Chapter 10

389 64 2
                                    

[10]

Shekina

Nakakunot ang noo ko habang salitang tinitingnan ang business suits na hawak ko sa magkabilang kamay. Nasa kaliwa ko ang dark blue na maroon-striped necktie at sa kanan ko ay matt black na blood red ang necktie. Parehong puti ang polo nito dahil ayaw ni boss ng ibang kulay sa panloob ng suit.

"Hmm." Dapat kasi si Theodore Grim ang pumipili nito eh. Ano namang alam ko sa mga nababagay sa kanyang kulay? Lagi kaya niyang sinasabi na lahat ng color sa mundo ay bagay sa kanya. Edi wow.

Sa huli ay pinili ko na lang ang pula dahil bukod sa favorite color ko iyon ay iyon din ang kulay ng necktie ni boss noong unang araw ng pagtatrabaho ko sa kanya. Matapos ko itong bilhin ay lumabas na ako sa boutique na nakatayo lang sa tabi ng kalsada malapit sa business district.

Kinuha ko ang phone mula sa bulsa habang inaayos ang hawak sa paperbag na naglalaman ng isusuot ni boss para bukas. I dialed his number.

After a few rings, which is unusual because he would always answer on the second ring, he answered with a deep voice. "Miss Strauss."

I bit my lip when he called my name. Ano ba ire, lagi naman niya akong tinatawag sa ganyang paraan ah. Bakit parang iba na ang naiisip ko ngayon? Tumikhim ako. "Boss, I bought your suit for tomorrow."

"Okay, thanks. Dalhin mo na lang dito sa office. Ayokong madumihan iyan." I rolled my eyes at that. "And I don't want my clothes in your unit." Dinagdag pa niya talaga iyon ah.

"Whatever." My tone sounded pissed but I'm actually grinning. Masaya ang pakiramdam ko dahil mas naging close kami ni Theodore Grim ngayon. His narcissistic plus overbearing side wasn't acting up on me these days. Mas nakikilala ko ang personalidad niya sa likod ng pinapakita niya sa lahat ng tao.

And it's good to know that I'm the only person who's seeing him that way.

Nagtaka naman ako nang hindi mag-respond si boss sa kabilang linya ng tawag. Hindi rin niya binaba ito. Nakarinig pa ako ng mga kaluskos sa background.

"Boss? Nasaan ka?" I asked.

"Here in my office." Malalim at kalmado pa rin ang boses niya tulad kanina. Hindi siya ang gumagawa ng kaluskos. "Well, I'm actually in someone's office but it's still in my building. So, yeah."

"Kanino?" Tumingin ako sa traffic light at nakitang nakailaw pa rin ang green na may itsurang tao na naglalakad. I still looked over the cars from both sides before I walked to the pedestrian crossing. "You don't visit the lower offices."

"You're right. I never do. As long as I'm aware that all my employees are doing their respective jobs. Ngayon lang ako nagkaroon ng interes na pumasok sa mga office."

Magtatanong pa sana ako kung bakit ngayon pa pero naalala ko na wala na pala siyang pending na trabaho ngayong araw. Wala lang siguro 'tong magawa. I grinned and shook my head. "Mr. Valeon called earlier. He wants to have a short meeting with you about the project bidding."

"Leave him be. He already made a sure bet on that project so he won't have any concerns today. I'm sure he'll just talk about his daughter being single and trying to make me an entertainer." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Nakapasok na ako sa Grim building pero parang nahawaan ng init mula sa labas ang init ng ulo ko. "Of course, I don't have time for that."

"He's asking you to date his daughter?" I scoffed. "Arranged marriages are still active these days, huh? Ganito na lang, boss, I'll make sure Miss Valeon will find a suitable man for her as soon as possible."

"Don't sweat the small stuff, Miss Strauss. Forget it. Just bring the clothes in my office and get the car ready." Tch. Sungit.

Nakasakay na ako sa elevator kasama ang ilang empleyado na nagkukwentuhan. Nahuli ko naman ang huling sinabi ni boss at nagtanong. "May pupuntahan tayo?"

Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon