Chapter 5

420 65 0
                                    

[5]

Shekina

Maaga akong bumangon dahil may board meeting ngayong umaga si Theodore Grim. Madali lang namang bumalik ang diwa ko paggising dahil nasanay na akong maging alerto sa lahat ng oras. Working with him is like working with the Chief of Police.

Pagkatapos namang maligo at magbihis ng undergarments ay nakarinig ako ng katok sa pinto ng unit ko. Sinuot ko muna and bathrobe at binuksan ang pinto.

Hindi ko na kailangang tignan sa peekhole kung sino iyon dahil iilang tao lang and nakakaalam kung saan ako nakatira. It's either my original boss, my sisters, or my...

"Baby Shekina, am I late?" pambungad niyang tanong pagkatapos kong buksan ang pinto. Casual lang ang suot ng lalaking ito at may sumbrero na natatakpan ang pulang buhok niya. May malaking headphone din siya na nakasabit sa leeg.

Umiling ako nang nakangiti. "Nah. You're just in time. Come in."

"Thanks." Pumasok si Renzo sa unit ko at nilapag sa kitchen counter ang dalang plastic bag. "Binilhan kita ng pagkain. Aren't I a good friend?"

Natawa ako sa effort niya. "Salamat. Nag-abala ka pa. Baka tumagal lang iyan ng ilang linggo."

"Mabuti na iyon kaysa wala. Ayoko nang dumalaw dito ulit kung wala naman tayong makain pareho."

I scoffed. "Hindi pagkain ang importante sa sitwasyon na 'to, Renz."

Tumango-tango siya. "Right. So, where's the kit?"

Tinawag ko ang tulong ng kapwa ko pulis para matakpan ng makapal na bandage ang tama ng baril na natamo ko sa tagiliran. I can't risk both of my bosses knowing that I have been shot by an unknown enemy. I still need to investigate more.

Isa si Renzo McLuth sa mga kasamahan kong pulis dati na napagbintangang pumupuslit ng cocaine sa police headquarters. He quit the job with me at nakahanap na siya ngayon ng pangmatagalan na trabaho.

He's one of my most trusted contacts ever since. Kailan nga lang namin nalaman na magpinsan pala ang boss naming dalawa. I mean the boss that I'm working for in the shadows.

Renzo knew my current mission and he's been helping me cope up with my new job. Pero hindi ko siya pinapatulong sa mismong pakay ko kay Theodore Grim dahil ayokong makialam siya.

This mission is mine. Only mine.

"Ayan. Okay na." Binaba ko ang white sando ko nang matapos ikutin ni Renzo ang bandage sa baywang ko. "Makakagalaw ka pa rin nang maayos basta iwasan mo lang iyang itama sa matitigas na bagay."

"Thanks a lot. Hindi ko alam na mas nakakapagod pa sa PMA training ang maging sekretarya ni Grim."

He flashed a smile. "What do you expect? Isang malaki at malawak na kompanya ang pinasukan mo. A high-rise company will only go up and never down. Dapat laging competitive para manatili ka sa taas."

Napaisip ako sa sinabi niya kaya hindi ko maiwasang sabihing, "Then, there will surely be a lot of competitors to watch out for."

"Hindi naman mawawala iyon. Ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin ay ang mga kagaya nilang nasa taas na rin. There are a couple of large corporate businesses who resort to illegal means to achieve their goals. Maraming ganyang kaso noong nasa serbisyo pa tayo, 'di ba? Some even hired gunmen to scare executives."

Pero posible nga kaya ang hinala ko? There might be a third party in this case. Isang nakalaban na rin ni Theodore Grim. Isang malakas na pwersa na kaya siyang tapatan.

No one can almost enter our building without identification. Bihasa na siguro ang taong iyon sa pasikot-sikot ng Grim building dahil sa mabilis niyang pagpasok at paglabas. Hindi man lang siya nakunan nang maayos sa kahit saang CCTV camera.

Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon