Chapter 15

347 62 0
                                    

[15]

Theodore

"My company and I will always be indebted to all of you who contributed to the success of the corporation. I am right to have chosen such talented people to work with my empire. Thank you for your months and years of hard work in the Grim Corporation. Enjoy the party, everyone."

Habang pumapalakpak ang mga taong nakaharap sa akin ngayon sa stage ay iginala ko nang mabilis ang paningin para makita si Shekina. But I still failed to see her. Nasaan na kaya siya?

Kanina pa sumasama ang kutob ko pero hindi naman ako makakilos dahil maraming mga kliyente ang gustong kumausap sa akin. I can't make any mistakes now that I don't have my secretary again in an event like this.

Imposible namang maghapon siyang nag-ayos ng sarili. Hindi siya maarte sa katawan at light lang lagi ang make-up niya. I badly wonder what's keeping her busy besides this important event.

Sa ngayon naman ay nasa free time pa ang program at malayang makipag-usap ang mga bisita sa isa't isa. Maaari na ring kumuha ng mga pagkain sa buffet table. Sa projector naman pinapakita ang slideshow ng mga achievement ng kompanya sa nagdaang taon.

To sum it all up, everything's going smooth just as the great Theodore Grim wanted.

"Teddy!"

Nagtataka akong lumingon sa entrance ng Grim Hall at nakita ko si Levi na patakbong lumapit sa akin. "Levi? What are you doing here?"

"I knew you wouldn't invite me here so I came on my own. Akala mo ah!"

Napailing ako. "Alam mo rin naman siguro kung bakit hindi kita iniimbita 'di ba?"

"I know. I know that, too. Pero matindi na kasi ang gutom ko tapos wala pang tirang pagkain sa bahay! Mas maganda dito buffet 'di ba? May mga isda ba?"

"Oo. Doon sa bandang dulo."

"Thanks! Oh. By the way," pigil niya sa 'kin. Hinawakan niya ako sa braso at nilapit ang mukha para bumulong. "Where's your girlfriend?"

"I don't know. Ngayon lang ako nakahanap ng oras para hanapin siya."

Lumayo siya at parang hindi naniniwalang tumingin sa akin. "Eh? So, wala talaga siya rito?"

"Wala. Why?"

"That's weird. Chinika ko kasi 'yong guard sa entrance. Alam kong matagal na iyon nagtatrabaho rito eh. Tinanong ko kung kumusta ka tapos napunta kay Miss Strauss ang usapan kasi parehas kaming botong-boto sa kanya para sa 'yo. Yiee, kinikilig ako! Sabi niya kasunod mo lang daw na pumasok si Miss Strauss kaninang umaga. Akala nga niya magtatrabaho pa kayong dalawa."

"Magkasunod kaming pumasok?" takhang tanong ko. She would've called to tell me she was coming. At hindi ko naman siya pinapasok ng umaga.

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Oo daw. Tapos hindi na daw siya lumabas ng building kaya akala ko nandito rin siya."

Tumagal pa ng ilang segundo bago ako makapagsalita. "I haven't seen her all day."

"Teddy..." nag-aalalang tawag niya.

Para akong nawalan ng lakas habang bumabaling sa mga taong nagkakasiyahan sa paligid. They don't know a thing about what's happening to me. And I suddenly didn't want them knowing. Nawawala ang importanteng tao sa buhay ko. Why do I have to waste my time entertaining them?

Napalunok ako at tinatagan ang sarili. Hinawakan ko ang kamay ni Levi para kunin ang atensyon niya. "Stay here. Sabihin mo sa lahat ng guards na huwag munang magpapalabas ng kahit sino. Staff and guests."

Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon