya binigyan ng pagkakataong lumaban nang patas.
Nang iharap siya ay hindi na nito maidilat ang mga mata at ang huling ginawa sa kaniya ay ang pagpupukpok sa kaniyang ulo ng isang malaking batong nadampot lamang sa gilid. Hindi niya tinigilan ang lalaki hanggang sa mayupi ang ulo nito.
Nang masigurong patay na at wala nang hininga ang lalaki, hinila niya ito sa gitna ng dalawang eskinita kung saan may liwanag. Itinayo niya ito sa poste, tinalian, at gamit ang isang maliit na punyal, isinulat niya sa dibdib ng lalaki ang mga katagang:
"Rapist ako. Huwag akong tularan."
Bago lisanin ang kalye, nag-iwan siya ng mga letrang nakasulat sa pusod ng lalaki.
KATHY
...itutuloy...
BINABASA MO ANG
KATHY
HorrorSee her happiness. Hear her cries. Know her reasons. Feel her heartaches. Follow her journey. And... Discover her deepest secrets.