Chapter 2

673 68 13
                                    

[2]

Shekina

"Pakibigay mo na ito sa PR Department para ma-contact na nila ang event organizers. Iyan ang mga personal request ni Mr. Grim. Papirmahan mo muna kay Mr. Pelaez."

"Copy that, Miss Strauss."

Hinintay ko munang makaalis nang tuluyan admin assistant saka ako nag-dial sa Public Relations Department.

Nang sumagot ang nasa kabilang linya ay inunahan ko na. "I already delivered Mr. Grim's requests for the anniversary event. Please check if there are any issues and call them in as soon as possible. Otherwise, they're good to go."

"Copy that, Miss Strauss." Binaba ko na ang tawag.

Kinuha ko naman sa desk ang isang set ng papeles na puro resume at muling nag-dial.

"Human Resource Department." sagot sa kabilang linya.

"Ito na ba ang lahat ng nag-apply as project assistants?"

"Yes, Miss Strauss. Sila lang po ang na-approve ng CEO after ng second interview."

"Okay. I'll fax the ones Mr. Grim approved for final interview. Contact them tomorrow."

"Copy that, Miss Strauss." Binaba ko na ulit ang tawag.

Inayos ko muna ang bawat pahina ng resume at inuna ang mga applicant na sa tingin ko ay magugustuhan ni boss. Tumayo na ako mula sa swivel chair at kumatok sa private office niya. Only one knock is required and then you're allowed to enter. Ayaw kasi niya ng maingay. Nahihirapan siyang mag-concentrate sa pag-iipon ng pera.

"Boss, I need your approval for these applicants." sabi ko kahit wala siya sa pwesto niya. Tumingin ako sa paligid pero hindi ko makita ang katangkaran niya.

"Just leave it on my desk." Sinundan ko ang pinanggalingan ng boses at dumako ang tingin ko sa pinto ng comfort room.

Hindi na ako sumagot at ginawa na lang ang utos niya. Pansin ko namang nakakalat pa rin ang mga papeles na binigay ko sa kanya kaninang umaga. Napakunot ako ng noo.

That's weird. Usually, natatapos na niya iyon ilang minuto lang pagkabigay ko. Bakit ngayon tinatambak niya?

Nakaisip naman ako ng ideya. Paano kaya kung halughugin ko ang drawers niya? Dalawang beses ko pa lang iyon nagagawa nang hindi niya namamalayan. Pero wala akong mahanap. There should be a file somewhere pertaining to that real estate project.

Katulad lang din ng ibang executive si Theodore Grim. Always needing an assistant or two to arrange files for them. Hindi ko alam kung magaling lang magtago ng dokumento ang lalaking ito o talagang burara siya at hindi niya rin alam kung saan nakalagay ang ilang confidential papers.

Napansin ko namang masyado na siyang matagal sa CR kaya naglakad ako papunta doon. Tanging ragasa ng tubig mula sa gripo ang naririnig ko.

"Boss? Are you all right?" Hindi naman kasi siya nagtatagal sa loob ng ilang minuto. Iyan pa? Eh ang gusto niya, bawat oras nagtatrabaho.

Kung tambak ang mga papeles sa table, ibig sabihin kanina pa siya wala sa pwesto niya.

"Yes," sagot niya. "Sabi ko iwan mo na lang dyan."

Tumaas ang isang kilay ko. May kausap kaya ito sa phone na hindi ko dapat marinig? Is it about the subdivision project? What is he hiding from his own secretary? Kung personal man iyan, edi sana sa labas ng office niya ito kinakausap. Mr. Grim strictly separates work from personal issues.

Maingat akong naglakad para idikit ang tenga sa pinto ng CR at pinakinggan ang iba pang tunog bukod sa tubig. Siguro binuksan niya lang ang gripo para hindi ko marinig nang maigi ang kausap niya.

Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon