Kabanata Nuwebe

99 5 0
                                    

Kathy
ni MeasMrNiceGuy

Ikasiyam na Kabanata:

Hindi namalayan ni Alia na sa tagal ng kaniyang tinakbo ay hindi na niya maalala kung saan siya nakasakay at kung paano nagawa ng kaniyang isipang makauwi sa kaniyang condo.

Sa loob ng kaniyang inuupahan ay muli na naman siyang tinawag ng tinig at naalala ang mga mukha ng tatlong lalaking nasa harapan niya kanina. Pilit niya nga itong kinalimutan, ngunit malakas ang tinig na iyon upang sariwaing muli ang kaniyang madilim na nakaraan.

At sa alaalang kaniyang nakikita ay ang imahe ng lalaking una at huli niyang minahal. Ang lalaking iyon din ang sumira at naging dahilan ng kaniyang kamatayan.

Paghihiganti naman ang sigaw sa isipan ng nagsasabing Malia sa mga taong walang awang gumahasa sa kaniya. Lalo lamang dumilim ang kaniyang paningin at pansamantala itong nakatulog. Sa kaniyang panaginip ay doon naging malinaw ang lahat at kung paano siya nakaligtas ay isang himala iyon ng Panginoon sa kaniya.

...

(karugtong ng flash back 10 years ago)

Isang kamay hanggang sa ito ay naging dalawa ang lumabas mula sa hukay kung saan inilibing ang noo'y si Malia. Nang tuluyang makalabas ang kaniyang mukha at kalahating katawan mula sa lupa ay pilit siyang kumukuha ng hangin upang makahinga.

Salamat sa ulan dahil unti-unting hinuhugasan ang kaniyang mukha at buong katawan mula sa kinasadlakan. Tinangka nitong gumapang upang makaalis sa lugar na iyon at nanalanging sana ay may isang magmagandang loob na makakita sa kaniya at matulungan siya.

Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan at nagawa ni Malia na makaabot sa kalsada. Kahit hirap huminga ay nagpakatatag siya. Nagbakasakali siyang may dumaan at may makakita sa kaniya.

Sa awa ng Diyos, sa gitna ng kalsada ay may dumaang mag-asawa at tinulungan siya. Ang mag-asawang iyon ang gumamot sa kaniya at utang niya roon ang kaniyang pangalawang buhay makalipas ang halos dalawang linggong pagkahimlay niya. Sa mag-asawa ding iyon nakita ni Malia ang kahalagahan ng pagsisikap, kaya naman sa tulong din nila, nakapagtapos siya ng pag-aaral gamit ang pangalang Alia Vegafrancia.

Sa kabila ng lahat ng iyon ay pansamantalang kinalimutan ni Malia ang kaniyang nakaraan at namuhay bilang si Alia sa kasulukuyan. Subalit, sinong mag-aakalang muling manunumbalik ang isang Malia na puno ng paghihiganti sa mga kawalang hiyaang ginawa sa kaniya ng mga taong malaki ang kasalanan sa kaniya.

...

Sa muling pagdilat ni Alia ay isang mapaghimagsik at puno ng galit at paghihiganting si Malia na ang lumukob sa kaniyang kasalukuyan katawan.

Nang mga oras na iyon ay isang tawag mula kay Cai Kurtiz ang kaniyang natanggap at isang plano ang nabuo upang hulihin sila sa kaniyang bubuuing patibong.

"Yes, sir Cai?" aniya sa tinig na parang si Alia.

"You scared me, Alia. Akala ko may masamang nangyari sa iyo. Nasaan ka at pupuntahan kita," sumilay ang mapaklang ngiti sa mga labi ni Malia nang marinig ang pag-aalalang iyon sa lalaking kinababaliwan niya noon.

"I'm sorry, sir Cai. It was not my intention to run away after meeting your friends. Ipagpaumanhin mo rin kung hindi kita nasamahang mag-breakfast. I am at home and I want to take a rest for a while since it's my day off. Napagod lang yata ako. I hope, your friends can forgive me," sinadya niyang magsinungaling upang kunin ang loob nito.

"Don't worry, they are just bunch of idiots. Oops, sorry for the bad words. Gusto sana nilang humingi ng paumanhin personal sa iyo, lalo na sa inasal ni Dmitri sa kung ano man ang kasalanang nagawa niya kanina," lalo pang lumapad ang kaniyang mga ngiti nang malamang okay lang ang nangyari sa kaniyang mga kaibigan.

KATHYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon