Chapter 8

190 2 0
                                    

                Nag-aalangang sumabay sa paglalakad si Nate kina Mico at Zap kaya’t minabuti niyang dumistansiya. Kahit sa pagsakay ng sasakyan ay may pagitan sa puwesto nila. Kuntento na siya sa maya’t mayang pagtanaw sa dalawa hanggang sa makarating sila sa isang village sa Muntinlupa.

                Lubus-lubos naman ang saya ni Mico nang muling makita ang nawalay na matalik na kaibigang si Zap. Magmula kasi ng umalis ito at pumunta sa Amerika, tumamlay na siya at naging iba ang pakikitungo sa kanyang kapatid at mga magulang. Tinuturing niyang kapamilya si Zap dahil tanging ito lang ang naging kasama niya simula nang siya ay magkamuwang sa mundo.Wala ding tumagal na nag-aalaga sa kanya nung siya ay bata pa dahil sa mga kalokohang kanyang pinaggagagawa para mapansin lang ng kanyang mga busy na mga magulang. Ngayong nandito na ulit si Zap, mas nanumbalik ang dati pa niyang sigla kaya’t sinusulit niya ang pakikipag-usap dito hanggang makarating sila sa kanilang bahay.

                Si Zap naman ay walang patid ang kuwento sa kaibigang hindi niya nakita ng ilang taon. Kung anu-ano ang kinukuwento nito na kahit walang kuwenta ay patuloy na pinakikinggan ni Mico. Mas excited pa siya kaysa sa kaibigan na tumungo sa tahanan nito upang makita din ang ina nito na malaki ang utang na loob sa kanya dahil sa pagiging matiyaga sa anak nito at bilang isang kaibigan na din.

                “Welcome back po, Sir Michaelo!” bati ng huli at pinakamatagal na nag-alaga kay Mico. “Kasama ninyo pala si Sir Zap.” Dugtong nito.

                “Nana Inday!” sigaw ni Zap na masasabing sabik sa pagkikita nilang muli.

                “Welcome back po Sir Zap!” masayang bati naman ni Nana Inday.

                “Na-miss ko po kayo! Kamusta na po kayo?” masasabing tulad ng isang ina ang trato ni Zap kay Nana Inday dahil sa pagyakap pa nito habang sinasabi ang mga kataga.

                “Sir Zap! Ang higpit niyo po yumakap.” Daing ni Nana Inday.

                “Sige na nga!” angal naman ni Zap. “Minsan na nga lang ako mapadpad e.” kunwaring pagtatampo nito.

                “Anak!” sigaw ng babae mula sa loob ng bahay.

                “Ma! Mas nauna pa kayo sa akin ha?” taking tanong naman ni Zap.

                “Tita! Kamusta na po?” singit na tanong ni Mico.

                “Hi, Mico! Long time no see! We’re okay.” Sabay beso nito. “Naghihintay na ang mama mo sa loob. Let’s go!”

                “Sige po.” Si Mico.

                Pumasok na sila Mico at Zap kasunod ng mama ni Zap. Susunod na sana si Nana Inday ng mapansin niya ang palabas na si Nate. Hindi naman naalala ni Mico si Nate dahil sa kasiyahan nito.

                “Hijo?” tanong ni Nana Inday.

                Napalingon naman si Nate. Mababasa sa mukha niya ang sobrang lungkot at at pagkahiya sa sarili.

                “DI ba po kasama kayo ni Sir Michaelo?” nag-aalalang tanong ni Nana Inday. “Pumasok na po kayo sa loob.”

                “Pakisabi na lang na may importante po akong lakad. Sige po, mauna na po ako.” Paalam ni Nate at agad na umalis.

                Naglakad si Nate papalayo sa bahay ni Mico. Ni hindi man lang niya nagawang magpaalam o makilala man ang ina nito. Tulala at malalim ang iniisip niya habang naglalakad papalabas ng village. Dahil sa pangyayaring iyon, isang desisyon ang kanyang napag-isipan. Ito ay ang umalis sa pinagtatrabuhan upang umiwas kay Mico.

Ang Ultimate Crush kong Isnabero (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon