Chapter 2

317 4 0
                                    

                Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Nate sa kanyang pagkagising. Katambal ng kanyang kaba ang pagtataka sa sitwasyong kanyang kinamulatan nang umagang iyon. Gusto man niyang magalit ay hindi niya magawa dahil alam niyang may ginawa siyang nakakahiya sa harap ng kanyang ultimate crush na si Mico.

                “Anak, siya yung pinahabilin sa atin ng tita mo.” Sa nerbyosong boses ng kanyang ina.

                Nang makatayo mula sa pagkakatulak sa kanya ni Nate, agad na nagpasalamat si Mico sa babaeng tumulong at umalalay sa kanya.

                “Salamat po!”  kasunod nito ay ang pigil na pagdaing.

                Hindi na umimik pa si Nate. Inalalayan naman ng kanyang ina si Mico papunta sa sala upang doon ito pagpahingahin. Ilang saglit lang, naiwang nag-iisa si Nate sa kanyang silid. Tinungo niya ang banyo at doon nagmamamaktol upang walang makarinig sa kanya.

                “Bakit mo ginawa iyon sa kanya?” tanong sa sarili habang nakatingin sa salamin.

                “Hindi ko naman sinasadya at saka, anong ginagawa niya sa silid ko?” sagot at tanong niya.

                “Abay malay ko! Ang himbing kaya ng tulog ko!” tanging dahilan niya.

                Binuksan niya ang gripo at naghilamos upang mahimasmasan. Muli siyang tumingin sa salamin. Sinuri ang pisikal na itsura at maya-maya ay biglang ginulo ang buhok na para bang nababaliw.

                “Hindi kaya…” kasunod ng pamimilog ng kanyang mga mata. Niyakap niya ang kanyang sarili at dahan-dahang sinilip ang kanyang katawan.

                “WAAAAA! Hindi ito maari! Hindi! Hindi! Hindi!” sunud-sunod niyang sigaw. Sunud-sunod na katok naman ang kumalampag sa pinto ng banyo. Mula sa kanyang ina, ang nag-aalalang tinig ay kanyang narinig.

                “Anak, anong nangyayari sa’yo? Ayos ka lang ba? Buksan mo itong pinto!” utos nito.

                Inayos ni Nate ang kanynag sarili bago siya sumagot sa kanyang ina upang hindi ito mangamba pa.

                “Ayos lang ako, ma!”

                “Sigurado ka, anak?”

                “Opo.”

                “Sige, anak ko.” At tuluyan ng umalis ang kanyang ina.

                Humigop muna ng hangin si Nate at bumuntong-hininga. “Haist! Anong oras na ba?” sabay tingin sa kanyang relo. “PATAY!”

                Nagmadali siyang pumuwesto sa ilalim ng shower at agad itong binuksan.

                “GRRRRR! LAAAMMMEEEEEEEEEGGGGGGGGGGGG!” sigaw niya.

                Matapos maligo at mag-ayos ng sarili, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanyang silid upang gumawa ng isang maliit na siwang. Sumilip siya mula dito at laking gulat niya ng dumapo ang kanyang mata sa tapat pa mismo ng harapang bahagi ng salawal ng lalakeng nakatayo. Hindi naman napansin ni Mico na nakasilip si Nate at sa di inaasahang pangyayari, napalakas ang pagbukas niya ng pinto at tinamaan sa kanyang noo si Nate.

                “Aray ko po!” sigaw niya habang kapit-kapit ang kanyang noo. Muli na namang dumating ang kanyang ina upang silipin kung ano na naman ang dahilan ng pagsigaw na iyon.

Ang Ultimate Crush kong Isnabero (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon