BUMUNTONG-HININGA muna si Alyzza bago kumatok sa opisina ni Justin nang hapong iyon. Kahit na hindi niya pa ito gustong makita, hindi naman puwede dahil kailangan pa rin niya itong makausap patungkol sa shipment ng produkto niya. Nagpunta siya doon para magkaroon ng madaliang meeting dito at pirmahan ang lahat ng kakailanganing dokumento para sa proseso ng shipment.
Tatlong beses siyang kumatok bago binuksan ang pinto. Agad na nasalubong niya ang tingin nito nang makapasok siya. She felt herself blushed as she saw that intent look in his eyes. She could also hear the excessive beating of her foolish heart. Ano ba talagang problema ng guwapong alien na ito? Bakit parang bigla na lang itong nagbago?
Inanyayahan siya nitong maupo sa upuang nasa harap ng table nito. Ilang sandali lang ay nag-uusap na sila tungkol sa proseso ng shipment at pinapirma siya nito sa ilang importanteng mga dokumento.
“The shipment will be done in a few days,” anito pagkatapos niyang pirmahan ang mga dokumento.
“Thank you,” wika niya. Napatingin siya sa labas ng bintana ng opisina nito at napansing madilim na ang paligid. Hindi niya napansin na napatagal pala ang pag-uusap nila. Muli niyang ibinalik ang tingin dito. Nililinis na nito ang mesa nito. “Aalis na siguro ako,” dagdag niya.
Tumingin ito sa kanya. “Ihahatid na kita.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Masyado na yata nitong ini-enjoy ang pagiging service niya. “Hindi na—”
“I insist,” putol nito sa sinasabi niya.
Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang tumango at hintayin itong matapos sa paglilinis ng mesa nito. Sabay na silang lumabas ng opisina nito.
Nasa labas na sila ng firm nito nang mapatigil siya dahil nagsimula ng bumagsak ang snow mula sa kalangitan. Napangiti siya at napatingin kay Justin na nasa unahan niya na. “It’s snowing,” she mumbled happily.
Kumunot ang noo nito. “Yes it is. So?”
She puffed and rolled her eyes. “Oh, come on, Justin. It’s so beautiful,” she exclaimed. Masaya siya dahil sa T.V. niya lang naman talaga nakikita ang snow simula noong bata pa siya. Oo, ilang beses na siyang lumabas ng Pilipinas, pero hindi niya naman naaabutan ang winter season sa mga bansang pinupuntahan niya.
She extended out her hands to feel the cold snow falling on her palms. Muli siyang napatingin kay Justin na nakakunot pa rin ang noo. Lumakad siya palapit dito at ngumiti. “Dapa mong i-enjoy ang maliliit na bagay, Jhust,” pagkasabi noon ay tumakbo siya palapit sa kumpol ng snow sa lupa at nagsimulang bumuo doon ng snow man. Agad din naman siyang sumuko dahil sa sobrang lamig ng yelo.
“Nagdala ka dapat ng gloves,” narinig niyang wika ni Justin sa likod niya.
Tumayo siya at hinarap ito. “Hindi ko naman alam na mag-i-i-snow ngayong gabi,” she pouted and shivered. Nakakaramdam na siya ng lamig. Hindi nakatulong ang suot niyang itim na jacket para maalis ang lamig.
Napatingin siya dito nang abutin nito at hawakan ang isang kamay niya. The warmth from his hand felt so good. Inaalis noon ang lamig na nararamdaman.
“Maglakad-lakad tayo para ma-enjoy mo ang snow,” ngumiti ito.
She didn’t know why she saw sparks flying around her everytime he smiles. And she couldn’t understand why her heart went totally crazy on what he said.
Kasalukuyan na silang naglalakad pero wala siyang mahanap na salita para masabi dito. Hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya at nararamdaman niya ang init na nagmumula sa katawan nitong malapit sa kanya. Nararamdaman niya rin ang pamumula ng mukha niya.
Tumikhim siya at nag-isip nang maaaring pag-usapan. She couldn’t take this awkward silence anymore. “It’s nice walking under the snow,” sana ay hindi nito napansin ang kaba niya.
Lumingon ito at tumingin sa kanya. “First time mo bang makakita ng snow?”
Tumango siya.
“Mas maganda kapag nakita mo ang Niagara Falls sa season na ito,” dagdag nito.
Napatingin siya dito. Matagal niya ng gustong makita ang Niagara Falls. Ilang beses niya na ring naririnig ang tungkol sa kagandahang taglay ng falls na iyon. “Nakarating ka na ba doon?” tanong niya dito.
Tumango ito. “Ilang beses na.”
She envied him for that. “Naririnig kong tatlong malalaking falls ang bumubuo doon?”
“Oo,” tumingin ito sa kanya. “The Horseshoe Falls, American Falls and the Bridal Veil Falls. It was majestic.”
Napabuntong-hininga siya. Sana naman ay magawa niyang bisitahin ang falls na iyon balang-araw. Napalapit siya dito nang umihip ng malakas ang hangin kasabay ng paglakas ng buhos ng snow sa paligid.
“Mukhang magkakaroon ng snowstorm ngayong gabi,” wika ni Justin.
Napaangat siya ng tingin dito at noon niya lang napansin na napakalapit na pala nito sa kanya. Halos magkayakap na sila. He looked down on her and her heart raced at the closeness of his face on hers.
Kinolekta niya ang isipan at humakbang palayo dito. Pero hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. “Bumalik na tayo,” wika niya. Paglingon niya sa likod ay napansin niyang napalayo na pala ang nilakad nila mula sa sasakyan nito. Unti-unti na ring lumalakas ang pagbuhos ng snow sa paligid. Their feet were being covered by the snow and in a little while they were going to literally freeze.
Muli niyang ibinalik ang tingin dito, nasa mga mata ang pag-aalala. Pero nasa mukha pa rin ni Justin ang kalmadong ekspresyon nito. Hindi ba ito nag-aalala kung matabunan na sila ng yelo dito?
“Malapit lang dito ang apartment ko,” sagot nito sa pag-aalala niya. “Puwede ka munang manatili doon.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Malapit lang sa firm mo ang tinutuluyan mo? Bakit nagsa-sasakyan ka pa?”
Ngumiti ito. “Ganoon ako katamad.”
Napailing na lang siya. Hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil sa paglukso ng puso niya sa pag-ngiti nito. Damn, why was this alien so handsome?
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin Aguirre
RomanceAlyzza was a very loyal friend; she loved her friends just like her family. Kaya nga ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga ito. Pihikan din siya sa pagpili ng magiging boyfriend, at nakita niya ang lahat ng standards niya sa katauhan ni Matthew Az...