Kabanata 1
Call me ambisyosa but just like all K-drama fans out there, I also hoped for my dream Korean guy. Just the thoughts of having date with him strolling around Seoul streets like I always seen in Korean dramas, made me shiver with excitement. Ano kayang feeling 'pag ganun? 'Saya siguro.
Inabot ko ang headphone at isinuot ito. Nakapuwesto na rin ang mga ilaw, mikropono at ang aking camera sa harapan. Heto na naman ako sa aking kinagigiliwan.
I close my eyes as I started to strum the guitar and sing.
A dangerous plan, just this time
A stranger's hand clutched in mine
I'll take this chance, so call me blind
I've been waiting all my lifePlease don't scar this young heart
Just take my hand~"Aish!"
Napatigil ako, kaagad na padabog na tinaggal ang headphone sa aking ulo. That lyrics reminds me of someone, literally.
That man the other day that looks like a Korean guy? Sana nagkamali lang ako at sana'y hindi nga talaga iyon Koreano. He just cut me off from my daydreams. As in! Nakakadisappoint siya! Ang singkit pa naman ng mata niya, tapos ang kinis ng balat. Maputi rin tsaka ang ganda din ng tindig. Or maybe he's into Korean culture kaya na adapt na rin sa kanyang sarili. Taliwalas sa magandang mukha niya ang kanyang ugali! I mean, he could just lend a hand to lift me up, but he didn't! He didn't take my hand.
Humanda siya sa akin. Gusto ko pa naman yung mga oppa oppa na iyan pero except sa kanya. In his dreams! If he idolizes Korean and like to become one, hindi ugali ng oppa yung ganun no!
Ayun. Umuwi akong basa at putikan nung araw na iyon. It was a bad day and he just made it worse!
My phone rings for a message. Bumuntong-hinga ako at nagmadaling nagbihis.
"Ewan ko sa inyo, Sue!" Ani ko sa kaibigan.
Nandito kami ngayon sa SM. Sue's in her usual disguise outfit because this girl is one of the known actress in our country. She's one of my bestfriend and now, as a bestfriend, I am fulfilling her wish. Again.
"Please last na talaga 'to. Dumikit ka lang sa akin at kay Joao," pagmamaka-awa niya.
Aigoo. "Sa dami ng puwedeng pasyalan, e, ba't dito pa? Daming tao dito. Ano ba 'yang boyfriend mo pinapahamak ka lang n'yan."
"We never tried going out for a mall date."
"Malamang artista kayo! Bawal Sue, bawal!" I exclaimed kaya natataranta si Sue na kaagad tinakpan ang aking bibig. Oo nga 'no, baka may makarinig.
"Promise we'll be careful naman. Sige na please?" Pagsusuyong muli niya.
Tinggal ko ang pagkakahawak niya sa aking bibig. "May magagawa pa ba ako?"
"Yes! Kamsahamnida, chinguya. Gomawo, jinja, gomawo." Aniya tsaka nag-bow mala Korean.
It's Sue and Joao's monthsary. They've been dating for a year and no one knows it, excluding me ofcourse. Pareho silang artista na dapat inaalagaan ang reputasyon. They had different managers na ayaw ma-involve sila sa kung kanino man. Pero mga rule breakers 'tong dalawa. Risk-takers pa nga.
We stroll around the mall. Pinapagitnaan namin ni Sue si Joao, para maiwasang mabangga ng mga nakakasalamuha. Dami kasing fans, delikado na kung mahahalataan. This is one of the disadvantages of being famous. Pero kahit na, gusto ko pa rin maging artista. Though it sucks that I couldn't bring my camera now and to vlog because yeah sila Sue, pero enjoy pa rin. Kung saan-saan kami, window shopping, nag-aarcade ganern. Nagba-basketball sila samantalang sa videoke ako.
Third-wheel. Ganern.
Nag retouch kami ni Sue sa CR. Papahirapan pa sa kanya kaya pumasok siya sa cubicle for privacy. I glance once more at the big mirror to check out myself before going out. Tinext ko na lang din si Sue na nasa way lang ako palabas ng CR.
I lean back on the wall while humming a song, and slightly banging my head. Natigil lang ako nang makarinig ng manipis na iyak. Kunot-noo akong lumingon sa aking gilid, just a few steps from the way to the CR.
A girl was sniffing as she sat down the floor. May kasama itong lalaki na nakatayo lang at hinayaan siya. Maya't-maya ay mas lumakas lang ang iyak ng babae. The people who pass by can't avoid not to look at them and murmur. But the stupid guy she's with, doesn't even give a single damn.
'Di ko na natigilang maki-alam nang bahagyang pinatid lang ng lalaki iyong babae tsaka dumistansiya ulit sa kanya. Lumapit na ako sa kanila.
"Ate, okay ka lang po ba?" I asked the girl, caressing her back.
Tumango lamang ang babae pero patuloy pa rin sa pag-iyak. Kawawa naman si ateng. Maturuan nga ito ng leksyon ang manong.
Laking gulat ko ng makita kung sino ito. He looks dashing and all in his suit pero wait- Siya? Iyong mukhang Koreano!
Nakahalukipkip at kunot-noo niya akong tinitigan. Aha, pangit talaga ng ugali. Nung nakaraan hindi niya ako tinulungan upang makatayo. Ngayon naman, magpapaiyak ba naman ng babae!
"'Yang pormahan na 'yan. Naku ho hindi nakaka-dagdag sa kapogian at lalo nang hindi mo nadadala iyan sa hukay no!"
I startled when he clenched his teeth.
Dala ang kanyang nagtitimping ngisi ay humakbang siya papalapit sa akin. He screams arrogance. Tila ba nakakabingi ang bawat pag-apak nito. Nagbaba siya ng tingin habang hindi pa rin nag-salita. Aba baka Koreano talaga ito at hindi nakakaintindi ng Tagalog?
"Yah. Mi-chin sae-ggi!" I glare at him. Hey Crazy Son of a B*tch
Shock was evident in his face. Akala n'ya siguro wala akong alam sa Hangul. I have basic knowledge in it, FYI.
"Mwo? Ha!" Hindi makapaniwala n'yang sambit. "Chakamanyo." He roll up his sleeves impatiently.
Nang matapos ay mas lumapit siya sa akin, ignoring the space left between us. Bahagya akong napapikit nang itinaas niya ang kanyang kamay sa ere. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa takot. But few seconds pass, I didn't feel a palm against my cheek. I slowly open my eyes just to see that Sue is now infront of me.
Luminga-linga ako sa ibang direksyon. Hinahanap sila at nakitang nagmamadaling naglakad ang mga ito paalis. Pati si Sue ay lumingon na rin doon.
"Huh? Bakit? Wait.. They look familiar ah!" Ani Sue, nagtataka akong bumaling sa kanya. "Pero.. baka nagkakamali lang ako. Imposibleng pumupunta ng mall 'yon. Ewan! Tara na, baka hinanap na ako ni Joao."
Nagsimulang maglakad si Sue samantalang napako ako sa kinatatayuan. Bumalik siya't kinuyod na ako, naglakad patungo sa kasalungat na direksyon sa kanila.
But the whole situation just made me haywire. Did I just bump into him again? I'm dying to have my dream guy ngunit hindi ganoong klase ang hinahanap ko, e.
Naku! Na-i-stress ang bangs ko sa iyong Koreano ka. Hawig mo pa naman sana si Joong Ki.
-
A/n:
Yung unang part sa Simula, Goblin Korean Drama po ang naka-describe dun. Bali na iimagine ni Kristel siya si Eun Tak. It's the heart breaking scene; iyong naging abo na si Ahjusshi. I describe the drama in my own point of view, base sa nararamdaman 'kong emotions nila Kim Shin at Eun Tak sa sitwasyon na iyon. 'Yun lang. Thank you!
YOU ARE READING
My Big Boss | Kristel & Yohan Fanfiction
RandomWe all have dreams. Who says we don't? Big or small, fantasies and careers, whatever it is we tend to do any things to reach our dreams. Ilan sa atin ay nakukuha ito sa madaling paraan, ang iba naman ay hindi, nakaapak sa pinakamababa. She always be...