Kabanata Otso

113 6 0
                                    

Kathy
ni MeasMrNiceGuy

Ikawalong Kabanata:

10  Years Ago...

Larawan ng isang simple at may matayog na pangarap na dalaga si Malia. Wala siyang ibang hangad para sa sarili kung hindi ang makapagtapos ng pag-aaral at makaahon sa kahirapang kinasasadlakan nito. Kahirapang common na sa lahat ng mga kabataang gustong umangat sa kani-kanilang mga buhay.

Sa probinsiya ng Sipalay, sa bayan ng Ilocos Norte, Mataas na Paaralan ng Damortis Sipalay High School, doon nag-aaral ang noon ay labing-anim na taong gulang na si Malia.

Nasa ikaapat na baitang na siya noon nang magkagusto sa isang transferee student na si Chad Kurtiz. Biglang sikat ang binata sa kanilang paaralan kaya naman pati si Malia ay nahumaling sa kaniyang angking kaguwapuhan.

Mayaman, matalino, matikas ang pangangatawan, at athletic. Iilan lamang sa mga physical attributes na hinahanap niya sa isang lalaki. Gustuhin man niyang mapalapit dito ay hindi niya magawa dahil langit at putik ang pagitan nila. Inihalintulad niya ang sarili sa isang putik na kahit anong pagpapaganda nito ay madumi pa rin ito sa paningin ng iba.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng barkada ni Chad ang pagkahumaling ni Malia dito. Palagi kasi nila itong binu-bully kapag nakikita nilang dumaraan si Malia sa kanilang harapan. Kung anu-anong masasamang balak ang ginagawa nila sa dalaga. May sabuyan nila ito ng tubig, ihi, dikitan ng chewing gum, at iba pa.

Ilang beses nang gustong lumaban ni Malia pero hindi niya naman magawa dahil hindi naman si Chad ang gumagawa noon sa kaniya. Minsan na kasi niya itong nakitang ipinagtanggol siya. Pero iyon ay kung totoong ipinagtanggol nga ba talaga siya.

Iyon ang buong pag-aakala ni Malia dahil isang hindi malilimutang pangyayari sa buhay niya ang nakatakda pa lang sumira at habambuhay na pagsisisihan ng pagkatao niya.

Lulong sa masasamang bisyo ang ilan sa mga kaibigan ni Chad. Tanging sila lang ni Luke ang hindi sumasali pero hindi rin sila nakaligtas dahil nilagyan ng mga ito ang kanilang inumin ng pulbos ng ipinagbabawal na gamot, nang minsang mag truth or dare game sila.

Ginabi nang uwi si Malia nang mga oras na iyon at dahil wala ng traysikel o sasakyan ay naglakad na lamang ito. Kahit takot ay tinatagan na lamang niya ang loob makauwi lang nang ligtas sa tinutuluyan niya.

Hindi pa man siya nakakalayo ay isang itim na sasakyan ang humarang sa kaniya at sapilitan siyang dinukot at ipinasok sa loob. Ilang saglit pa ay tumigil ito at buhat-buhat siya.

Sa isang maliit na kubo na tanging maliliit na lampara lamang ang nagbibigay ng liwanag siya dinala. Nang ibaba siya ay gulat na gulat ang mukha niya dahil kilalang-kilala niya ang mga imahe ng nasa harapan niya.

"Hello, Malia. Kamusta ka?" gumapang ang hilakbot kay Malia nang mga sandaling iyon dahil ang mga barkada ni Chad ang nasa harapan nito. Sa mismong harapan niya ay ang lalaking pinangarap niya, si Chad.

"C--Chad? Chad, kung ano man ang nais gawin ng mga kaibigan mo, please, pigilan mo sila," pagmamakaawa nito.

Tila hindi siya naririnig ni Chad. Ibang Chad ang kausap niya. Parang sinapian ng demonyo. High na high at kaunting galaw lang niya ay buhay niya ang magiging kapalit.

"Ihiga siya. Hawakan siya!" lalong tumindi ang kilabot kay Malia nang makita niya si Gael na binuhat siya at inihiga sa katre. Hawak-hawak nina Dmitri at Lake ang mga kamay niya at ni Jason naman ang kaniyang paa.

Palapit nang palapit si Chad nang mga sandaling iyon sa kaniya pero hindi nakapagpigil si Jason at nauna nang ginapang ang dalaga. Kung saan-saan gumapang ang mga kamay niya hanggang sa maramdaman na lamang niya ang isang matigas at matulis na bagay na naghahanap ng mapapasukan sa pagitan ng kaniyang hita.

"Chad! Chad! Tulungan mo ako! Please, maawa kayo sa akin. Huwag! Huwaaag!" walang nakakarinig sa mga sigaw niya. Patuloy ang pagpupumiglas niya. Patuloy din ang pagpapakasasa sa kaniyang katawan ng mga lulong sa drogang kaibigan ni Chad. Gumagalaw na rin ang mga kamay nina Gael, Dmitri, at Lake sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan.

"Tama na! TAMA NA!" buong lakas na iginalaw ni Malia ang paa at nasipa sa gitna si Jason. Nakawala naman ang kaniyang kaliwang kamay at agad na kinalmot sina Dmitri at Lake sa mukha. Nakakita naman ng pamalo si Malia at naihampas iyon kay Gael nang harangin siya.

Sinadya niyang hindi dumaan kay Chad at agad na tumakbo. Pero isang bilog at mabigat na bagay ang tumama sa kaniyang ulo dahilan upang makaramdam siya ng pagkahilo at natumba. May humila sa kaniyang paa at pinaharap siya.

Isa-isang pinagtatanggal ang kaniyang kasuotan. Kahit hilong-hilo at duguan ay nagawa pa niyang masilayan ang lalaking gumagawa niyon sa kaniya. Lalong tumindi ang galit niya nang halos hubo at hubad na siya. Wala pa rin sa katinuan si Chad nang gawin ang panggagahasa sa kaniya. Nakatingin lamang sa kaniyang likuran ang mga kaibigan nitong sabik na sabik ding matikman siya.

Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ni Malia. Dinamayan pa siya ng ulan na unti-unting bumubuhos sa tagong lugar na iyon. Ipinaubaya na lamang niya ang kapalaran niya nang mga sandaling iyon sa kaniyang panalangin sa isipan.

Sigaw siya nang sigaw. Ilang beses nagmakaawa pero hindi siya pinakinggan. Salitan sila ng pagpapakaraos matugunan lamang ang tawag ng kani-kanilang mga laman. Pakiramdam ni Malia ay dugo na ang huling lalabas sa kaniyang mata nang muling pagsawaan ni Chad ang kaniyang katawan.

Ang lalaking gusto niya. Ang taong nais sana niya. Ang lalaking inakala niyang ipagtatanggol siya. Mali ang kaniyang akala. Lahat ay tila bangungot na gugustuhin na lamang niyang mamatay at huwag ng magising pa.

"Sh**t! Anong ginawa natin? Malia? Malia! Gumising ka. Malia!"

Nang mawala ang tama kay Chad ay nagpupuyos sa galit siyang tumayo at pinagsusuntok ang mga kaibigang nagising na rin sa kanilang kahibangan. Maging si Lake ay hindi makapaniwalang nagawa nilang lima ito kay Malia. Lahat kasi sila ay walang pang-itaas at nakababa ang mga pantalon.

"Malia! Gumising ka!" halos mabaliw si Chad sa sinapit ni Malia. Hindi naman nakapagsalita ang apat sa kaniyang likuran.

"Kumuha kayo ng pala at pangbungkal ng lupa. Ilibing na lamang natin si Malia. Ako nang bahala sa lahat," utos ni Jason.

Wala namang nagawa ang iba kung hindi sundin na lamang si Jason. Inilibing na lamang nila ang katawan ni Malia malayo sa kubo at agad na nilinis ang mga kalat. Nilisan nila ang lugar at gaya nga ng sinabi ni Jason, siya na ang gumawa ng paraan para matakasan ang krimeng kanilang ginawa. Iyon na rin ang huling pagkakataong nagka-usap sila.

Patuloy ang buhos ng ulan. Malakas din ang ihip ng hangin. Sa lugar kung saan inilibing si Malia ay isang kamay ang nagpupumilit makalabas at huminga mula sa lupa.

...itutuloy...

itutuloy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KATHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon