Chapter 10 : Ending

267 4 1
                                    

                Nagpasiyang mag-jogging ang magkaibigang sina Nate at Shy sa seaside ng MOA. Naka-ilang beses din silang nagpaikot-ikot sa palibot ng malaking mall hanggang sa makaramdam sila ng pagod. Natigil sila sa pagtakbo sa bandang dulo ng seaside kung saan hindi gaanong puntahan ng mga kapwa nag-dya-jogging doon. Naupo sila sa posisyong nakaharap sila sa dagat habang ang kanilang mga paa ay nakalaylay sa ibabaw ng batuhan. Habang nagpupunas si Shy ng kanyang pawis, biglang nagsalita si Nate sa seryosong tinig.

                “Shy?” pauna nitong pagtawag.

                “Sarap mag-jogging no? Buti na lang at kumulimlim dahil kung hindi, sunog tayo sa sikat ng araw.” Pagpapahayag ng damdamin ni Shy sa ginawa nilang pag-ehersisyo.

                “Shy, salamat ha.” Habang nakatingin sa kaibigan, sinasabi ito ni Nate.

                “Ha? Ano bang pinagsasabi mo diyan?” alam ni Shy kung saan pupunta ang usapan at ayaw niyang humantong ito sa madramang usapan.

                Patuloy na nagpupunas si Shy ng pawis sa kanyang leeg. Sa tuwing magsasalita si Nate ay pinangungunahan niya ito.

                “Best, alam mo…” simula ulit ni Nate.

                “Tignan mo best! Ang ganda nung ulap o. Parang cotton candy! Yung isa doon, parang alon lang ng dagat.” paligoy ni Shy.

                “Alam mo, masaya ako kasi…”

                “Nagugutom na ako! Kain tayo!” dahilan uli ni Shy.

                “Kasi, nandyan ka…”

                Tumayo si Shy sa kanyang kinauupuan at iniunat ang kanyang mga bisig pataas sa kanyang ulunan. Iniikot din niya ang kanyang ulo pakanan at pakaliwa. Matapos ay tumalon mula sa kinatatayuan pababa sa kanilang tinatakbuhan.

                “Ano, best? Tara na! Kain muna tayo!” sabay kapit sa kamay ng kanyang kaibigan upang hatakin mula sa inuupuan nito.

                Alam ni Nate na naririnig siya ng kanyang kaibigan ngunit patuloy lang ito sa pagbibingi-bingihan. Naisipan niyang pigilan ang kaibigan ng hawakan niya ang kamay nito matapos hawakan ang kanyang kamay upang makausap niya ito ng maayos.

                “Shy! Ano ba?” pasigaw ngunit seryosong sabi ni Nate habang humihigpit ang kapit nito sa kamay ng kaibigan.

                “Nasasaktan ako, Nate!” dinadaing naman ni Shy ang sakit na nararamdam sa humihigpit na kapit ni Nate.

                “Seryosohin mo naman ako…” biglang mahinahong pakiusap ni Nate.

                Unti-unting lumuwag ang pagkakakapit ni Nate sa kamay ng dalaga hanggang sa pakawalan niya ito. Iniwas niya ang kanyang paningin sa mukha ng kaibigan at itinuon ito sa mahinahong karagatan. Nagbuntong-hininga muna si Nate bago nagsalitang muli.

                “Shy, matagal-tagal na tayong magkaibigan. Simula’t pagkabata ay nandiyan ka palagi sa tabi ko. Nung mawala si papa ay nandiyan ka din. Tapos heto, kahit hindi mo alam ang pinagdadaanan ko ngayon, nandiyan ka pa din para pasayahin ako. May gusto ka ba sa akin?” prangkang tanong ni Nate.

                Hindi kaagad nakaimik si Shy sa binatong katanungan ni Nate. Hindi niya alam kung anong ikikilos sa harapan ng lalaking simula’t sapul ay lihim na niyang iniibig sa kabila ng pagiging iba nito sa aspeto ng sekswalidad. Napalunok siya bago siya sumagot sa tanong na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Ultimate Crush kong Isnabero (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon