Chapter Seventeen: Holding On

2.2K 169 62
                                    

[A/N: So eto na nga.... Hinga muna kayo ng malalim. 🙂]




CHAPTER SEVENTEEN
HOLDING ON
━━━━━━━※✧✦✧※━━━━━━━





…………………







                Nanatiling nakatingin si Cass sa tumatakbong anak papunta sa saranggolang bumagsak sa damuhan. Kaya naman kitang kita nya na di pa man nito nararating ang pakay ay unti-unti itong nawalan ng balanse hanggang sa tumumba na sa damuhan.
            "Carter! Anak!" Ang napasigaw na sabi ni Cass at agad syang tumayo at patakbong nilapitan ang anak nya. Gulat na napatayo din sila Alessandro at Alex at katulad ni Cass ay madali ding nilapitan ng dalawa si Carter.

             Agad na dinaluhan ni Cass si Carter at inangat ito sa lupa. Wala itong malay na nagbigay ng sobrang pangamba kay Cass.
           "Carter.... Wake up.... Cater!" Ang nagpapanic na sabi ni Cass. Nanginginig sya. Agad naman na lumuhod sa tabi nya si Alessandro at kinuha mula sa kanya si Carter saka nito binuhat.
           "Carter, anak....w-wake up..." ani Alessandro samantalang di na napigilan ni Alex ang maiyak dahil sa takot para sa kakambal. Hinawakan ito ni Cass. Napatingin sa kanya si Alessandro at nakikita nya sa muka nito ang takot at pangamba na alam nyang nakikita din nito sa kanya. Di na ito nagsalita itinakbo na nito si Carter papunta sa kotse. Hawak-kamay naman na sumunod sila Cass at Alex.


…………


                "Anong lagay niya?" Tanong ni Cass kay Raiko at sa doctor na tumingin kay Carter ng lumabas ang mga ito ng ICU, nang mawalan ng malay si Carter kanina ay agad nila itong itinakbo sa pinakamalapit na hospital at si Piper na ang tumawag kay Raiko para makasunod ito sa hospital.
               "Cass.... Nagkakaroon ng komplikasyon si Carter nagiging agressive ang cancer cells nya...."
               "Pero magiging okay naman sya di ba?...." Tanong ni Cass napahinga naman ng malalim si Raiko.

  
            "May mga procedures tayong magagawa to prevent it para mapabagal....pero.." Di naman na mapigilan ni Cass ang mapa-iyak saka sya umiling at lumayo kay Raiko.
            "Alessandro wag kayong mag-alala.... Kumpleto naman sila sa equipment dito....iistable muna natin ang lagay ni Carter bago natin sya ilipat sa Manila." Sabi na lang ni Raiko kay Alessandro na tumango naman.
          "Salamat Raiko... Please do everything para maging ligtas ang anak ko." anito. Tumango naman si Raiko.
          "I will... Di lang isang pasyente sa akin si Carter para ko na din syang anak..." anito marahan naman tinapik ni Alessandro ang balikat ng doctor saka sya nagpasalamat muli at sa Isa pang doctor bago nya sinundan si Cass.

            Hilam man sa luha ang mga mata ay nananatiling nakatingin si Cass kay Carter na wala pa ding malay, ang sakit sakit sa kanyang makita na ganito ang anak nya. Marahan nyang hinawakan ang kamay nito.
          "Carter....anak.... Si Papa ito....anak magpagaling ka hah....kailangan ka pa ni Papa.... Kailangan ka pa naming lahat...." At di na mapigilan ni Cass ang umiyak. Niyakap naman sya ni Alessandro at sa dibdib na sya nito umiyak ng tuluyan.
           "Alessandro... Paano kung.....m-mawala sya sa atin?" ani Cass umiling naman ito.
           "Shhhh....magiging okay si Carter..." Alo nito sa kanya.
            "Di ko kakayanin kung mawawala ang anak natin...." Patuloy na umiiyak si Cass.   
             "Walang mawawala.... M-mananatili sa atin ang anak natin.... Mananatili sya sa atin." sambit ni Alessandro na pinipigilan ang maiyak.
   

             Sa totoo lang di lang si Cass ang natatakot, higit si Alessandro dahil ayaw nyang mawala ang anak nya ng di sya nakakabawi ng husto, para sa kanya di kailanman sasapat ang maikling panahon na nagkasama sila ng mga anak nya para sabihin nakabawi na sya sa mga panahon na wala sya sa tabi ng mga ito, sa mga panahon na nagkulang sya sa mga ito.
          "Papa... Daddy." Si Alex na mugto na din ang mata dahil sa pag-iyak para sa kakambal. Agad naman na niyakap ni Cass ang anak.
            "Papa.... Ano na pong mangyayari kay Carter?" Tanong nya. Di naman nakasagot si Cass sa halip ay si Alessandro ang yumuko para sagutin ang anak.
            "Magiging okay ang kakambal mo.... Magiging okay sya." anito saka nya niyakap ang dalawa at nanalangin na sana...sana malampasan nila ang pagsubok na ito.


Reason To BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon