Huling Kabanata

122 5 0
                                    

Kathy
ni MeasMrNiceGuy

Huling Kabanata:

"Ma--Malia? Ikaw si Malia?" dalawang beses pang inulit ni Cai ang pangalan nito. "Imposible. Ikaw si Alia Vegafrancia, hindi ba?"

Lumapit pa si Alia sa harapan ni Cai at hinawakan ito nang mahigpit ang buhok. "Honestly, yes. Ako rin si Alia. Actually, tatlo kami. Si Alia na mahina. Ako, si Malia na matapang at palaban at ang panghuli ay si Kathy. Kung hindi ako nagkakamali, si Kathy ang naroon nang maaksidente at mapaslang si Jason. Kaibigan mo siya, 'di ba! Kaibigan ninyong lahat, hindi ba?" galit na galit na itinarak ni Malia ang patalim sa lupa.

Napailing na lamang si Cai at hindi pa rin naniniwalang si Alia at si Malia ay iisa. At kung siya rin ang dahilan kung bakit namatay si Jason, si Malia nga ang nasa harapan nila ngayon.

"Malia, wala kaming kasalanan ni Chad. Sina Dmitri, Gael, at Jason ang may pakana nang lahat. Wala kami sa aming mga sarili nang mangyari iyon. Maniwala ka, Malia," paliwanag ni Lake.

"Tarantado ka, Lake. Bakit sa amin mo sinisi? Hindi ba isa ka rin sa nagsawa sa katawan ni Malia noon?" nagawa pang magsalita ni Dmitri at galit na galit na sininghalan si Lake.

"Kung hindi mo nilagyan ng drugs ang inumin natin, wala sanang nangyari. Hindi sana tayo kinakarma ng ganito. Ikaw ang adik sa grupo, Dmitri. ADIK KA!" nagpupumiglas naman at pilit na kumakawala si Gael sa kaniyang kinatatayuan upang sugurin sana si Dmitri. Pero bigla na lamang siyang nilapitan ni Malia at sinaksak sa leeg.

"MALIA! Malaki ang kasalanan namin. Humihingi kami ng kapatawaran. Nagmamakaawa ako sa iyo. Pangako. Pagbabayaran naming lahat ang mga kasalanan namin. Susuko kami sa batas, Malia. Please!" nakangiti lamang ang dalaga at si Cai naman ang nilapitan nito.

"Awa? Susuko? Ano ako, engot na basta-basta na lamang kakagat sa mga patibong mo? Noong nagmakaawa ba ako, Cai. Ay hindi pala, Chad pala ang pangalan mo. Noong humingi ako ng tulong sa iyo para pigilan ang mga kaibigan mo, tinulungan mo ba ako?" tutok na tutok itong nakatingin sa kaniya.

"Wala ako sa sarili noon. Narinig mo naman ang sinabi ni Gael 'di ba? Wala kaming kasalanan ni Lake. Napagtripan lang kami," paliwanag nito.

"Wala kang kasalanan? Wala kayong kasalanan? E, ang pambubully ng mga kaibigan mo, hindi ba at nasa tamang pag-iisip sila. Matino sila. Pinigilan mo ba sila sa mga ginawa nila sa akin? Sa tingin mo papalampasin ko lang iyon? Mga hayop kayo. Asal hayop. Demonyo. Mamamatay-tao!" nilamon nang matinding galit ang isipan ni Malia at hindi na niya napigilan ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig.

"Kung ano ang ginawa ninyo sa akin noon ay hindi ko gagawin sa inyo iyon. Pero sisiguraduhin kong mararamdaman ninyo ang sakit, hapdi, at kirot hanggang sa lahat kayo ay mamatay!" Tumayo ito at nilapitan si Dmitri.

Pinaghihiwa ang mga suot na damit hanggang sa wala nang matira sa katawan. Kahit duguan ay nagawa pa rin nitong magpumiglas sa ginagawa sa kaniya ni Malia. Sa ibabang bahagi ay hinawakan nito iyon at nagulat si Dmitri sa sumunod na nangyari.

"Tingnan mo, Chad ang gagawin ko sa kaibigan mo!" hiniwa nang hiniwa nito ang pagkalalaki ni Dmitri. Hiyaw naman nang hiyaw sa sakit ang lalaki. Halos panawan na ito nang ulirat. Pinagtataga niya ito nang pinagtataga.

Sinunod niyang nilapitan ay si Gael na umiiling sa kaniya. Hinubaran din ito ni Malia at isa-isang pinagsasaksak ang buong katawan. Hindi pa ito nakuntento sa pananaksak, hinawakan naman nito ang dulo ng pag-aari ni Gael at itinusok roon ang tulis ng patalim. Namumuti na ang mata ng lalaki sa sakit. Sunod-sunod ang tilamsik ng malalapot na dugo sa buong mukha ni Malia. Nabaling naman ang ngiti ni Malia kay Lake.

"Malia, tama na. Tama na, please," nagmamakawa naman si Lake nang palapit nang palapit ito sa kaniya. "Please, Malia. Huwag!"

Gaya nang nauna niyang ginawa kina Dmitri at Gael, hubo't hubad din itong pinagsasaksak. Hindi rin nakaligtas ang iniingatan niya dahil tinadtad din ito ni Malia nang saksak hanggang sa matanggal ang mga balat nito.

KATHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon