Chapter 3

515 69 6
                                    

[3]

Theodore

Ang sakit ng ulo ko. Kailangan ko na yatang magpayaman ulit.

Hindi lang siguro ako sanay na tapos na akong bayaran nang buo ng mga investor kaya nakakapanibago ang katahimikan sa schedule ko.

Of course, I don't receive deals every month. Gusto ko lang na laging nadadagdagan ang pera ko bawat araw. Ang hirap matulog nang hindi ko nakikitang umangat ang GDP ng kompanya.

Kapag malaki ang pera, malaki ang bunga. My father told me that.

Mula nang itayo ni dad ang Grim Corp., lagi ko nang iniisip na balang araw ay ako naman ang mamumuno dito. I studied hard, worked hard to climb up to this place. Natural lang na sulitin ang pagkakataon na angkinin kung ano ang pinaghirapan ko.

Kaya nang tuluyan nang ipasa sa akin ni dad ito, ipinangako ko sa sarili na tataas ang reputasyon ng Grim sa ilalim ng pamumuno ko. I will raise this company higher than what my father did before. And I will set everything right para sa ikabubuti ng kompanya.

Tumigil naman ang konsentrasyon ko nang sumakit muli ang ulo ko. I think it's because my brain is working a hundred percent more than normal. Masyado na akong matalino kaya sumasakit na ito.

And there's another part in my perfect body that seemed to be hurting too.

Kinapa ko ang dibdib ko at napansing mabilis ang pagtibok ng puso ko. Why is it? Wala pa naman akong kinakain na marami ngayong araw. Or is this a heartburn?

This can't be. Masisira nito ang napakagandang araw ko.

"Boss, are you okay?"

Mabilis akong umayos ng upo nang makita sa harapan ko si Miss Strauss, ang aking secretary. Mula sa paghawak sa dibdib ay taranta kong nilipat ang kamay sa panga ko.

Kailangan kong maging perfect sa paningin ng ibang tao. At all times.

"What is it, Miss Strauss?"

Ngumiti siya at gumilid para makita ko ang kasunod niya sa pagpasok sa opisina.

"Hey, bro!" Napataas ako ng kilay. "I missed you."

"Vanderbilt. You're not on my schedule today so come back tomorrow."

"Boss," tawag ng sekretarya ko. "The annual meeting."

Napatango ako nang maalala na bukas pala ang board meeting ng directors at shareholders. It's the only meeting I cannot move.

"Right." Bumaling ako sa nakasimangot na lalaki. "Come back next week."

"Oh, come on, Grim. Hindi naman ako ibang tao." Saglit niyang tiningnan si Miss Strauss. "I'm your best buddy! 'Wag mo naman akong itaboy, mah' men."

Huminga na lang ako nang malalim. Mula college hanggang ngayon, makulit pa rin ang isang ito. Why am I treating him like this anyway? "Let him stay, Miss Strauss."

Tumango lang siya saka naglakad paalis ng opisina. Pansin ko pang sinundan siya ng tingin ng kaibigan ko at nakasentro ang mata pababa sa paglalakad nito. Nang maisara ni Miss Strauss ang pinto, sumipol ang kasama ko.

"Kung araw-araw mong kasama ang secretary mo, I'm not surprised that you don't have any girlfriends." Umupo siya sa waiting chair sa kabilang gilid ng table ko. "She looks so perfect."

Sumang-ayon ako. "Of course. Miss Strauss is always with me that's why she's perfect too. Hindi ako pumapayag na may pucho-puchong tao na nagtatrabaho dito sa kompanya." I smiled, recalling those alien words.

Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon