Kabanata Siyete

108 6 0
                                    

Kathy
ni MeasMrNiceGuy

Ikapitong Kabanata:

Isang malakas at nakabibinging tunog galing sa alarm clock ni Alia ang gumising sa kaniya. Sinundan pa ito ng ingay mula sa kaniyang cellphone.

Gagapang-gapang ang kaliwang kamay nito sa pag-abot sa cellphone na nasa kama lang naman niya at sinagot ang tumatawag na si Ria.

"Good morning po, ma'am Ria," aniya.

"Aba! Himala yata at nasa good mood ka. Hindi katulad noong isang linggo na halos kainin mo na ako sa mga titig mo at si sir Cai. Anyway, I am calling you because the company is having a meeting. Pinapatawag tayong lahat ng CEO and I want you to be here at 7 a.m. sharp. No buts and ifs!"

Nailayo naman nang kaunti ni Alia ang cellphone sa lakas ng boses sa kabilang linya at sinagot ito. "Masusunod po, Ms. Ria."

"Before I hang up this phone, binabalaan kita. I mean, its a warning not to seduce again our boss. Mawawalan ka ng trabaho. Tandaan mo iyan!" hindi alam ni Alia kung bakit ang aga namang tilaok ang narinig niya.

"Opo," tipid na sagot na lamang niya.

"Good. Mabuti nang nagkakaintindihan tayo. Then, I'll see you in the office."

Hindi na nakapagpaalam ang dalaga dahil binagsakan na siya sa kabilang linya. Lutang naman ang isip niya at nagtataka kung bakit ganoon na lamang ito kung magalit sa kaniya. Inalog-alog pa niya ang ulo kung may maaalala siya. Pero parang wala.

Ang huling sumagi sa isip niya ay napahimbing ang tulog niya at hindi na niya alam ang sumunod na nangyari. Tiningnan niya ang alarm clock at may isang oras pa siya upang makapaghanda.

Tinungo niya ang banyo at naghilamos. Nang humarap sa salamin ay nagulat siya sa isang imahe sa likuran. Nang lumingon siya ay wala naman siyang nakita. Nang muling humarap sa salamin ay naroon pa rin ang imahe at nakangiti.

"Hi, Alia!" lalong tumindig ang balahibo niya nang may marinig siyang tumatawag sa kaniyang pangalan. Nilingon niya ang salamin at naroon pa rin ang imahe na kawangis niya. Ngunit nang lilingong muli sa likuran ay wala namang naroon.

"Magkamukha tayo, Alia. Ako si Malia, your revengeful self," hindi matatakutin si Alia, ngunit sa pagkakataong iyon ay parang gusto niyang tumakbo. Hindi naman sumasang-ayon ang kaniyang mga paa upang lumabas ng banyo.

"Unti-unti mo na akong makikilala, Alia. At sisiguraduhin kong ako ang magmamay-ari ng katawan mo!"

Isang nakabibinging halakhak ang narinig niya dahilan upang mabasag ang salaman sa harapan nito. Agad siyang lumabas at nagtalukbong sa ilalim ng kumot. Ilang minuto siyang naroon nang muling magulat sa tunog ng kaniyang cellphone. Isang text message ang natanggap niya at nagsasabing hindi siya dapat ma-late.

Bigla namang nag-panic si Alia nang makitang 30 minutes na lang ang gugugulin niya para makapaghanda. Iwinaksi na lamang niya ang nangyari at mabilisang naligo at nagbihis. At dahil sabado naman ngayon, saktong black fitted jeans at white top shirt na lamang ang sinuot niya. Isa pa ay wala namang photoshoot or schedule siya ngayon. Kinakailangan lamang niyang dumalo ng meeting dahil ipinatawag silang lahat.

Pagdating sa opisina ay todo ayos siya ng kaniyang buhok dahil halos takbuhin na niya ito. Naiinis pa siya dahil sabadong-sabado ay biglaan ang traffic. Gulat naman ang mga mukha nang naroon habang si Cai ay tila napako sa kinauupuan nito.

"Ibang-iba siya kapag simpleng kasuotan lang ang suot niya. Marunong siyang magdala, Cai," papuri ng isipan nito.

"Please sit down, Ms. Vegafrancia, so we can start our meeting," napailing na lamang ito at nagsimula.

Tungkol ito sa latest sales ng kanilang current pictorial sa isang magazine. Marami ang napahanga sa kanilang photoshoot at dahil din doon ay muli na namang nadagdagan ang kita ng kanilang kumpanya sa kanilang bagong produkto. Business is business ika nga para kay Cai. Iyon lamang ang nais niyang ma-discuss then he adjourned the meeting.

Nang lahat ay nakaalis na ay siya namang pagtayo ni Alia. Lalabas na sana ito nang magsalita ang kaniyang boss.

"Ms. Vegafrancia, do you have time today? I just want to treat you to breakfast," namamawis at tila muntikan nang mautal si Cai sa paanyaya sa dalaga.

"Pagkakataon mo na, Alia. Just say yes," pangungunsinti ng isipan niya.

"Alia? Ms. Vegafrancia?" tila napako siya sa kinatatayuan at hindi napansin ang pagtawag sa kaniya.

"Po? Ah. I'm sorry sir, Cai. Ano po ang tinatanong mo?" kunwari hindi niya narinig at pinaulit na lamang niya ang boss nito.

"I was asking if puwede ba kitang yayaing samahan akong kumain. Hindi pa kasi ako nakakapag-breakfast. Baka naman kako gusto mong sumama?" Cai was suddenly out of breathe nang muling ayain ang dalaga.

"Basta ba libre sir, Cai, no problem. Go ako. Tara?" dinaan na lamang ni Alia sa pagkakikay nito ang kaba at agad na naunang lumabas nang opisina dahil dama niyang namamawis na ang kili-kili.

Sa isang sikat na restaurant sa BGC dinala ni Cai si Alia upang mag-breakfast. Bago sila pumasok ay manghang-mangha naman si Alia sa mala-Rome, Italy na lugar. It's her first time in BGC. Aliw na aliw namanng pinagmamasdan ni Cai ang dalaga.

Para siyang Bipolar. Noong isang linggo ay halos kainin na siya nito at she totally seduced him. Napigilan na lamang nito ang temptatiib dahil ayaw baka mahalata at mahuli siyang they are on the same boat.

Ngayon naman ay ibang Alia ang kasama niya. Ito ang orihinal na Alia na nakilala niya nang unang magtama ang kanilang paningin sa kaniyang opisina. Natigil lamang ang pagmumuni-muni ni Cai nang may tumawag sa kaniya. Nilingon niya ang tinig at nakita ang tatlo sa kaniyang mga kaibigan.

Napalingon din ang dalaga nang makitang papalapit ang tatlong lalaki sa boss niya. Tila pamilyar sa kaniyang isipan ang mga mukha ng mga ito. Hindi nga lamang niya matandaan.

"Anong ginagawa ninyo rito? How did you know I'm here?" medyo naiinis na tanong ni Cai.

"Relaks. We're here to say goodbye. Just like what you said," si Dmitri ang unang yumakap sa kaniya.

"Oo nga naman. Hindi namin matiis na hindi magpaalam e," segunda naman ni Gael na tila back to old self na matapos ang aksidente.

"Ayaw ko kasing hindi magpaalam sa iyo, Chad, my best friend," nakangiting turan naman ni Luke.

"Mukhang naistorbo ka yata namin, Cai? Baka naman puwede--" hindi na natapos ni Dmitri ang sasabihin dahil tila kilala na niya ang babae.

"Maganda ka pala sa personal. Ms. Alia Vegafrancia, right?" sabay-abot ng kamay ni Dmitri sa dalaga.

Nakipagkamay naman ang dalaga sa lalaking kilala siya. Ngunit, imbes na ngumiti at magpasalamat ay tila nabuhay ang isang alaalang matagal niyang tinakasan sa buong buhay niya. Si Alia na ang bumitaw at tumalikod sa kanila. Nagmamadali itong tumakbo palayo sa kanila. Hindi na niya magawa pang magpaalam sa boss niya.

"Gumising ka, Alia. Kilala mo sila. Alalahanin mo ang lahat! Maghiganti ka! Paghihiganti, Alia! Paghihiganti!"

Nagtatalo ang kaniyang isipan habang tumatakbo palayo sa mga taong sa tingin niya ay bahagi ng kaniyang nakaraan. Nakaraang pilit niyang tinakasan pero ngayon ay muling lilikha ng bangungot sa kaniyang kasalukuyan.

...itutuloy...

itutuloy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KATHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon