Chapter Fourteen: Action Speak Louder Than Words

2.6K 167 25
                                    

CHAPTER FOURTEEN
ACTION SPEAK LOUDER THAN WORDS
━━━━━━━※✧✦✧※━━━━━━━





           "Are you okay?" Tanong ni Piper kay Carter paglabas nito ng banyo at agad nyang tinulungan itong maka-upo sa kama.
           "Opo Tito Piper... Medyo hiningal lang po." Nakangiting sabi nito pero napapansin nya na medyo matamlay ito kesa nitong mga nakaraang araw, siguro dahil lang sa ubo at di mawalang sinat nito.
            Kaya naman nasa hospital si Piper ngayon ay para bantayan ang kambal dahil pinuntahan ni Cass si Alessandro to clear some things sa pagitan nilang dalawa, and hoping sya na maayos talaga ng dalawa kung ano man ang gusot nila at sana magka-aminan na sila.
            "Just tell me kung may nararamdaman ka pa hah para makatawag tayo ng doctor." dagdag pa nya. Tumango naman ang bata.

            "No need nandito na ako." Napatingin si Piper sa likuran at nakita nya si Raiko na nakipag-apir agad kay Carter, kasunod nitong dumating sila Alex na galing sa school.
         "Tito Doc! Tito Piper." ani Alex saka nagmano kay Raiko at yumakap sa kanya. Buti na lang talaga naturuan nya ang mga ito na wag magmano kasi naman nakakatanda talaga ang ganoon.
          "Tito sabi po ni Lola Lydia may gagawin lang daw po sya sa bahay susunod na lang daw po sya dito." anito saka nagtatakbo at sumampa sa kama ng kakambal.

           "Okay lang kaya nga ako nandito para bantayan kayo." Nakangiting sabi ni Pipe, Tumango naman ang kambal.
           "Talaga ba... Eh mukang buong buhay mo never ka pang nakapag-alaga ng bata." Sabat ni Raiko napatingin naman ito sa kanya, di ko nya mapigilan na magtaas ng kilay.
           "Are you questioning my capability na alagaan ang kambal?" Tanong nya. Nagkibit-balikat naman si Raiko.
         "Wala naman akong sinasabi.... Ikaw ang nagsabi nyan." anito. Di naman mapigilan ni Piper ang mag-init ng ulo. Kilala nya ang sarili nya, mahaba ang pasensya nya pero pagdating sa doctor na ito parang ang ikli-ikli.

          "Ewan ko sayo!" Inis na sabi nya sa doctor. Humagikgik naman ang kambal.
          "Tito Doc, one point...." ani Alex
          "Tito Piper...zero." Si Carter.
          "Not funny kids." ani Piper natawa naman si Raiko na lalong ikinainis ng abogado. Kinuha na lang nito ang cellphone at tinawagan si Cass.

             "Hi dear Cass..." anito. Nakita naman nyang parang nakikinig si Raiko. Napangisi sya.
            "Hello....you really think gagana toh?" Tanong nito na may pag-aalinlangan.
              "Kailanman di tumanggi si Alessandro sa yema cake.... And beside ikaw ang gumawa nyan plus point yun." ani Piper at napansin na naman nya ang uneasiness ni Raiko samantalang ang dalawang bata ay nanonood ng movie sa laptop nila.
            "So nandyan ka na ba?" Tanong nya
            "Yes.... Nakikita ko na ang unit nya."
            "Okay sige na... Wait... Sinabihan mo ba ang Raiko na ito na magbantay din sa kambal?" Tanong nya.

             "Ah oo... Bakit nandyan na ba sya?" Tanong nito
           "Yes..." saka nya hininaan ang boses nya.
           "Ang sarap kutusan ng lalaking ito...he questioned my capability na alagaan ang mga bata" mariin nyang sabi.
         "Ah ganun ba...sorry...pagpasensyahan mo na si Raiko....pero mabait naman yan."
         "I doubt that....anyway I wish you luck! Bye!"  anya saka pinutol ang tawag bago binalik sa bulsa nya.
         "Hey.... Magkasama ba ngayon sila Alessandro at Cass?" Tanong nito. Sabi na nga ba nya interesado ito eh. May namumuong theory sa isipan nya.

           "Ano naman sayo yun?" Tanong niya.
           "Just answer my question."
           "Bakit gusto mong malaman may gusto ka siguro---hmm!" ani Piper ng biglang takpan ni Raiko ang bibig nya at isandal sya sa pader.
           "Ang ingay mo.... Kung ano man yang iniisip mo... Hindi ang sagot. Maliwanag?" anito di naman nakapalag si Piper saka tinanggal ni Raiko ang kamay nya sa bibig ni Piper at naglakad palabas ng hospital room. Naiwang natitigilan si Piper wala pang nakapag-patahimik sa kanya ng ganoon!

Reason To BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon