Chapter Four: Decision

3.1K 171 25
                                    

CHAPTER FOUR
DECISION
━━━━━━━※✧✦✧※━━━━━━━



(Third Man POV:)


              "Do you like apple... Pagbabalat kita." Nakangiting sabi ni Alex kay Carter pero umiling lang ang huli. Napakunot naman ang kakambal nito napapansin nya kanina pang umalis ang Papa nila at si Mr Arizmendi na malamig ang pakikitungo ng kakambal sa kanya.
             "May problema ba Carter?" Tanong ni Alex saka umupo sa kama. Tumingin naman ito sa kanya.
             "You." Matipid na sagot nito.
             "Me? How? Binilhan na nga kita ng book." ani Alex.

             "Alam ko kung bakit mo ako binilhan it's because gusto mong wag na kitang awayin sa way mo ng pagkausap kay Daddy." ani Carter. Natahimik naman si Alex yun naman kasi talaga ang dahilan kung bakit nya binilhan si Carter ng libro. Humarap sa kanya ang kakambal.
           "Tell me? Ano bang ayaw mo sa kanya.... Di ba we both dream of having a daddy.... And now he is here pero ayaw mo naman." ani Carter. Napayuko naman si Alex, totoo ang sinabi nito. Those were times na mahihiga sila sa kama at nakatingin sa labas ng bintana and wishing na sana...sana dumating na ang daddy nila para di sila tinutukso sa school na walang daddy.

             But that was before. Soon enough Alex learned that he didn't need his Daddy lalo na ng nagkasakit si Carter. Nakita nya kung paano magsikap si Castiel para sa kanila and he felt guilty na naghahangad pa sya ng Daddy when in fact Castiel is more than enough father for them.
          Kaya naman ng dumating si Alessandro pakiramdam nya may intruder na gustong pumasok sa pamilya nya. And he didn't like it kahit na sabihin pang sya ang Daddy na hinihintay nila noon ng kakambal. Hinawakan ni Carter ang kamay ng kakambal.

           "Can you at least be nice to him.... His our father....gusto ko syang makasama kahit sandali lang." Pakiusap sa kanya nito. Napakunot naman ang noo ni Alex sa sinabi nito.
           "What 'kahit sandali lang' are you talking about?" Tanong nya. Sumandal naman sa headboard ng kama na nilagyan ng unan para di sya mangalay si Carter.
            "Nothing...." ani Carter saka sya ngumiti ng malaki at humawak sa braso ng kakambal.
            "Basta.... I want you to be nice to him....can you promise me that magiging mabait ka sa kanya kuya?" Sabi nito. Napailing naman si Alex minsan lang sya tawaging 'kuya' ni Carter at yun ay sa mga oras na naglalambing ito o may gusto in this case pareho.

            "Kuya?" anito saka itinaas ang kamay, wala naman nagawa si Alex at nakipag-handshake sa paraan na sila lang dalawa ang nakaka-alam.
           "Whatever." ani Alex. Ngumiti naman si Carter saka niyakap ang kakambal.
           "Thank you Kuya." ani Carter saka niyakap si Alex. Di naman mapigilan mapangiti ni Lydia habang pinanonood ang dalawang bata.

……………………………





CASS




 
                "Ang complicated naman pala ng situation mo ngayon...di ko kinakaya." Sabi ni Jenny ng ikwento ko sa kanya sa break namin ang nangyari.
           "Kaya nga akala ko pag nahanap ko na si Alessandro ay maaayos na ang lahat ng ito hindi pa din pala..." aniko saka ako uminom ng kape.
           "Pero friendship.... Kakayanin mo bang makipag-sex ulit sa kanya?" Tanong nito. Natahimik naman ako. Actually kagabi pa gumugulo sa isipan ko ang bagay na iyan.

     
           "Hindi ko alam Jen....totoo naman ang sinabi ko sa kanila kahapon... Walang kaso sa akin kung kinakailangan kong magbuntis ulit para sa ikaliligtas ni Carter.... Pero ang ipinag-aalala ko.... May asawa si Alessandro... Ayoko naman makatapak ng ibang tao." Sagot ko. Napahinga naman ng malalim si Jenny.
           "Ang gulo nga ng situation...pero di ba pwedeng mapakiusapan ang asawa ni Alessandro? Kahit isang gabi lang para naman ito sa bata." ani Jenny napatingin na lang ako sa kanya.

             "I don't know....ni hindi ko nga alam kung anong pangalan nya....." Sagot ko saka ko inubos ang kapeng iniinom ko ng tumunog ang cellphone ko. Si Alessandro ang tumatawag.
            "Sagutin ko muna." aniko kay Jenny tumango naman ito saka ako tumayo at lumabas ng pantry para sagutin ang tawag nito.

            "Alessandro?"
             "Anong oras ang labas mo sa trabaho?" Tanong agad nito. Napatingin naman ako sa relos ko.
             "May dalawang oras pa ako, bakit?"
             "Susunduin kita...." Napakunot naman ang noo ko.
               "Wait alam mo ba kung saan ako nagtatrabaho?" Tanong ko.
               "Oo... Napa-background check na kita." sagot nito na medyo ikina-offend ko pero di ko na lang pinansin.
               "Bakit mo nga pala ako susunduin?" Sa halip ay tanong ko na lang.
              "Gusto kong pag-usapan na natin yung option na sinabi ni Dr. Velasquez."
               "Okay... Sige magkita na lang tayo mamaya." aniko at di man lang ito nagpaalam basta nawala na lang sa kabilang linya. Napailing na lang ako at ipinasok ulit sa bulsa ang cellphone ko saka ako bumalik sa table namin ni Jenny.
            

               "Sino yung tumawag?" Tanong nito pagka-upo ko.
               "Si Alessandro.... Susunduin nya daw ako mamaya para mapag-usapan na namin ang desisyon para sa option na sinabi ni Raiko." Sagot ko dito.
               "Cass.... Wag kang ma-pressure okay... Pag-isipan mo ng maigi ito.... Wag kang magdesisyon sa isang bagay na di buo ang loob mo." Payo ni Jenny. Tumango naman ako sa totoo lang hanggang ngayon naglalaban ang loob ko sa kung ano ang dapat gawin.
            Sana lang kung ano ang maging desisyon ko ay ikabuti ni Carter.

……………………………

             Sa coffee shop malapit sa hospital kami nagpunta ni Alessandro para makapag-usap.
             "Cappuccino." anito saka itinulak palapit sa akin ang inorder nya samantalang ito naman ay black coffee lang ang kinuha.
             "Alam kong muka akong namimilit at nagiging makulit sa paningin mo.... But kailangan na natin bilisan ang pagdedesisyon..."
             "Alam ko....katulad nga ng sinabi ko ng nasa opisina tayo ni Raiko.... I don't have any problem with having one with you...again." aniko, napatango naman ito. Uminom muna ako ng cappuccino saka ako muling nagsalita.

             "Pero.... Ano-anong reaksyon ng asawa mo dito? Sa pagkakaroon mo ng anak sa akin... Sa option na sinabi ni Raiko." Mahinang tanong ko but I regret asking it the moment I close my mouth.
           "I'm sure Monique won't mind.... she love children....." anito, so 'Monique' pala ang pangalan nya. Ang babaeng pinakasalan nya after that night. Napayuko ako bakit ba nagtutunog nagseselos ako?
          "I'm sure she will treat Alex and Carter as her own children." anito napatingin ulit ako sa kanya.

            "What do you mean by that?" Napakunot naman ang noo ni Alessandro sa akin.
            "Alessandro if iniisip mo na pwede mong makuha sa akin ang mga anak ko.... Nagkakamali ka." aniko tatayo na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko.
            "And that would never happen.... Cass... Listen me first...." anito napahinga naman ako ng malalim saka umayos ng upo.
              "I'm sorry kung yun ang pagkaka-intindi mo.... What I mean is syempre gusto ko naman kahit papaano makasama ko ang mga bata... Gusto ko lang sabihin na kung sakaling mapapayagan mo silang mag-stay sa akin kahit ilang araw ay wala kang aalalahanin dahil mabait si Monique." Paliwanag nito. Marahang napatango ako.

             "I'm sorry din." aniko parang nahiya ako sa inasal ko, tumango naman ito saka binitawan ang kamay ko.
              "I understand... Sorry din kung may ibang meaning sayo yung sinabi ko.... Anyway about what we're talking about...."
             "Pumapayag ako.... Basta para sa mga anak ko at sa ikagagaling ni Carter handa akong gawin." Sagot ko sa kanya. Napatango naman si Alessandro saka ito huminga ng malalim.

             "Should we scheduled it....or..." ani Alessandro na parang naubusan ng sasabihin.
             "Ahm.... Alessandro.... Give me two days to at least prepare or something...tatawagan na lang kita." aniko ramdam ko yung ilang na namuo sa pagitan namin.
              "Okay..... Maghihintay ako."
              "Sige maiwan na kita..." aniko saka ako tumayo at lumabas ng coffee shop.

………………………………

VOTE.

Reason To BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon