Kabanata Tres

134 5 0
                                    

Kathy
ni MeasMrNiceGuy

Kabanata Tres:

Muli na namang napabangon sa kaniyang higaan si Alia sa tunog ng kaniyang minamahal na alarm clock.

Pagod at sadyang wala yatang maalala sa kung ano ang nangyari sa kaniyang unang araw sa trabaho maliban na lamang sa pagbibigay sa kaniya ng mga detalye at impormasyon sa kaniyang i-endorsong produkto. Sabik na sabik pa man din siyang mag-pose sa camera sa pag-aakalang pictorial na.

"Aray! Bakit ang sakit ng katawan ko?" hawak-hawak ang balakang na tumayo sa higaan at dumiretso sa banyo upang maghilamos. Pipikit-pikit pa ang mga matang pumasok roon at sumalok ng tubig sa timba.

"Anong nangyari sa akin? Dugo? Saan galing ang mga ito?" gulat na gulat ang mukha ni Alia. Inalog-alog pa niya ang ulo para lang rumihestro sa isipan ang nangyari at kung paano niya nakuha iyon. Ngunit wala siyang maalala.

"Baka naman pintura lang pero ang sangsang e. Makaligo na nga kang," hindi na lamang pinansin ni Alia ang mga ito at naligo na lamang muna.

Saktong paglabas niya sa banyo ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Dali-dali niya itong sinagot dahil baka pinapatawag siya ng kumpanya. At hindi nga siya nagkamali dahil mula sa LipsandFace SMA ang tawag.

"Hi, Alia. This is Ria. I forgot to mention yesterday that today is your first photoshoot with a partner. I want you to be at your best today and proceed at the location. Our company shuttle will take you there, so please be here at the office at 8 in the morning to meet your partner. That is all for now. Bye for now."

Tila isa na namang panaginip ang narinig niya. Sinampal-sampal at kinurot-kurot pa niya ang pisngi upang masigurong totoo ang mga iyon. Napa-aray na lamang siya at tiningnan ang orasan. Isang oras pa bago mag-alas y otso ng umaga upang makilala ang makakasama niya sa photoshoot.

Samantala, maagang nakarating sa opisina si Cai dahil nagpasiya siyang maging modelo sa isang i-i-endorso niyang facial cream for men and women. Tested and proven na sa kaniyang balat maging ng kaniyang ina ang bagong produkto nila ForeverGY o Forever Glow and Young 3n1 facial cream hand and body lotion.

Kailangan niya ring makilala ang bagong mukha ng kaniyang kumpanya upang maraming maibentang produkto. Sampung taon na siya sa industriyang ito at ilang beses na rin siyang napasama sa mga listahan ng kilalang Bachelor sa larangan ng Cosmetics and Beauty Products.

Labinlimang minuto bago ang alas y otso ay nasa lobby na si Alia at nakasalubong niya si Ria. Sinabihan lang siya na sumunod at nang makalabas ay sumakay sila sa isang puting Mercedez van. Tahimik lang silang dalawa hanggang sa marating ang McKinley Heights.

Sa isang private resort na pagmamay-ari ng kumpanya sila pumasok. Dumiretso agad sila sa pool area at sinabihan ni Ria si Alia na maghanda na para sa isang photoshoot in two piece white bikini. Kukurap-kurap pa si Alia nang marinig ito pero hindi na siya nagreklamo. Nagpaturo na lamang siya sa isang staff kung saan siya puwedeng magpalit.

Kinakabahan man ay agad siyang nagpalit at lumabas na nakasuot ng roba patungo sa pool.

May kaunting hiya pa nang maglakad si Alia patungo sa direksyon ni Ria pero dineadma na lamang niya.

"Mr. Kurtiz, this is Alia Mae Vegafrancia, our newest model. Alia, this is Mr. Mordecai Chad Kurtiz, CEO and brand ambassador and model at the same time."

Tila isang malamig na simoy ng hangin ang dumaan nang magtama ang paningin nina Alia at Cai nang mga oras na iyon.

Love at first sight sa isipan ni Mordecai habang nakikipagkamay sa bagong modelo.

"Cai."

"Alia."

...itutuloy...

itutuloy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KATHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon