Chapter 5

221 2 0
                                    

                Hindi nakatapos ng pagkain ng almusal si Nate. Binabagabag siya ng kanyang konsensiya sa nangyari sa kanila ni Mico. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang mali. Labas pasok siya sa kanyang silid at paminsan-minsan ay nagpapabalik-balik ng lakad sa harapan ng kanilang pintuan upang kung sakaling umuwi si Mico ay hihingan niya agad ito ng tawad.

                “Sa’n ba kasi nagpunta iyon?” tanong niya sa sarili habang kinakagat-kagat ang ngipin sa kanyang daliri sa kamay.

                “Bakit parang balisa ka yata?” tinig mula sa bintana sa sala.

                “A e…”

                “Si Mico ba?” sunod nitong tanong.

                Tango lang ng ulo ang naisagot niya. Natuwa ng kaunti ang kanyang sarili ng biglang sumulpot si Nash sa kanilang bintana. Pakiwari niya ay may maitutulong ang lalake sa kanya.

                “Baka gusto mo akong papasukin muna.” Sabay ngiti ni Nash.

                “Sorry. Sige, tuloy ka.” Pagpayag naman ni Nate.

                Gamit ang dalawa nitong malaking braso, iniangat ni Nash ang kanyang sarili sa bintana upang doon pumasok.

                “Ginawa ang pintuan upang pasukan at labasan. Hindi ang bintana.” Pagpaparinig ni Nate.

                “Mukha kasing emergency e kaya di na ako nag-abalang pumunta pa sa pintuan para pumasok.” Ngiti ulit ito. “Ano bang problema ng mahal ko?” sabay lapit ni Nash kay Nate.

Hinawakan niya ang kamay ni Nate at hinigpitan ang kapit dito. Tinanggal naman ni Nate ang pagkakakapit ni Nash upang ipabatid na hindi niya gusto ang ginagawa nito.

                “Sorry.” Paghingi ng paumanhin ni Nash.

                Tumalikod si Nate kay Nash. Hindi dahil naiinis siya sa ginawa nito, kundi upang maikalma niya ang sarili at nang makausap niya ito ng matino.

                Lumapit naman si Nash kay Nate. Hinawakan niya ang balikat nito at pinihit paharap sa kanya. Hahalikan niya sana si Nate nang mapansin ang  sugat nito sa bandang kilay.

                “Naano ‘yan?” takang tanong ni Nash.

                “Pwede ba, Nash? Tigilan mo muna ako sa mga walang kuwentang bagay. Kailangan ko munang mag-isip ng paraan kung paano ko mahahanap si Mico.” Dahilan nito.

                Hinawakan ni Nash ang sariwang sugat ni Nate. Ramdam ni Nate ang pagdampi ng daliri ni Nash at ang pagkirot ng sugat. Napa-aray pa siya sa sobrang sakit ng madiinan ito.

                “Si… Mico ba ang may gawa niyan sa’yo?” may diin sa pagtatanong ni Nash. “Siya ba?” pasigaw niya.

                “Aray!”

                “Ano? Siya ba!” sigaw ni Nash.

                Ang masaktan ang kanyang pinakamamahal ang ayaw na mangyari ni Nash. Sa mga panahong nasusugatan si Nate dahil sa katangahan, hindi maiiwasang hindi magalit si Nash. Nagagalit siya hindi dahil sa katangahan ni Nash o dahil hindi niya naaalgaan si Nate kapag may pasok siya, nagagalit siya dahil inaakala niyang may nananakit dito. Sa pagkakataong ito, tao ang may gawa ng sugat na iyon ni Nate.

                “Maliit lang yan.” Pag-iwas ni Nate.

                “Siya pala ha! Huwag siyang magpapakita sa akin! ‘Yang Mico na yan!” sabay labas ng bahay nila ni Nate.

Ang Ultimate Crush kong Isnabero (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon