Chapter 2.5

3.7K 61 1
                                    

ILANG araw ang lumipas pagkatapos ng aksidente ni Liezl, unti-unti na namang nababawasan ang pag-aalala sa dibdib niya dahil sa balitang maayos naman daw ang recovery nito kahit na wala pa rin itong maalala sa mga taong nakapaligid dito maliban sa best friend nitong si Matthew.
Ipinagtataka niya rin ang bagay na iyon pero hindi niya na lang masyadong inisip. Alam niyang napaka-misteryoso ng katawan ng tao. Ang mahalaga ay may naaalala pa rin ito at sigurado naman siyang hindi pababayaan ni Matthew ang kaibigan. Mabuting doktor ito, alam niya iyon.
Napatingin siya sa pinto ng café niya nang makitang pumasok doon si Christopher Samaniego Jr. Anong ginagawa nito dito? Nagtaka pa siya nang lumapit ito sa kinauupuan niya at ngumiti.
Bahagya pa siyang natigilan ng ilang saglit. She never realized how good-looking this man was. Hindi sapat ang salitang guwapo para mai-describe ito. Sa pagkakatanda niya ay boss ito ni Liezl sa MicroGet – one of the most successful gadget-producing companies in the world.
“Alyzza Andersonne, right?” sabi nito sa malalim at kasuwal na boses.
Napatingin siya dito at napatango, totally mesmerized by his presence. His dark brown eyes were intimidating and inviting at the same time. Hindi niya alam kung bakit.
“I’m Christopher Samaniego Jr.,” inilahad nito ang isang kamay. Agad naman siyang tumayo at tinanggap iyon.
“May kailangan ka ba sa akin?” nag-aalangan niyang tanong dito. “Maupo ka,” alok niya bago bumalik sa pagkaka-upo.
Ngumiti ito at umupo sa tapat niya. This man was a killer – he could easily kill by just using his smile. “Didiretso na ako sa punto,” pagsisimula nito. “I’m here to hire you.” Halatang-halata ang awtoridad sa tono nito. Alam niyang madali nitong nakukuha ang anumang naisin nito.
Hire her? Para saan?
Nahalata siguro nito ang pagtataka sa mukha niya kaya nagpatuloy ito. “Alam mo naman siguro na sekretarya ko sa MicroGet si Liezl at alam mo rin ang tungkol sa nangyari sa kanya. I Narinig kong secretarial graduate ka rin, minsan ay nai-kuwento ka sa akin ni Liz.”
Napatango siya. Oo, tama ito. Secretarial graduate nga din siya pero hindi niya na nagawang makapag-trabaho bilang secretary dahil mas pinili niya ang coffee business niya.
“Napakaraming dapat gawin ni Liezl,” dagdag nito, napailing pa ito. “Ayaw ko namang mag-hire ng panibagong secretary dahil sigurado naman akong babalik siya. Kung ayos lang sa’yo, gusto kong i-hire ka bilang substitute niya. Hanggang sa matapos lang ang mga trabahong naiwan niya.”
Ilang sandali niyang pinag-isipan ang sinabi nito. Kapag hindi siya pumayag ay siguradong maghahanap na ito ng bagong sekretarya at mawawalan na ng trabaho ang kaibigan. Alam niya kung gaano kamahal ni Liezl ang trabaho nito sa MicroGet.
Napabuntong-hininga siya. Ito na lang ang maaari niyang gawin para sa kaibigan. Wala rin naman siyang gagawin kundi ang intindihin ang coffee shops niya. Muli siyang tumingin kay Christopher na naghihintay ng sagot niya.
Ngumiti siya at tumango. “Ayos lang sa akin ‘yon.”
Mukhang nakahinga naman ito ng maluwag sa sagot niya. “Puwede ka na bang mag-simula bukas?” tanong pa nito.
Napaisip ulit siya. Mas maganda kung magsimula na siya agad para hindi na siya mahirapan. “Of course.”
Ngumiti ito. “That’s good. Ipapadala ko sa’yo ang airline ticket bukas.”
Nagtataka siyang napatingin dito. “Airline ticket?”
Napabuntong-hininga ito. “Kailangan kitang ipadala sa Canada.”
Nagulat siya sa sinabi nito. “C-Canada?” Magta-trabaho siya bilang sekretarya nito sa kauna-unahang pagkakataon tapos ipapadala agad siya nito sa Canada?
“Pag-pasensiyahan mo na talaga,” paghingi nito ng paumanhin. “Pero kailangan talaga kitang ipadala doon para mapag-tuunan ng pansin ang mga records and reports ng produktong i-e-export ko sa bansang iyon. Hindi ko magagawang pumunta doon dahil marami pa akong kailangang asikasuhin dito at sa London.”
Hindi niya nagawang makapag-salita ng ilang sandali. Canada? Napaisip siya. Hindi pa rin naman siya nakakapunta sa bansang iyon. Tama, isa rin itong magandang opportunity para sa kanya. Makakapunta siya doon ng walang binabayarang kahit ano at maaari niya pang i-endorse ang coffee products niya sa mga businessmen na naroroon. Tutal, tungkol sa exportation din naman ang ipu-punta niya doon.
Muli siyang tumingin dito at tumango. “Sige, gagawin ko ‘yon.”
Tumang-tango ito. “Kailangan mo lang gumawa ng report at ipadala sa akin kada tapos ng isang linggo. Makakasama mo sa trabaho ang broker ko doon. Magkakaroon ka rin ng sarili mong opisina sa firm niya,” iyon lang at tumayo na ito. “Thank you so much, Alyzza.”
Tumayo na din siya at sinamahan ito palabas. Bumuntong-hininga siya. She just got a very important work out of the blue. Everything’s going to be fine. Gagawin niya rin naman ito para sa kaibigan niya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin AguirreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon