Chapter 4

431 70 3
                                    

[4]

Shekina

Hindi man lang ako makakurap habang nakatingin kay Theodore Grim at hawak niya nang mahigpit ang kamay ko. And for some insane reason, I'm holding him tight too.

Bigla na lang siyang umikot at hinila ako sa likuran niya. Alam kong kilos iyon na parang iniiwas niya ako mula sa kung saan. Titingnan ko na sana iyon pero mas napagtuunan ko ng pansin ang kamay niya. Nawala na lang ako sa katinuan bigla.

His hands are so warm and a bit callused. Mukhang hindi siya talagang maalaga sa katawan kapag trabaho ang pinag-uusapan. Pero sa pagkain at exercise, strikto siya.

He would say that his body should be a hundred and one percent perfect and healthy. Para na rin makapagtrabaho siya nang maayos. I never saw him sick for once.

Napahigpit lang naman ang hawak ko dahil saglit akong nawalan ng balanse. Ang lakas kasi ng hatak niya at naka-heels pa ako. Wala talaga siyang konsiderasyon!

"Boss," tawag ko nang alanganin.

He raised his eyebrows and looked at our hands. Tapos bigla niyang binawi ang kamay na parang napapaso. Tumikhim siya. "Miss Strauss, you need to work on your diet."

Kumunot ang noo ko. "Po?"

"Madali ka nang nawawalan ng balanse sa paglalakad. It looks like you're anemic right now."

Anemic? Sa ayos kong ito? Ilang buwan na akong hindi tumataba o pumapayat. Kahit kailan hindi ko nababago ang weight ko. Kumakain ako ng tama kaya paano ako magiging anemic?! How dare he say—

Sumenyas siya sa pintuan. "Let's have our lunch." pagdeklara niya at naunang lumabas mula sa garden. Naiwan akong nakatulala at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Sinundan ko siya ng tingin at bumulong ng sumpa. "Kapag natapos ko talaga ang misyon na ito, magkalimutan na tayo!"

Naging matiwasay naman ang tanghalian namin ni Theodore Grim sa isang mamahaling restaurant. Ang pinili niya ay two-piece marinated chicken at salad habang ako naman ay salad lang.

Sa kalagitnaan ng kain ay pansin kong panay sulyap sa direksyon ko si boss. Nagpatay malisya na lang ako dahil wala naman siyang sinasabi.

"Miss Strauss, mabubusog ka na ba sa kinakain mo?"

"Yes, boss." sagot ko nang hindi pa rin siya tinitingala.

"Are you sure?"

Saglit ko siyang tiningnan at nginitian. "Yes."

Humigit siya ng malalim na paghinga. "That's weird. You used to eat meat, fish, and salad everytime we have lunch together. Do you know your food is more expensive than mine?"

Tumaas ang sulok ng labi ko sa iritasyon. Sino ba kasing nagsabi na kainin ko kung anong gusto ko kapag magkasama kami? Tapos may lakas ng loob pa siyang sabihin na nangangayayat ako?

Iba ka talaga, Theodore Grim!

"Boss, kaya ko namang bayaran ang kinakain ko kaya hindi mo na kailangang—"

"No, it's okay."

Hwarangya. Pinutol na naman ako! "Po?"

"I have so much money to give away so it's all right to eat as much as you can, Miss Strauss. Go on. Hindi pwedeng salad lang ang kakainin mo. Is that why you're getting anemic?"

Binagsak ko ang tinidor sa gilid ng plato ko at tiningala siya. Mukha namang nagulat siya at umayos ng upo.

"Mr. Grim," nakangiti kong tawag. "Let's finish our lunch before anything else. You might skip the meeting with Mr. Seranno at one o' clock."

Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon