Chapter 4

249 2 0
                                    

                Ngiti mula sa labi ni Nate at Roi, at di maipintang mukha ni Mico. Mga ekspresyong makikita mo ng mga sandaling magsama-sama ang apat sa sala. Lubhang kasiyahan ang nararamdaman ni Nate samantalang pagkatalo naman ang kay Mico. Dalawa sa isa ang labanan.

                “Actually, kilala ko na si Michaelo.” Pag-amin ni Roi kay Nate.

                “Huh? Paaanong nakilala mo siya? Hindi ba’t unang beses mo pa lang siyang nakita nung awatin mo kami sa mall?” naguguluhang mga tanong ni Nate.

                “Tigilan mo na nga ako, Roi!” sigaw naman ni Mico.

                "Alam mo naman siguro kung bakit nandito pa din ako sa ‘pinas, Michaelo.” Ukol naman ni Roi kay Mico.

                Lumapit si Mico kay Rico at hinablot ang kamay nito. Balak sana nitong hatakin si Roi palabas ng bahay ngunit pumalag ito.

                “Umalis ka na ditto!” sigaw ni Mico.

                “Hindi pa ako pwedeng umalis hanggat di ka pa nagtitino.” Saad naman ni Roi.

                “Hindi ninyo hawak ang buhay ko! Stable na naman na ako and I can live without you!” galit na pahayag ni Mico.

                “Correction, lil bro! Kung ang idadahilan mo ay ang computer shop, ‘wag na. Our mother told me to manage it and guess what? Si Nate na ang mag-ha-handle nito kapalit mo.” Pang-aasar ni Roi.

                “W-wait… wait… wait!” biglang singit ni Nate. Napa-english bigla ang bruha.

                “Uy, nag-i-english!” pang-aasar naman ni Roi.

                “What?” gulat namang reaksyon ni Mico sa narinig.

                “Roi? Mico? Lil bro? Mother? Computer shop? I don’t understand!” pinangatawanan na ni Nate ang pagsasalita ng english.

                “Yes! We are brothers! And about sa computer shop, ikaw na ang magha-handle nito, Nate!” paglilinaw ni Roi kay Nate.

                “Ako?” sigaw ni Nate.

                “Siya?” sigaw naman ni Mico. “That’s unfair! Alam ninyong yun lang ang kinukuhanan ko ng pera since itigil ni mom and dad ang pagsusustento sa akin. Maayos naman ang pamamalakad ko sa computer shop ha?” pagbaling naman niya kay Roi.

                “Ikaw nga, Nate! And another surprise, dapat three days ago pa kaso iba ang sumagot ng phone mo…” sabay tingin kay Mico. “At naalala ko nung time na sinabi mong naitulak mo siya sa kama.” Pabalik naman kay Nate.

                “Ikaw ang nagsabi na nandito ako?” galit na tanong ni Mico kay Nate. Susugudin na sana niya si Nate ngunit agad siyang nahawakan ni Roi sa kamay at pinilipit ito papunta sa kanyang likuran. “Aray!”

                “Oo pero hindi ko naman alam na magkapatid kayo.” Naguguluhang pag-amin ni Nate sa di niya inaasahang kasalanan niya.

                “Ganito kasi iyon, Nate. Nakiusap kasi ang magaling kong kapatid sa kaibigan n gaming butihing ina na hanapan siya ng matutuluyan. Umalis siya n gaming bahay ng hindi nagpapaalam. Sinubukan naming alamin mula sa kaibigan ni mama kaso ayaw niya sabihin kung nasaan si Michaelo. At nung makita ko siya sa mall na hawak-hawak ka, doon ko naisip na totoo ang hinala kong maaaring magkasama kayo sa bahay dahil hindi naman siya pala-usap sa kahit kaninong tao. At mas lalo kong na-prove ang hinala ko nung sabihin mong itinulak mo siya sa kama.” Kasunod ay ang lumalagutok na halakhak ni Roi habang hawak-hawak pa din si Mico.

Ang Ultimate Crush kong Isnabero (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon