Kathy
ni MeasMrNiceGuyIkasampung Kabanata:
Isang oras bago ang nakatakdang pagdating ni Cai at ng kaniyang mga kaibigan sa Sipalay ay masaya itong nakipagkuwentuhan sa kaniya.
"Are you in love with Alia, Chad?" pilyong tanong ni Lake. Lihim namang napangiti ang binata pero hindi agad ito nagpahalata.
"Kung hindi ka sigurado, pare, baka puwedeng ako na lang. Please?" pupungay-pungay ang matang parang asong turan naman ni Dmitri. Mukhang tinamaan ang mokong.
"Tado! Tigilan mo ako, Dmitri. Alalahanin mong ikaw ang dahilan ng lahat ng ito. Siguro naman marunong kang humingi ng tawad ano?" natatawang sita nito sa kaibigan. Biglang nanahimik na lamang ito at ibinaling ang atensiyon sa paglalaro sa cellphone.
"Speaking of the place, parang pamilyar ang lugar na pupuntahan natin," ang kaninang tahimik na drayber nila na si Gael ay biglang nagsalita.
"Nag-iilusyon ka naman, Gael. At saka bakit ikaw ang nagmamaneho at hindi si Dmitri? Sigurado ka bang magaling ka na?" nag-aalalang tanong ni Cai sa kaibigan at tiningnan ng masama si Dmitri.
"I'm fine. Isa rin kaya ako sa masamang damo 'di ba? At saka okay na ako. Huwag kang mamroblema," aniya pero hindi mapakali ang kalooban dahil tila ramdam niya na may ibang mangyayari ngayong gabi.
Nagpumilit kasi si Gael na siya nang mag-drive para sa kanila since kabisado niya ang lugar papuntang Sipalay. Ayaw naman sanang payagan ni Dmitri pero mapilit siya. Kaya wala ring nagawa ang kaibigan. Hindi na kumibo si Dmitri at nakapokus na lamang ang mukha sa cellphone. Ayaw niyang makipagtalo kay Cai dahil alam niyang matatalo lang din siya.
Nang mga oras ding iyon ay tila nakaramdam ng kakaibang kaba si Cai. Isa o dalawang beses lang kasi itong gumala noon sa Sipalay at hindi na niya maalala kung saan-saan sila napapadpad. Kaya kung para kay Gael ay pamilyar ang lugar, para sa kaniya ay hindi.
Sa isang makipot at maputik na daan sila dumiretso dahil doon nakalagay ang shortcut para makarating sa tamang oras sa lugar na ibinigay sa kanila ni Alia. Hindi rin kasi sinasagot ni Alia ang mga calls at text ni Cai kaya minabuti na lamang nilang sundin ang address.
"Natatanaw ko na mga p're ang school. Ang school natin dati. Tama ako. Pamilyar nga sa akin ang lu--" hindi natapos ni Gael ang sasabihin dahil tila nabutas o may nasagasaan silang matutulis na bagay sa daan, dahilan upang mapatigil sila. Ini-off nito ang makina at agad na bumaba. Bumaba na rin sina Cai, Dmitri at Lake upang magpapresko.
"Sh**t!" lahat ay napalingon kay Gael at lumapit dito. Nang tingnan ang nangyari ay nagulat sila dahil isang mahaba at kwadradong tabla na may matutulis na pako ang dahilan kaya nagka-flat tire ang gulong ng sasakyan.
"Hindi kaya may kinalaman ito sa atin?" biglang pananakot ni Dmitri. Nagkatinginan na lamang ang magkakaibigan.
Umiling si Gael habang si Lake naman ay nagkibit-balikat na lang. Wala namang masabi si Cai. Tumalikod na lamang ito at kinuha sa kotse ang cellphone upang tawagang muli si Alia.
Nang makababa at balikan ang mga kaibigan, nakita niya ang mga itong walang malay sa daan. Akmang lilingon at magmamatyag nang isang malakas na palo sa likuran ang kaniyang natamo. Muli siya nitong pinalo sa ulo nang mapansing gumalaw siya.
Ilang saglit pa ay isa-isang hinila ang mga katawan nina Dmitri, Gael, Lake, at Cai sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Nang makarating sa isang maliit na kubo ay itinali sina Gael, Lake, at Dmitri sa katawan ng tatlong malalaking puno sa paligid habang si Cai naman ay sa kamay at paa tinalian.
Tatlumpung minuto ang nakalipas ay unti-unting dumilat sina Gael at Dmitri at parehong nagulat sa kanilang nasaksihan. Isang estrangherong nasa more than 5 inches ang tangkad, nakasuot ng itim na leather jacket at pantalon at nakasuot ng itim na maskarang may hugis bungo ang pigura.
"Sino ka? Tado. Pakawalan mo ako rito nang makita mo ang hinahanap mo," sigaw ni Dmitri. Si Gael naman ay tila nagmasid pa lalo sa paligid at nakita ang nakatali ring si Lake habang si Cai naman ay parang batang mahimbing ang tulog na nakatali at nakahiga sa gitna.
Ilang saglit pa ay lumapit ang estrangherong iyon sa kinaroroonan ni Dmitri at hiniwaan ang mukha at tinaga ang braso at kamay. Napahiyaw naman si Dmitri.
Nagising si Lake at hindi makapaniwala sa nakitang nakatali silang lahat. Isang estranghero lang din naman ang kaharap nila. Ngunit hindi alam kung makakatakas sila. Hilong-hilo naman nang maalimpungatan si Cai at tiningnan ang paligid.
Nang tuluyang magising ang isipan ay saka lamang napagtantong naisahan sila ng estrangherong katapat niya. Ang mga kaibigan niya ay nakatali. Si Dmitri naman ay duguan ang mukha, kamay at braso.
"Sino ka at anong kailangan mo sa amin ha?" tinangkang itayo ni Cai ang sarili pero hindi niya magawa dahil may tali din ang kaniyang mga paa.
Lumingon ang estranghero sa kinaroroonan niya at dahan-dahang inalis ang nakatakip sa mukha. Pigil ang mga hininga ng lahat nang unti-unti nitong tinatanggal ang maskara.
"Maligayang pagbabalik sa lugar kung saan ang mga bangungot ninyo ang siyang papaslang sa inyong lahat! Miss me, Chad Kurtiz?"
Hindi makapaniwala ang apat nang makilala ang tao, o mas akmang sabihing, ang babaeng nasa harap nila ngayon ay walang iba kung hindi si Alia.
"Alia!?" magkasabay pa silang lahat na sambitin ang pangalang iyon.
"Oops! Nagkamali kayo ng banggit sa aking tunay na pangalan. Ako lang naman si Malia. Ang babaeng pinagsamantalahan ninyo at inilibing nang buhay, 10 years ago. Remember? Ako si Kathy Malia Vergara."
Kasabay nang pagpapakilalang iyon ay ang nagpupuyos sa galit na mga mata ni Malia. Galit na nag-uumapaw. Galit na matagal niyang itinago at ngayon ay may kahahantungan na sa harapan ng apat pang natitirang lalaking sumira sa buhay niya habang ang mga taong nasa harapan niya ay tila inihahandan na ang sarili sa kabayarang sampung taon na sana nilang nagawa.
...itutuloy...
BINABASA MO ANG
KATHY
HorrorSee her happiness. Hear her cries. Know her reasons. Feel her heartaches. Follow her journey. And... Discover her deepest secrets.