[16]
Shekina
For the last few moments of my dream, I was conscious. Kahit sa panaginip, nagtatrabaho ako sa loob ng Grim Corp. building at kinakausap ang mga staff tungkol sa isang project. I saw myself walking towards Theo’s office and when I entered, he was there. Smiling. Waiting for me.
Pero bago ako makalapit sa kanya ay may isang anino ang humarang sa akin at tinutukan ako ng baril. I also lifted my gun but it was too late. Pinigilan siya ni Theo at nang mag-agawan sila ng baril ay sa dibdib niya ito pumutok.
Something pierced my heart as I stared at his lifeless body. Tumingin siya sa akin habang tumutulo ang luha mula sa mga mata niya.
All I could do was shout his name. At iyon din ang nagpagising sa akin sa kasalukuyan.
Bumangon ako at hindi alintana ang pawis habang lumingon sa paligid. Nasaan ako? Malaki ang kamang hinihigaan ko at base sa interior ng kwarto ay nasa hotel ako. Did boss save me? Or I’m still held hostage by Vanderbilt?
Nakikita ko na ang pagsilip ng sikat ng araw mula sa mga bintana. That means the anniversary event is finished. Kahit hindi ko na malaman ang nangyari noong gabing iyon, isang bagay lang ang sigurado ako. Theo found out my true identity.
There were a few moments where I woke up inside a helicopter at may gumagamot sa akin. I was badly wounded. Ramdam ko ang mga mahahapding parte ng katawan ko dulot ng mga pagpalo ng kahoy.
Vanderbilt's gang thought I was unconscious when they were torturing me. Pero pinilit kong magising para makabisado ang mga boses nila. At nang matapos sila, iyon na ang kinuha kong pagkakataon para humingi ng tulong sa una kong boss. Hindi nila naisip na suot ko pa ang ear piece na nakakonekta sa Gamma team. Skin-toned kasi ito at sobrang nipis kaya kung hindi hahawakan, hindi mahahalata.
Minsan na akong nadakip at ginulpi ng mga kalalakihan. Mga tanga sila para isipin na dahil babae ay bibigay ako agad sa kanila. Saktan nila ako kahit ilang beses pa, pero mananaig pa rin ang kagustuhan ko na makita silang lahat sa loob ng kulungan.
Noong nagtatrabaho pa ako bilang pulis, nakatatak na sa isipan ko na mas maraming masamang lalaki kaysa mga mababait sa paligid ko. They always do bad things and make petty excuses when caught. Saying that their families are poor and illegal activities will make them rich.
Ganoon na lang ba talaga kadali para sa kanila ang sumalungat sa batas? I'll never understand a thing about them.
Siguro dahil dito kaya ako tumagal sa Grim Corp. Kahit mas marami ang mga lalaki ay ibang-iba sila kumpara sa mga araw-araw kong nakakasalamuha na kriminal. I realized I wanted to be like this. I wanted to be a simple career woman who enjoys her job.
Sadly, it's not going to happen again.
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay kinuha ko ang phone sa side table. Titingnan ko pa lang ang new messages nang tumawag ang kapatid kong si Kenisha.
Sinagot ko ito agad. "Keni…"
"Sheki! You're awake!"
"Oh, my gosh. Sheki, gising ka na!"
Pagkarinig ng maninipis nilang boses ay napangiti ako. I suddenly missed my sisters. "Yeah. Obviously."
Tumahimik naman sa kabilang linya.
"Magaling na 'tong babaeng 'to. Namimilosopo na eh." seryosong sabi ni Kenisha.
"Tara na nga. Nag-aalala lang tayo sa wala." segunda naman ni Neshika.
"Sayang naman 'yong dalawang araw nating pagpupuyat para mabilis na makarating sa kanya. Isauli na nga natin 'tong ticket."
Dito na ako natawa. "Umuwi talaga kayo sa Pilipinas?"
BINABASA MO ANG
Miss Agent
ActionGuns are my thing. Not guys. [SOLO NOVEL] July 2019 - November 2019 •| ⊱✿⊰ |• Other Works of the Writer Secret Lovers Zion Masters Trilogy Brothers Trilogy