Chapter Fifteen: Officially Together

2.8K 157 38
                                    

[A/N: Happy 4K reads!  Thank you!
Malapit na syang matapos... Yes! Siguro hanggang Chapter 25 na lang. Kapit lang!]





CHAPTER FIFTEEN
OFFICIALLY TOGETHER
━━━━━━━※✧✦✧※━━━━━━━





CASS

             Marahang kong iminulat ang mga mata ko, madilim ang paligid. Hindi ko na alam kung anong oras na o ilang oras na kaming nakatulog ni Alessandro mula kanina saka ko kinapa ang tabi ko pero napakunot ang noo ko ng di ko sya nahawakan kaya naman napa-upo ako pero nawala din ang pag-aalala ko ng makita kong naka-upo sya sa edge ng kama at may hawak na gitara.
             "Nagising ba kita?" Tanong nya ng makita nyang nagising na ako. Umiling naman ako saka ako lumapit sa kanya at yumakap ako sa hubad nyang likuran. Ang sarap sa pakiramdam ng yakapin sya ng walang sagabal na damit sa aming dalawa. Sharing our body heats.
 

            "Marunong ka palang mag-gitara." aniko. Napangiti naman ito.
             "Marami ka pang di alam sa akin...gaya ng marami pa din akong di alam about you."
             "And I think we have a lifetime para alamin iyon." Nakangiting sabi ko. Tumango naman ito saka niyuko ang gitara.
             "Anong tinutugtog mo?" Tanong ko ulit saka ko idinantay ang ulo ko sa balikat nya.
             "Yung kantang laging tumatakbo sa isipan ko sa tuwing naiisip kita at sa tuwing kasama kita." anito natawa naman ako.
             "Ang cheesy mo." buska ko sa kanya pero hinalikan lang nya ako sa labi saka nya sinimulang patutugin ang gitara at nakinig na lamang ako.

            "There were bells on a hill.....But I never heard them ringing....No, I never heard them at all.....Till there was you...." anito saka tumingin sa akin bago yumuko ulit. Di ko mapigilan mapangiti, di ko alam na may ilalaban din pala ito sa pagandahan ng boses.
          "Then there was music and wonderful roses.....they tell me in sweet fragrant meadows....of dawn and dew....There was love all around......but I never heard it singing....."  saka sya muling tumingin sa akin at binigkas ang mga huling salita sa kanta.
            "No, I never heard it at all.....Till there was you...." anito.
            "I love you." Bulong ko sa kanya na ikinangiti nya saka nya ako hinagkan sa labi. Ibinaba din nya ang gitara saka nya ako niyakap at humarap sa akin.
             "I love you too...." He said between our kisses bago nya ako inihiga at ipinagpatuloy ang paghalik sa akin na tinutugon ko naman, ng makaramdam ako ng kakaiba sa sikmura ko.

             "Ummmm wait..." Sambit ko nagtataka naman na napatingin sa akin si Alessandro saka ko sya pina-alis sa ibabaw ko at hinila ang blanket na ibinalot ko sa katawan ko saka ako nagtatakbo papuntang banyo.
            "Cass... Okay ka lang ba?" Tanong ni Alessandro pero di ko na sya nasagot dahil nagsusuka na ako sa lababo ng banyo. Agad naman na sumunod ito sa akin at hinimas ang likod ko. Nang pakiramdam ko ay wala na akong ilalabas ay saka ako nagmumog at naghilamos.
          "Sorry...morning sickness...I guess." Sambit ko. Natawa naman ito.
          "It's okay..." anito at akmang hahalikan nya ako ng pigilan ko sya.
          "Ooops.... Masama ang lasa.. Wag na." Natatawa ako, napatango naman ito at hinalikan na lang ako sa noo.

  
            "Sige na maliligo na ako...baka hinihintay na tayo ng mga bata." aniko at itutulak ko na sana sya palabas ng banyo ng bigla nya akong buhatin nahulog tuloy ang kumot na nakabalot sa katawan ko.
             "Uy..." Gulat na sabi ko.
             "Sabay na lang tayo para tipid sa time." Nakangiting sabi nito. Natawa naman ako pero wala na akong nagawa ng iupo nya ako sa bathtub saka nya binuksan ang tubig para mapuno ito bago sya tumabi sa akin.
             At katulad ng inaasahan ko ang mabilis lang sanang paliligo ay tumagal.


Reason To BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon