Chapter Eleven: Mutual Understanding Or Misunderstanding?

2.9K 163 18
                                    

CHAPTER ELEVEN
MUTUAL UNDERSTANDING OR MISUNDERSTANDING ?
━━━━━━━※✧✦✧※━━━━━━━





CASS





               It's been two weeks since may nangyari sa amin ni Alessandro and masasabi ko na parang may nabuo kaming relationship like mutual understanding perhaps, lagi syang dumadalaw sa mga bata not every other day katulad ng dati. Ngayon halos sa hospital room na nga din sya nagpapalipas ng maghapon. Wala naman akong against doon lalo na at nakikita kong mas nagiging malapit sa kanya ang kambal lalo na si Alex.
               Ang nagiging problema ko lang...or kung matatawag ngang problema yung mga panakaw na sandali namin sa isa't-isa....gosh para kaming mga teenagers na may raging hormones. Di naman sa ayaw ko pero minsan di ko maiwasang isipin kung may pupuntahan ba ang mga iyon.

            "Daddy!" Narinig kong tawag ni Carter napangiti naman ako saka ako lumabas ng kitchen. Inuwi ko muna kasi si Carter. Buwan-buwan inuuwi ko si Carter sa bahay kahit isang linggo lang para mapahinga sya sa hospital pumapayag naman si Raiko na madalas dumadalaw din tuwing hapon para check-up-in si Carter.
          Naratnan kong buhat na ni Alessandro si Carter, wala naman si Alex dahil may klase ito. Mamaya pa ang uwian nito hatid ng service nya. si Tita Lydia naman ay dumalaw muna sa probinsya, matagal na din kasi itong di nakaka-uwi sa probinsya namin kaya kami lang ni Carter ngayon sa bahay.

           "Papa... May doughnuts na dala si Daddy!" Nakangiting itinaas ni Carter ang dalawang boxes ng Krispy kreme donuts. Nakangiti naman sa akin si Alessandro ng mapailing ako. Sinabihan ko na kasi sya na wag dalhan masyado ng mga sweet food ang kambal pero patuloy pa din sya sa pagdala lalo na at pag tinatawagan nya sa gabi ang kambal ay puro sweet food ang nais na pasalubong.
           "Isa lang ang pwede mong kainin hah.... Malapit na din kasi tayong mag-dinner." Nakangiting sabi ko agad naman na tumango si Carter saka sya ibinaba ng Daddy nya sa couch at agad nyang binuksan ang isang box ang kumuha ng doughnut habang nanonood ng cartoons. Kinuha ko naman ang isang box at ilalagay ko muna sa ref. Nagulat pa ako ng sumunod si Alessandro at niyakap ako mula sa likuran.

           "Good afternoon.... Sorry kung ngayon lang ako nakapunta marami kaming meetings na tinapos ko muna para walang tumatawag sa akin kapag nandito ako." anito saka humalik sa pisngi ko. Napayuko naman ako. Eto na naman po sya sa pagnanakaw ng mga halik.
           "Hindi ka naman po kailangan magpaliwanag, Mr Arizmendi...." sabi ko saka ko inalis ang pagkakayakap nya sa akin saka ko nilagay sa ref ang box ng doughnut saka ako humarap sa kanya.
            "Eh bakit parang ang sungit naman..." anito di ko naman napigilan na pisilin ang matangos nyang ilong.
           "Eh kasi naman ilang ulit kong sinabi na wag mo ng dalhan ng sweet food ang kambal.... May mga chocolate pa nga sa ref eh..."
           "Sorry na.... Yun kasi ang hinihiling nila kapag kinakamusta ko sa gabi." anito napailing naman ako pero bigla ako nitong hinalikan sa labi.

          "Ano ba....nandyan si Carter!" Nagulat na sambit ko pero natatawa din naman ako.
          "Busy yun sa cartoons na pinanonood nya at sa doughnuts nya." anito
          "Ah... Kaya mo pala binibilhan ng gusto nila ang kambal para maging busy sila...may bad intentions ka pala Mr Arizmendi."
         "Hindi ah.... Wala akong ganyang intentions.... Mga pinag-iiisip mo Mr Sarmiento hah..." Natatawang sabi nito.
          "Talaga ba...." Di naniniwalang sabi ko. Mas natawa naman ito saka nya ako hinalikan muli at isinandal sa nakasarang ref. Napayakap naman ako sa kanya habang tinutugon ang halik na ipinapadama nya sa akin.

          "Daddy! Papa! Nandito na si Alex!" Sigaw ni Carter na nagpahiwalay sa aming dalawa. Agad kong inayos ang sarili ko bago pa man magtatakbo ang dalawa papasok sa kitchen.
           "Papa pahingi din daw po si Alex ng doughnut..." Paalam ni Carter na may hawak na naman na panibagong doughnut.
           "Okay....pero isa lang kasi dinner na natin mamaya." Paalala ko ulit tumango naman si Carter saka nagtatakbo sa sala para ikuha ang kakambal. Nanatili naman nakatingin sa amin si Alex.
          "May ginagawa po ba kayo bago kami dumating?" Tanong nito. Sabay naman kaming napailing ni Alessandro.

Reason To BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon