Wala nang nagawa pa si Nate kung hindi ang sumunod sa lalaking may hawak sa kanyang mga kamay. Hindi alintana ni Mico ang mapanuring mga mata sa kanilang nilalakaran patungo sa kanilang bahay. Isa lang ang nasa isip niya nung mga oras na iyon. Ang hindi mawala sa tabi niya si Nate.
Nang makapasok sa kanilang bakuran, hindi na nagawa pang-i-lock ni Mico ang kanilang gate at sa halip ay agad na tinungo ang hapag kung saan naroon ang kaniyang ina. Kapwa nagulat ang mga taong kanilang nadatnan at ganoon din siya sa di inaasahang sorpresa sa pangunguna ng kanyang nakatatandang kapatid na si Roi.
“Happy birthday, Michae…” ang sabay-sabay na pagbati ay naudlot ng pangunahan ni Mico ang pagsasalita.
“Everybody, my friend…” sabay tingin sa lalaking hawak niya. “…my boyfriend, Nate.” sabay halik sa labi ni Nate.
Parang slow motion ang naganap na eksena sa bahay na iyon. Walang umiimik o kumukurap sa pinanunuod na palabas. Hindi makapaniwala ang lahat sa pangyayaring iyon lalo na ang ina ni Mico. Nabasag lamang ang katahimikan sa reaksyong pinasimulan ni Roi.
“Nice one, lil bro!” pasigaw nitong pagpuri.
“Thanks, big bro!” ganti ni Mico matapos ang mabilis niyang pagdampi ng kanyang labi sa labi ni Nate na tulala pa din sa ginawang iyon ng kanyang ultimate crush.
Kinakabahan man, sinimulang igala ni Mico ang kanyang paningin sa mga taong nakasaksi sa kanyang pag-amin sa nararamdaman sa taong muling nagpanumbalik ng dati niyang sigla. Isa-isa niyang sinuri ang naging reaksyon ng mga ito at sa bawat paglilipat niya ng tingin, nananaig ang kaba sa kanyang dibdib dahil pawang iisa ang naging pagtanggap nila sa kanyang ginawa – ang galit.
Biglang lumapit sa kanya ang kanyang ina at sabay itinulak papalayo si Nate. Mabilis namang inalalayan ni Nash si Nate sa pagkakabagsak nito sa sahig. Umangal naman si Roi sa ginawang iyon ng kanyang ina. Na-shock naman ang ina ni Zap sa bawat eksenang napapanuod. Si Zap naman ay hindi magawang kumilos mula sa kanyang kinatatayuan. Nagdadalawang isip siya kung kanino siya papanig.
“Ma!” sigaw ni Mico.
“Ma, bakit mo ginawa iyon?” may pagtaas ng boses ang pagtatanong ni Roi.
“Nate?” may pag-aalala sa pagtawag ni Nash sa pangalan ng nakahandusay sa sahig.
Kasabay ng pagbuhos ng luha ni Nate ay ang pag-agos din ng luha ng ina ni Mico. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ng anak at tinangkang ilayo sa mga taong nakapaligid doon. Pumiglas naman si Mico sa kanyang ina at humakbang paatras palayo sa kanyang ina.
“Anak! Ano bang pinainom sa’yo ng lalaking ‘yan at pa’no mo naatim na… na…” hindi na nagawang ipagpatuloy ng kanyang ina ang pagdaing sa kanya.
“Ma! If you will continue hurting the person I love…” may kaunting bitin sa pagsasalita ni Mico. “I will forget you being my mother!”
“Michaelo! Stop it!” sigaw ni Roi na halatang hindi na pumapabor sa inuugali ni kapatid.
“How could you say that to me? Get out!” sigaw din ng kanyang ina.
Balak sana ng kanyang ina na tumakbo patungo sa silid nito ngunit isang di inaasahang pangyayari ang naganap. Nanikip ang dibdib nito na isa pa lang senyales ng atake sa puso.
BINABASA MO ANG
Ang Ultimate Crush kong Isnabero (boyxboy)
RomanceCrush lang ba o Mahal mo na? E di ka naman niya gusto.. Please Comment & Share. :)