Chapter 19 - Extra

573 51 0
                                    

[19] - Extra

Nekisha

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Malakas kong hinatak ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Gian.

"Nekisha, please." Nakakaawang mukha ang pinakita niya. "Give me a chance. Let's start again."

"I don't want to start something that ends the same, Gian. Baliktarin mo na ang mundo pero hindi ako babalik sa 'yo. Ayoko na."

"Oo, nagkamali ako. Hindi ako naging responsable sa ginawa ko pero bigyan mo naman ako ng pagkakataong makabawi sa 'yo oh."

My anger flared up. "You cheated on me!"

"I was drunk! Lissa just took the chance to lead me to her room--"

"I don't want your excuses, Gian. A mistake is still a mistake. And I was hurt. Sa tingin mo may magbabago pa doon? Sa tingin mo, kapag tinuloy natin 'to, mapapatawad kita? Hell, no! Hindi iyon ganoon kadali katulad ng naiisip mo."

Ang pagyuko niya at pagtahimik ang nagbigay sa akin ng sagot. Pero kahit umagos na ang luha mula sa mga mata ko, nanatili ang galit sa puso ko.

Hindi na rin ako nagsalita pa. If I did, babalik lang din kami sa parehong problema.

So I turned and walked away from him. Forever.

I slowly opened my eyes when I heard an applause.

"As expected, ang ganda ng kwentong isinulat mo." My friends gathered around me. "May future ka talaga bilang professional scriptwriter, Nekisha!"

"Ramdam namin ang naguumapaw na emosyon sa bawat salitang ginamit mo."

"Okay na okay 'to para sa loveteams na sumisikat ngayon sa TV!"

Natawa ako nang alangan. "Salamat din dahil sa imagination ninyo. Kahit na hindi pang-blockbuster ang kwento."

Matagal na akong nasisiyahan kapag nakakapagsulat ako ng kwento tungkol sa iba't ibang tao. Nakakaramdam ako ng saya kapag naibabahagi ko ang mga bagay na importante sa buhay nila.

I don't know why but, stories and the people in them make me happy and contented. At naging hobby ko na ang pagsusulat ng fiction stories dahil dito.

"What are you saying? The script is awesome! Dapat mo 'tong i-submit sa boss natin para magawan niya ng paraan?"

Eh?

"Oo nga. After all, he's our editor-in-chief. When he sees something with potential, he'll hold onto it no matter what!"

What?

"Sige na, Nekisha. Try mo lang naman. Sa trabaho natin bilang researchers at writers, wala nang mas sasaya pa sa pag-acknowledge sa sarili nating gawa."

Wait.

"Support kami sa 'yo. Fighting!"

Oi.

"Fighting!"

Bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon?!

In a matter of minutes, bumalik sa mga kamay ko ang isinulat na kwento at nakatayo na ako sa harap ng boss ko. Tahimik ang paligid ng office niya at tanging kabog ng dibdib lang ang naririnig ko.

He was sitting in his chair, arms resting on the table filled with articles we submitted today. Pero hindi siya doon nakatingin kundi sa akin.

"Nekisha," he called a minute after I went in. "What brings you here? You usually don't come in."

Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon