CHAPTER SIX
FAMILY DAY
━━━━━━━※✧✦✧※━━━━━━━CASS
"Sino pong darating Papa? Bakit po kailangan namin mag-ayos ni Carter?" Tanong ni Alex habang pinapalitan ko sya ng shirt samantalang si Carter naman ay kanina ko pa nabihisan at naka-upo lang sa hospital bed nya.
"Ang Lola nyo sa daddy nyo." aniko nagkatinginan naman ang kambal parang may kaba sa mga mata nila, kahit naman ako kinakabahan kasi di ko naman kilala si Doña Carmen Arizmendi. Tumawag kasi si Alessandro kanina at sinabi nito na kadarating lang daw ng Mama nya and gusto daw talaga nitong makita ang mga bata."Bakit ganyan ang muka nyo?" Tanong ko habang pinupulbusan ko si Alex.
"Eh kasi Papa...baka po masungit po sya." si Carter ang sumagot. Nginitian ko naman sila.
"Hindi yun...saka nandito lang naman si Papa di ko kayo iiwan." Nakangiting sabi ko tumango naman ang kambal saka kami nakarinig ng katok.
"Ako na Cass." ani Tita Lydia saka nito binuksan ang pintuan. Unang pumasok si Alessandro, kasunod nito ang isang may edad na babae.Napaka-aristokrata ng muka nito kitang kita ang pagka-dominante ng dugong espanyol nito. Tumayo naman ako saka lumapit sa mga ito.
"Magandang hapon po." aniko. Tiningnan naman ako nito mula ulo hanggang paa. Napayuko naman ako pakiramdam ko kasi minamata nya ako.
"Good Afternoon." Matipid na sagot nito. Tumikhim naman si Alessandro.
"Ma... Sya si Castiel.... The bearer of my children." ani Alessandro tumango naman si Doña Carmen saka lumipat ang paningin nito sa mga anak ko na magkatabi sa kama.."Sila na ba ang mga anak mo?" Tanong nito. Tumango naman si Alessandro saka nila nilapitan ang dalawa. Kinakabahan akong nakatingin sa kanila baka kasi may magawang mali ang kambal na ikagalit nito.
"Carter... Alex.... She's my mom.... Carmen Arizmendi..."
"She's our lola?" Tanong ni Carter. Natawa naman si Doña Carmen.
"No not Lola.... Abuelita.... Mas gusto ko ang abuelita." Nakangiting sabi nito sa kambal na napangiti din at nagkatinginan pa bago sabay na tinawag si Doña Carmen ng 'abuelita' na ikinatuwa ng ina ni Alessandro.
"Di nyo ba yayakapin man lang ang abuelita?" Tanong nito sa dalawang bata saka ngumiti. Nagkatinginan naman sila Carter at Alex saka sila lumapit kay Doña Carmen at yumakap saka humalik na din sa pisngi nito. Nakikita ko naman na totoo ang pagiging magiliw ni Doña Carmen sa mga anak ko."At may pasalubong ang abuelita sa inyo." Nakangiting sabi nito saka kinuha ni Alessandro ang mga paper bag na dala nila kanina. Ngiting ngiti naman ang kambal ng makita iyon at isa-isa nilang binuksan ang mga ito.
Hinayaan ko naman munang makipag-bonding sa abuelita nila ang kambal at mas pinili ko munang lumabas. Natutuwa naman ako at mabait si Doña Carmen kahit na mukang di nya ako gusto.
Paglabas ko ng hospital room ni Carter ay nagtext ako kay Tita Lydia na aalis muna ako at may mga kulang na vitamins si Carter na kailangan bilhin, saka nagsabi din ako na uuwi muna para icheck ang bahay malapit lang naman din yun sa hospital kaya di din ako matatagalan.Pagkabili ko at pagkagaling ko sa bahay ay agad na din akong bumalik baka kasi magtaka at hanapin na din ako ng mga bata pagbukas ko ng pintuan ay dinig ko ang tawa ni Carter at nakita ko na kahit di tumatawa ay nakangiti na si Alex sa mga kwento ni Alessandro. Napatingin naman sa kin si Doña Carmen saka ito tumayo mula sa pagkaka-upo at lumapit sa akin.
"Ahm... Kamusta po." sambit ko ngumiti naman sya sa akin.
"Mabuti naman... Can we talk?" Tanong nito tumango naman ako saka kami lumabas ulit. Paglabas namin ay inihanda ko naman ang sarili ko sa kung ano man ang saaabihin nito at kung may balak man ito na kuhanin ang kambal sa akin, malalaman nito ngayon pa lang na di ako papayag sa kagustuhan nya.
BINABASA MO ANG
Reason To Breathe
Teen FictionIf he is the only hope you had... Will you hold into him? (MPreg Story) (Date Started: June 26, 2019) (Date Finished: September 4, 2019)