Chapter 1

885 4 0
                                    

Araw ng Linggo, menos kinse bago mag-alas dos y media ng hapon. Maraming tao ang pumapasyal sa mall ng oras at araw na iyon. Pami-pamilya ang ginagawang pasyalan ang malamig na lugar kaysa pumunta sa mga parkeng luto sa init ng araw. Ang iba naman ay kasa-kasama ang kani-kanilang mga espesyal na tao sa kanilang buhay dahil ang araw na iyon ay ang huling araw ng linggo kung saan sila libre. Katatapos lang ng oras para sa pananghalian ngunit dahil sa kawilihan sa pag-iikot sa malaking gusali, hindi na namalayan pa ng iba ang oras. Maraming mga fast food chain sa ibabang bahagi ng tatlong palapag na mall kung saan ang mga tao ay pila-pila upang bumili ng kanilang kakainin. Isa sa mga fast food chain na ito nagta-trabaho si Nate.

Si Nate ay isang part-time service crew. Dalawampung taong gulang at may taas na limang talampakan pitong pulgada. May maipagyayabang ang itsura kaya't bilang tagahatid ng mga inorder siya nadestino. Sabi nga nila, good looks are an attraction lalo na sa mga kadalagahan at kabinataan. Mas naeengganyo silang kumain sa kainan na mabubusog hindi lang ang kanilang mga bituka kundi pati ang kanilang mga mata.

"Sorry Nate, late na kasi akong tinawagan nila ma'am kaya late na ako nakapasok." Paghingi ng paumanhin ng isang kasamahan ni Nate sa trabaho.

"Okey lang. At least, nadagdagan ang man hour ko ngayon. Wala din naman akong gagawin ngayon dahil Linggo." Saad ni Nate habang nagbibihis na sa kanilang crew room.

"Sige, mag-in na ako."

"Sige."

"Oo nga pala, Happy Birthday!" bati nito. Kumunot ang noo ni Nate bago pa man niya ma-realize na kaarawan niya ngayon. "Salamat." At tango ang kanyang ginawa.

Alas tres na ng hapon ng makalabas siya sa kanyang pinagta-trabahuhan. Naglibot muna siya panandali sa mall bago tuluyang umuwi ng kanilang bahay. Naisipan niyang tumungo muna sa isang internet café sa mall na iyon upang buksan ang kanyang account sa isang networking site.

Higit limampu ang kanyang friend request simula ng gumawa siya ng account ditto. Pawang mga babae ang karamihan sa mga ito. Iilan lang ang mga lalake at ang iba ay mga bading pa. Lingid sa kaalaman ng nakararami, sa parehong kasarian siya nahuhumaling. Pero hanggang paghanga lang siya. Sinasarili niya ito. Walang ibang nakakaalam kung hindi siya, ilang malapit na kaibigan at ang kanyang mga magulang. Pangako kasi niya sa kanyang sarili at sa kanyang ina na kokontrolin niya ang kanyang sarili sa pagpasok sa isang relasyon kahit pa tanggap ng ina niya ano pa man ang estado ng kanyang kasarian. Pangako din niya sa kanyang ama na hindi niya iiwan ang kanyang ina sa kabila ng pagtanggap ng kanyang ama sa kanyang kasarian bago pa man ito mamatay.

Bilang lang sa kanyang mga daliri sa paa't kamay ang nasa friend list niya. Kapuwa mga kamag-anak lang ang nandito. Nakaayos ang ilang seting sa kanyang account kaya't limitado ang mga nagpapadala ng sulat sa kanya at nagpo-post sa kanyang profile. Matapos magbasa ng ilang mensahe at post sa kanyang profile, isang bagay na lang ang kanyang gagawin. Ito ay tignan ang profile ng kanyang hinahangaang lalaki.

"Kailan mo kaya ia-accept ang friend request ko?" bulong sa sarili.

Matapos iyon, kanya na sanang ila-log out ang kanyang account ng biglang makatanggap siya ng isang mensahe. Ibayong saya ang kanyang naramdaman ng padalhan siya ng mensahe ng kanyang ultimate crush.

"MALIGAYANG KAARAWAN! :)"

"Uy, kinikilig!" kantiyaw ng kanyang konsensiya.

"Di naman masyado! Kaw naman!" sagot naman niya sa sarili.

"Hindi ka diyan! Tignan mo nga sarili mo. Kung makangiti, akala mo wala ng bukas!" dagdag pa ng kanyang utak.

Ang Ultimate Crush kong Isnabero (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon