Chapter 17

56 1 1
                                    

Chapter 17

Kath's POV

After nung nangyaring announcement regarding dun sa ratings, comments, reactions, etc about sa show namin, sobrang nabuhayan talaga kami. Lalo kaming ginanahan na magtrabaho, especially me. Kasi naman, ayokong maging pabigat sa kanila kasi ako yung baguhan dito. Syempre nakakahiya sa mga staff, kay direk, kay Ms. Cathy na producer namin, sa mga co-stars ko at higit sa lahat sa network kung saan super na nagtiwala sakin at sa role na ginagampanan ko. Hayyy. Para na akong nag.speech nito. Hahaha.

At sa ngayon, malapit na matapos ang shooting namin for today. Alam kong sobrang pagod na ang lahat pero di nila pinapakita yun para talaga masiguro namin na maganda ang kalalabasan. Kumbaga di namin alintana ang pagod at ang init ng panahon.

“Okay, cut!!” sigaw ni Direk Lino. “Magaling! Next scene naman! Yung volleyball scene.”

Ayun. Kami na pala. Ito yung scenen na maglalaro kami ng volleyball. Kahit di ako masyadong marunong talagang sinusubukan ko. Hehehe. Okay lang andyan naman ang mga co-stars ko na umaalalay palagi sakin. Lalo na si Daniel. Di po kayo nagkakamali. Talagang bumabait na sya sakin. Pero alam ko naman eh. Alam ko naman ang dahilan kung bakit.

Okay stop na ang drama. Start na kami sa shooting. Hahaha. Ayoko ko nang isipin yun. Wala na sakin kung dahil lamang sa pagiging “Love Team” namin kaya sya naging mabait. Basta ako, magpapakilala ako kay Quen. Pero di ko pa alam kung paano at kailan, basta magpapakilala talaga ako.

**Fast Forward**

“Ah!” ako sabay spike ng bola. Habang tumatagal gumagaling ako konti. Hehe.

“Kathhhhhh!” sigaw ni Daniel, at paglingon ko... BOGSSSHHHH!

“Aray!” sabi ko sabay hawak sa ulo ko. Di ko napansin yung bola, ayan tuloy natamaan ako.

“Kath, okay ka lang?” tanong ni Daniel na sobrang nag-aalala. Talaga? Totoo ba yung nakikita ko? Nag-aalala sya?

“Girl, okay ka lang?” tanong din ni Kiray.

“H-Ha? A-Ah. O-Okay lang ako.” sagot ko sa kanila.

“Sigurado ka? Kasi parang hindi. Kung gusto mo magpahinga ka muna.” sabi ni Daniel.

Wow ha? Hayop sa pag-alala. Acting ba to o ano? Pero parang totoo eh. Pero bakit? Tsk! Waaaaaa. Naloloka na ako dito. Hawak ko parin ulo ko na nakayuko.

“Oyy. Ano? Okay ka lang ba talaga? Nag-aalala na kami sayo dito oh.” si Daniel parin.

“Oo nga Kath. Masakit ba ang ulo mo?” tanong ni Direk.

“Po? Okay lang po ako. Pramis. Matigas po itong ulo ko. Hahaha. Wag po kayong mag-alala direk. Hahaha” pagbibiro ko.

“Hahahaha. Ikaw talaga. Nagagawa mo pang magbiro kahit natamaan ka na ng bola sa ulo.” sabi ni Diego

“Haha. Oh sya dun ka muna sa tent. Magpahinga ka muna konti.” sabi ni Direk.

“Po? Eh pano po ang shooting? Baka po matagalan po tayo. Ipagpatuloy nalang po natin.” sabi ko naman kay Direk.

“Di girl, magpahinga ka nalang muna. Baka mapano ka pa.” sagot naman ni Julia

Awww. Ang sweet naman ng mga kasama ko dito. Talaga palang nag-aalala sila sakin. Pero, pati si Daniel? Oo naman siguro. Baka totoo talaga yung pag-alala nya kanina. Hehehe. Wow ha? Parang kinikilig ako. Haha. OMG! Waaaa!! Sheeeems!

Eto sinamahan ako ni Daniel papuntang tent. Sya kasi ang nagpresenta na maghatid sa akin dun. Well? Over na ang pagpapakilig nya ah. Hahaha.

“Ano? Okay ka lang ba talaga? Baka gusto mo dalhin ka namin sa hospital?” -Daniel

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE TEAM (KN FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon