Chapter 7

380 65 0
                                    

[7]

Theodore

I tapped the edges of several papers on the table to clip them together neatly. Sa dami ng papeles dito, baka malito na ako kung ano-ano ang dapat na magkakasama.

This always happens when my secretary isn't around. I'm forced to organize these freaking documents that needs my own approval. At ako rin ang magbibigay nito sa kanya pagkatapos.

The problem is, my secretary is around but she's doing something else intentionally. Na parang ayaw niyang lumapit sa akin o makausap man lang. She's been typing on her keyboard facing the computer for hours now.

Hindi niya sinunod ang sinabi ko na mag-half day siya. Pagkatapos ng pagkikita namin sa kalsada, tahimik kaming bumalik sa office at nagkaganito na kami.

"Fuck this." Napahawak ako sa noo dahil parang sumasakit na naman ito. Pero nilipat ko agad ang kamay sa dibdib ko. Alin ba ang mas sumasakit? Hindi ito pwede sa perpekto kong katawan.

Tumayo ako sa upuan at lumabas ng opisina. Nang makalapit sa kanya ay hindi man lang tumigil sa ginagawa.

Inabot ko ang mga papeles. "This is okay."

Tumayo siya at kinuha ang inabot ko nang hindi tumitingin sa 'kin. Wala akong mabasa sa itsura kundi ang pagkainis. Ni-save pa niya ang draft sa computer saka umalis papuntang elevator. Halata pang pinaparinig sa buong floor ang takong ng sapatos.

Napabuga ako ng hangin at bumalik sa opisina ko. At habang nakatanaw sa nagliliitang buildings ay hindi ko mapigilang alalahanin ang sinabi niya kanina.

"The anniversary event is near and you keep on telling me to leave early from work." She looked at me firmly, eyes unwavering. "Does this mean you'll tell me to resign tomorrow, too?"

Of course, I was surprised that she caught up on the act that I've always been doing. Sa tagal na niyang nagtatrabaho sa akin, hindi ko inisip na pati ito ay malalaman niya.

I have always raised my extraordinary skills and talents to impress everyone. Kailangan nilang makita ang pagsisikap ko sa pagpapalakad ng kompanya. Kung hindi ko gagawin iyon, mawawala sa akin ang lahat ng pinaghirapan ko.

But I guess there will always be an exception to my plans.

At habang nakaharap ako sa sinasabi kong exception, hindi ko mapigilang mapahanga. Miss Strauss is no ordinary secretary for me. She seems to be curious about everything, and that's the reason why she found out what happened back then.

"You're out of sorts these days, Miss Strauss." I told her. "Madali ka nang nadi-distract at bumabagal na ang kilos mo. You know I don't want those kinds of people to work for me."

Hindi nagbago ang itsura niya. Titig na titig pa rin siya sa akin na parang naiinis. "Iyan ba ang mga salitang ginamit mo sa kanila? Those petty reasons… they just accepted it like that and left their job?"

"Miss Strauss—"

"Don't group me with your former secretaries, Mr. Grim. I wasn't hired to be thrown away like this. Hindi ako mapapaalis gamit ang mga walang kwentang dahilan." Bumitaw siya sa akin at humakbang ng isa palayo. Mas lumakas sa pandinig ko ang ugong ng mga sasakyan at sapatos ng mga naglalakad sa likuran namin.

"I hired you!" I raised my voice to get her back to her senses. Hindi ako papayag na magpatuloy pa ito. The event is near and I don't have time to deal with this. "And I have the only right to make you resign."

"Why don't you just fire me?" panghahamon niya. "Ah. Hindi mo kaya kasi ayaw mong pagsabihan ka ng masama ng mga empleyado. Gano'n ba?"

"File a resignation letter when we go back—"

Miss AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon