Chapter 3

272 3 0
                                    

                Ang pangyayaring inaakalang isang bangungot ni Nate ay naging tila isang magandang panaginip. Para isang fairytale na sa kabila ng di magandang pangyayari ay magkakaroon din ng isang happy ending.

                “Ayos ka lang ba?” tanong ni Roi sa kabila ng di pa tapos na pangangarap ng gising ni Nate.

                “Salamat.” Maikli niyang sambit.

                Sa kabila ng sayang nararamdaman ni Nate, di pa din mawala sa isip niya ang maaring naramdaman ni Mico. Sa katunayan, may punto si Mico. Wala pang isang araw silang nagkakasama, puro kamalasan na ang naibigay niya ditto. Dahil ditto, di pa din mawala sa mukha niya ang kalungkutan.

                “Bakit nakasimangot ka?” tanong ni Roi sabay hawak sa baba at itinaas ang mukha nito. Palibhasa’y mas matangkad si Roi kay Nate.

                “Teka…” sabay iling ng ulo ni Nate upang tanggalin ang pagkakakapit ni Roi sa kanyang baba.

                “Bakit?” nagulat namang sabi ni Roi sa inastang iyon ni Nate.

                “Huwag mo na ulit gagawin iyon. Hindi maganda sa pakiramdam ang ginawa mong iyon lalo na’t sa maraming tao.” Medyo inis na pahayag ni Nate.

 Naalala niya kasi ang pangako niya sa kanyang mga magulang. Ang malaman ng iba ang kanyang tunay na kasarian ay isa sa pinagkakaingatan niya. Ayaw niyang madungisan ang kalinisan ng pangalan ng kanyang pamilya lalong lalo na ngayong dalawa na lang sila ng kanyang ina.

                “Sorry, hindi na mauulit. Naaalala ko lang kasi yung nakababata kong kapatid sa’yo.” Rason ni Mico.

                Matapos ang maikling pag-uusap, nagtungo ang dalawa sa dulong parte ng ikatlong palapag ng mall. Sa lugar kasing iyon, di masyadong daanan ng tao. Doon sila magpapalipas ng oras. Naupo sila sa isang bakanteng pang-tatluhang upuan.

                “So, bakit ba parang kumukulo ang dugo sa’yo ng lalakeng ‘yon?” tanong ni Roi upang masimulan ang usapan.

                Di agad nakapagsalita si Nate. Nagdadalawang isip kung ikukuwento kay Roi ang sa palagay niyang dahilan sa pagiging brusko ni Mico sa kanya.

                “Don’t worry, kung masyadong personal, huwag mo na lang sabihin. I understand.” Kasunod ay munting ngiti.

Mas lalo tuloy di mapigilan ni Nate ang magkagusto sa pinapakitang kabaitan ni Roi sa kanya. Sa maikling salita, “perpekto” para sa kanya.

                “Salamat… pero sa totoo lang, kasalanan ko din siguro kung bakit siya nagkakaganoon sa’kin. Nitong umaga lang kasi, natulak ko siya sa higaan.” Walang preno niyang sabi. Di niya napigilang tumawa lalo ng nang magbiro si Roi ukol kay Mico.

                “Dapat, nung tinulak mo siya, sinipa-sipa mo tapos i-wrestling mo. Yung tipong di na siya makakabangon pa.” kasunod ng biro na may kasama pang demonstration, tumawa din si Roi.

                Sa sabayang pagtawa ng dalawa, di namalayan ni Nate na pinagmamasdan siya ni Roi. Natigil si Roi sa pagtawa upang panoodin si Nate.

                “Nate…” seryosong pagtawag ni Roi sa pangalan ni Nate.

                “Bakit?” halos maiyak naman sa kakatawa si Nate. Mababaw ang tamang salita para ilarawan si Nate.

                “Nate… may nakapagsabi na ba sa’yong masarap kang kasama?” dugtong ni Roi.

                “Oo naman, masarap talaga ako!” biglang sabi ni Nate. Biro niya.

Ang Ultimate Crush kong Isnabero (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon