[12]
Shekina
"Kumusta na ang Best 'Child' Swimmer ng Galileo High?"
"Ayan ka na naman sa pang-aasar mo sa 'kin, Grim-minded ah!"
"Hanggang ngayon, iyan pa rin ang kaya mong pang-asar sa 'kin?" Umismid siya at itinapat sa mukha ni Miss Levi ang bouquet. "Oh, ayan."
Halos hindi ko na makita ang mukha ni Miss Levi dahil sa bouquet pero nang kunin niya iyon ay biglang malawak na ang ngiti niya sa amin.
"Welcome to my shop. I'll treat you lunch?"
Jusmiyo. Dahil din pala sa free lunch. Bribe, bribe pang nalalaman.
Lumabas kami ng shop at pumasok sa isang restaurant sa malapit. Pagdating sa table na iginiya sa amin ay gulat kong nilingon si boss dahil hinila niya ang upuan para sa akin.
"Sit here."
"O-Okay." Itinaas niya ang palad sa akin at umupo sa tabi ko.
Si Miss Levi naman na pinapanood kami ay pumwesto sa upuan na katapat ni boss. "Why? I want her beside me."
Tumaas ang kilay ni boss. "She's not your secretary. And I haven't introduced her yet."
"Nagdadahilan ka lang, Grim."
"Anyway," malakas niyang sabi para patigilin siya. "This is my secretary, Miss Shekina Strauss. She's been by my side for a year now and she will remain that way for as long as I want."
Kinagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang kahihiyan na nararamdaman. Alam ko namang trabaho ang ibig sabihin nito pero hindi ko mapigilang mag-assume ng ibang ibig niyang sabihin. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.
"For as long as you want?" ulit ni Miss Levi sa sinabi ni boss. "Hoy, Grim. May sariling buhay din si Miss Strauss, ano. Hindi pwede yung palagi na lang siyang on-call. Doktor ba siya, ha? Secretary mo siya at magtatrabaho lang siya kapag office hours."
"What if I got a problem outside office hours, ha?" Ang bilis namang maasar nitong si boss. "You know I don't trust a lot of people. Pinagsasamantalahan ako kapag mag-isa na ako."
"Akala mo naman ka-rape, rape ka."
Napasamid ako ng tawa sa sinabi ni Miss Levi kaya inis akong nilingon ni boss. Binaling ko na lang ang tingin sa malayo.
Si Theodore Grim, mare-rape? Baka nga lalapit pa lang sa kanya ang rapist o magnanakaw, nakatawag na iyan sa mga pulis eh. Ganoon siya ka-advanced mag-isip. Tapos ang itsura pa naman niya eh, mukhang mayaman at elegante. Parang naglagay na rin siya sa ulo niya ng placard na nagsasabing, "Marami akong pera."
Tiningnan ko naman siya at ngumiti. "Don't worry, boss. I got your back."
"Dapat lang." Natawa na ako nang tuluyan. Tumingin naman siya kay Miss Levi. "She was a police officer, that's why."
Napatango naman ang kasama namin. "I see. That's a good background for Grim's secretary. A secretary, yet a general. Wala nang ikakabahala ang lalaking ito sa loob at labas ng trabaho."
Mas marami ang dapat ikabahala sa labas ng trabaho. Alam namin iyon ni boss.
"Miss Strauss, this friend of mine is Levi Montenegro. The unica hija of Levi and Nathan Montenegro, owners of Levia's clothing store, our sponsor of office uniforms."
Mukha talagang hindi businesswoman si Miss Levi dahil sa height at porma niya. Silver ang maikli niyang buhok na hanggang leeg. Nakabihis lang siya ng denim shorts at white shirt. Kita ko rin ang necklace niya na may yellow pendant.
BINABASA MO ANG
Miss Agent
ActionGuns are my thing. Not guys. [SOLO NOVEL] July 2019 - November 2019 •| ⊱✿⊰ |• Other Works of the Writer Secret Lovers Zion Masters Trilogy Brothers Trilogy