[A/N: HAPPY 5K READS
ngayon ko lang nalaman na mas madali pa lang magsulat ng malungkot kasi iniwan ng boyfriend/girlfriend kesa sa malungkot kasi namatayan.]CHAPTER NINETEEN
PRETENDING TO BE FINE
━━━━━━━※✧✦✧※━━━━━━━
"Tita si Cass?" Tanong ni Alessandro kay Lydia pagpasok nya ng bahay ng mga ito. Napahinga naman ng malalim si Tita Lydia.
"Nasa kwarto sya ni Carter." Sagot nito. Tumango naman si Alessandro saka ibinigay dito ang dala nyang pagkain bago sya nagtuloy sa kwarto ni Carter kung nasaan si Cass. Pagpasok nya doon ay nakita nyang nakahiga lang ito sa kama at tulog. Mukang nakatulugan na naman nito ang pag-iyak, di din nito ginalaw ang pagkain na nakalagay sa bedside table.
Halos dalawang linggo ng ganito si Cass mula ng mailibing si Carter. Di ito nagsasalita o na-imik man lang. Tahimik lang ito at sabi ni Tita Lydia ay madalas ito sa kwarto at madalas din daw nitong naririnig ang pag-iyak ni Cass.Samantalang si Alex naman daw ay sinusubukan aluin ito pero di ito pinapansin ni Cass. Napahinga ng malalim si Alessandro saka nya ito nilapitan at inayos ang pagkakahiga.
"C-Carter....anak..mmm." Sambit ni Cass ng medyo naalimpungatan ito sa pag-ayos nya ng pagkakahiga nito. Kinuha nya ang kumot at maayos nyang ikinumot dito iyon hanggang sa nakatulog na ulit ito saka sya umupo sa tabi nito. Sa totoo lang di nya alam ang dapat sabihin kay Cass kasi sya mismo ay nagluluksa pa din pero mas naniniwala sya na mas malalampasan nila ito pagsubok na ito kung sama-sama sila.
"Papa..." Napatingin sya ss pintuan at nandon si Alex na may hawak na isang tangkay ng red rose.
"Natutulog na sya anak." aniya dito. Napatango naman si Alex saka nya inilagay ang rosas sa tabi nito saka nya hinalikan sa noo ang Papa nya."Kumain ka na ba?" Tanong nya. Umiling namna ito kaya naman tumayo si Alessandro saka nya hinawakan sa kamay si Alex saka sila lumabas at nagpunta sa kusina.
"Hindi mo ba papakainin si Cass?" Tanong ni Tita Lydia.
"Hindi na muna po... Nakatulog kasi." Sagot nya saka sila umupo ni Alex at sa kanila na lang inihain ni Tita Lydia ang pagkain na ipapakain sana nito kay Cass. Tahimik naman na kumain si Alex habang tinitingnan sya ni Alessandro.
Napahinga sya ng malalim mula ng mamatay si Carter nawalan na din ng sigla ang buong bahay na ito, para bang kahit anong gawin nila may kulang pa din na di na mapupunan. Marahan nyang ginulo ang buhok ni Alex na napatingin sa kanya."Kamusta ang school anak?" Tanong nya. Uminom naman ito ng tubig bago sumagot.
"Okay naman po...." anito saka yumuko pero tumingin din sa akin.
"Hanggang kailan po ganyan si Papa? Bakit di po sya nagsasalita? Di na po ba nya ako kakausapin?" Magkakasunod na tanong ng anak nya.
"Hindi ko alam Alex.... Maybe matatagalan pa pero alam kong malalampasan nya ito... Kaya sana maging mahaba ang pasensya natin sa kanya hah." Nakangiting sagot nya sa anak. Tumango naman si Alex saka ito nagpatuloy sa pagkain. Sa totoo lang iyon din ang tanong ni Alessandro. Miss na miss na nya ang dating Cass.Pagkatapos kumain ni Alex ay ang pagkain naman ni Cass ang inasikaso ni Alessandro, pulos masusustansyang pagkain ang hinanda nya para dito at sa batang dinadala nito. Pagpasok nya sa loob ng kwarto ay nakita nya itong naka-upo sa kama. Napatingin ito sa kanya per dagli din nitong binawi, di naman maiwasan ni Alessandro ang maawa dito dahil nakikita na nya ang laki ng ipinayat nito.
Ipinatong nya sa kama ang tray ng pagkain na dala nya saka nya binuksan ang ilaw.
"Kumain ka na..." Sambit nya saka sya umupo sa harapan nito. Di naman ito umimik.
BINABASA MO ANG
Reason To Breathe
Fiksi RemajaIf he is the only hope you had... Will you hold into him? (MPreg Story) (Date Started: June 26, 2019) (Date Finished: September 4, 2019)