Epilogo

144 7 0
                                    

Kathy
ni MeasMrNiceGuy

Epilogo:

Two years later ay isang masiyahing mukha na si Alia ang lumabas sa Manila International Airport.

Dalawang taon siyang lumagi sa New York upang magpakonsulta sa isang sikat na espesyalista. Doon ay nalaman niyang mayroon siyang Multiple Personality Disorder.

Ang sabi ng doktor sa kaniya, lumalabas ang masiyahing si Alia mula sa mapaghiganting si Malia upang takasan ang kaniyang nakaraan. Si Kathy naman ang isang alter ego niya na lumalabas naman kapag nasa masamang sitwasyon ang isang tao o nangangailangan ng saklolo.

Doon niya nalaman ang lahat. Kampante naman siyang balik na siya sa normal dahil tapos na ang lahat. Nakalimutan na niya at kakalimutan na niya ang nakaraan. Hinding-hindi na niya hahayaang mamayani sa isipan niya si Malia dah wala na itong mapaghihigantihan.

Maliban sa patay na si Cai Kurtiz ay hindi na naabutan pang buhay ng mga otoridad ang mga katawan nina Dmitri, Gael, at Lake two years ago sa scene of the crime.

Sa ngayon ay bumalik siya sa Pilipinas upang puntahan ang mga puntod ng mga namayapang kinagisnan niyang magulang at mag-asawang tumulong sa kaniya.

Naipangako na rin niya sa sarili na itutuloy niya ang kaniyang karera sa pagmomodelo at pag-iipunan ang pangarap niyang bahay at lupa na walang iniintindi at iintindihing problema sa buhay at kasamaan sa isipan.

Habang binabagtas ang daan pauwi mula sa pinuntahang sementeryo malapit sa Sipalay ay ay nakarinig siya ng sigaw ng isang batang babaeng humihingi ng saklolo. Napatigil siya at sa isang iglap ang kaninang masayahing mukha ay napalitan ng isang palaban na si Kathy.

Bumaba siya ng sasakyan di kalayuan mula sa kinaroroonan ng tinig. Sinundan niya ito at doon nakita ang isang umiiyak at walang kalaban-labang bata.

"Hindi ka ba titigil?" nilingon siya ng lalaki at nakitang wala ito sa wisyo. Nakainom marahil at hindi alam ang ginagawa.

"Sino ka naman?" aniya.

"Ako si Kathy. Capital K-A-T-H-Y at galit ako sa mga rapist na katulad mo!"

...wakas...

wakas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KATHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon