Chapter 7

221 2 0
                                    

                 Tanghali na ng magising si Nate. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, napagtanto niyang hindi panaginip ang mga naganap kagabi. Sa sofa siya nakahiga habang nakatalukbong sa katawan niya ang kumot. Sapat na ang nakita niyang bakas sa kumot pati na ang sakit sa parte ng kanyang katawan bilang pagpapatunay na may nangyari nga sa pagitan nila ni Mico kagabi.

                “Nasaan si Mico?”, bulong ng kanyang isipan ng hindi maabot ng kanyang paningin ang presensiya nito sa sala.

                Nabigla ang kanyang katawan ng bigla siyang napatayo upang hanapin si Mico sa kabahayan. Ang nararamdamang sakit ay mas lalong nanaig ng nagpumilit siyang tumayo at maglakad. Paika-ika niyang tinungo ang silid ng hinahanap ngunit wala ito doon. Susubukan sana niyang tanungin si Nash ngunit napag-isip-isip niyang baka natutulog pa ito at maaring kasama pa nito si Roi. Minabuti niyang bumalik sa sala. Sa kanyang pagbabalik, langhap niya ang masarap na amoy mula sa kusina. Tinungo niya ito at sumalubong sa kanya ang nakangiting si Mico.

                “Gising ka na pa la!”, masiglang panimula ni Mico.

                Nilapitan ni Mico si  Nate upang alalayan ito palapit sa upuan ng hapagkainan. Hinatak niya ang isang upuan para sa kanyang inaalalayan. Matapos ay pinagsilbihan niyang parang isang VIP sa isang five star hotel ang nag-aalangang si Nate.

                Puro tango lang ang binabatong sagot ni Nate sa tuwing aalukin siya ni Mico ng pagkain. Tahimik ang naging konbersasyon sa pagitan nilang dalawa. Magkaharap silang kumakain. Habang kumakain, hindi maiwasang hindi magtatama ang paningin ng bawat isa hanggang sa magtawanan na lang sila.

                “Bakit ka tumatawa?”, nagtatakang tanong ng tumatawa ding si Nate.

                “Masaya lang ako, e ikaw?”, tanong ng ngayong nakangiti nang si Mico.

                “Masaya din.” Maikling sagot ni Nate.

                “Kasi…”

                “Kasi… wala lang.”

                “Wala lang? Baliw!”, tumawa ulit si Mico.

                “Mas baliw ka…” biglang natigil si Nate ng mapansing natahimik si Mico. “Sorry.” Dugtong niya.

                Tumayo si Mico sa kanyang upuan at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Nate.

                “Baliw ba ako?” tanong niya kay Nate na halos kainin na ng lupa sa takot. “Siguro nga baliw ako…  hindi ko alam pero siguro iyan yung tamang salita para ilarawan yung nararamdaman ko sayo…”

                Nabigla si Nate sa pahayag na iyon ni Mico. Hindi niya mapagtanto kung ang pahayag bang iyon ay nakapagpalinaw o nakapagpalabo ng pagkakaintindi niya sa nararamdaman ng kanyang hinahangaan. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin. Iniisip niya kung susuklayin niya ba ang buhok niya dahil sa sobrang haba nito o papaputol niya. Ang sumunod na ikinilos ng lalakeng kanyang hinahangaan ang nagbigay linaw ng lahat. Inilapit nito ang mukha sa kanya  na nagbabadya ng pagdadampi muli ng kanilang labi.

                “I think we have another couple in here.” , sabi ng lalakeng nasa pintuan na sinasabayan ng pigil na tawa ng kasama pa nito.

                Sa halip na halikan, hinipan ni Mico ang mata ni Nate. “Ayos na ba?” sambit niya na may kalakasan ng kaunti upang pagtakpan ang gagawin sanang paghalik.

Ang Ultimate Crush kong Isnabero (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon