CHAPTER FIVE
WAYS
━━━━━━━※✧✦✧※━━━━━━━CASS
"Cass...bakit ka nadalaw?" Nakangiting sabi ni Doctor Elaine Mendez, ang ob-gyne ko noon sa kambal. After naming mag-usap ni Alessandro kahapon ay kinausap ko na din si Raiko about sa decision namin at first parang nag-aalangan pa ito but then sinabi din nya na komunsulta na ako sa OB ko para malaman ko ang tamang gawin to get pregnant easily. Nakangiting umupo naman ako.
"Kamusta na ang inaanak ko?" Si Alex ang inaanak nito.
"Okay naman.... Makulit...hayaan mo dadalhin ko sya dito minsan." Nakangiting sabi ko.
"Ay sige gusto ko yan... Anyway ano bakit ka nga nadalaw....don't tell me your pregnant?" anito."Well I'm trying.... Sana matulungan mo ako." aniko sa kanya. Napakunot naman ang noo nito saka ko sinabi ang dahilan.
"Okay.... Decided ka na ba talaga?" Tanong nito. Tumango naman ako.
"Oo para kay Carter ito.... I need to do this." aniko tumango naman si Elaine saka nito kinuha ang kalendaryo sa taas ng cabinet nito.
"This is a special calendar para sa mga omega like you.... See this red marks sa mga date.... Yan yung mga possible na heat days mo... If gagawin nyo yun sa mga araw na iyan.... Then there's a sixty percents chance na makabuo kayo." anito tiningnan ko naman ang mga date na iyon, next week may dalawang araw na posibleng makabuo kami ni Alessandro."But I suggest na kung gagawin nyo ito... Dapat free ka sa stress at healthy ka......and di lang yun dapat emotionally ready ka din para mas maganda ang condition ng katawan mo para magbuntis." dagdag pa nito napatango naman ako.
"Pero ang hirap di ma-stress lalo na sa condition ni Carter." Sagot ko.
"I know pero you have to try....para din naman sa kanya kung magtatagumpay agad kayo sa first attempt nyo." ani Elaine. Napatango naman ako.
"I'm hoping na makabuo kayo agad... Anyway... Here may mga vitamins akong ibibigay sayo." ani Elaine saka nya ako niresetahan saka ako nagpasalamat sa kanya at umalis na.Paakyat na sana ako sa hospital room ni Carter ng makita kong humahabol sa akin si Raiko kaya naman hinintay ko na sya.
"Kamusta... Nakapunta ka na kay Doc Elaine?" Tanong nito tumango naman ako.
"Oo.... Binigyan na nya ako ng mga advice and sinabi na din nya yung mga possible heat date ko kung saan pwede naming gawin yun ni Alessandro na may mataas na chance na makabuo kami." Sagot ko. Napatango naman si Raiko."Sure ka na ba sa desisyon mo?" Tanong nya ulit. Medyo natawa naman ako.
"Raiko... Pangalawang beses mo ng tinanong yan... At oo ang sagot ko...saka bakit ba may pag-aalinlangan ka? Eh ikaw naman ang nag-suggest nito di ba?" aniko at muli ko na naman nakita ang bagay na napansin ko kanina. Regret? pero bakit? Maya-maya pa ay ngumiti ito.
"Oo nga.... Medyo nag-aalala lang ako.... Your my friend." anito.
"And I thank you for that." Nakangiting sabi ko.
"Yun lang ba? or sasabay ka sa akin pumunta sa room ni Carter?" Tanong ko.
"Doon na nga din ang punta ko." nakangiting sabi ni Raiko. Tumango naman ako saka kami sabay na naglakad.Pagbukas ko ng pintuan ng hospital room ay nabigla pa ako ng makita ko si Alessandro doon. Madami ding paper bags at may hawak na mga libro si Carter.
"Papa! Look! Binilhan kami ni Daddy ng mga books... Si Alex binilhan nya po ng action-figure!" pagtawag sa akin ni Carter napatingin naman ako kay Alex na kahit tahimik ay nakikita ko naman sa tingin nya sa action-figure ni Iron Man na nagustuhan nya ang dala ng Daddy nilla.
"Wow... Madami ka na namang babasahin." Nakangiting sagot ko sa anak ko. Tumayo naman si Alessandro saka humarap sa amin.
BINABASA MO ANG
Reason To Breathe
Teen FictionIf he is the only hope you had... Will you hold into him? (MPreg Story) (Date Started: June 26, 2019) (Date Finished: September 4, 2019)