Chapter 2.3

3.6K 69 0
                                    

ILANG linggo ding abala si Alyzza sa trabaho niya maging sa paghahanap ng mga businessmen na gustong mag-manufacture ng coffee products nila. Gusto niyang palawakin ang business niya at ng kuya niya.
Dahil sa pagiging abala ay bihira niya na lang na nabibisita o nakakausap man lang ang kanyang mga kaibigan. Napahalumbaba siya sa table na nasa harap – pansamantala siyang dumaan sa coffee shop niya sa Greenhills para bisitahin iyon.
Naisip niya kung nai-reto na ba siya ni Liezl sa kaibigan nitong si Matthew. Matagal-tagal niya na ding hindi nasisilayan ang kaguwapuhan nito. Nahihiya naman siyang dumaan sa ospital nito kung hindi naman siya magpapa-check-up. Wala namang nababanggit sa kanya si Liezl tungkol sa bagay na iyon.
Napatingin siya sa cell phone na nasa mesa nang tumunog iyon. Kinuha niya iyon at binasa ang mensaheng dumating. Napatayo siya sa kinauupuan at agad na bumalot ang kaba sa buong puso niya. Galing ang mensahe sa kapatid ni Liezl na si Jamaica. Sinabi nitong na-aksidente daw ang kapatid nito at naka-confine sa Azcarraga Hospital sa Makati.
Mabilis siyang tumakbo palabas ng shop at tumuloy sa sariling sasakyan. Pagkatapos ay pinatakbo niya iyon patungo sa ospital.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin AguirreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon