NAPATIGIL si Alyzza sa paghakbang nang mapatapat siya sa pinto ng opisina ni Justin. Ilang araw na rin ang dumaan simula ng huli niya itong makita, naging busy na rin kasi silang pareho sa trabaho.
Bahagya niyang binuksan ang pinto at napatigil nang marinig na magsalita si Justin. Pagkatapos ay na-realize niya na nakikipag-usap ito sa telepono.
“Sinabi ko na sa’yong hindi ako makakapunta,” tumaas na ang boses nito. “Puwede naman kayong mag-celebrate ng wala ako, ah. Ilang taon niyo ng ginagawa iyon… Look, ayoko ng pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan uli… Stop meddling with my life, Dad.”
Dad? She bit her lower lip and felt guilty of eavesdropping.
“Huwag na kayong makialam sa mga desisyon ko dahil hindi kita pinapakialaman sa mga desisyon mo… I need to hang up now. Marami pa akong mas importanteng gagawin kaysa ang makipag-usap sa’yo,” iyon lang at wala na siyang narinig na salita mula dito.
Ilang minuto ang lumipas bago niya tuluyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Nakita niya itong nakaupo sa sofa na naroroon at nakasubsob ang mukha sa mga kamay.
“I-I’m sorry,” bulong niya.
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito nang makita siya. Alam niyang galit ito ng mga oras na iyon.
Napalunok siya, mabilis ang tibok ng puso niya. “Pasensiya na talaga. H-Hindi ko sinasadyang marinig iyon,” napatingin siya dito. “Ayos… ka lang ba?”
Nakita niya ang pagkislap ng galit sa itim na mga mata nito. Ilang sandali lang ay nag-iwas na ito ng tingin.
Humugot muna ito ng malalim na hininga, kinakalma ang sarili. “Leave me alone,” he hissed.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at marahang tumango. Tumalikod na siya at muling lumabas ng pinto. Lumakad siya ng ilang hakbang palayo sa opisina nito bago tumigil. Muli siyang napalingon sa pinanggalingan at napabuntong-hininga. Halatang-halata na galit na galit ito pero hindi niya pa rin napigilan ang sariling tumalikod at bumalik sa opisina nito. Kailangan nito ng makakausap at nakahanda siyang makinig dito. Nais niyang makatulong dito, kung maaari.
Muli niyang binuksan ang pinto ng opisina nito at pumasok sa loob. Nakita niya pa ang pagkagulat nito sa pagbalik niya. Lumakad siya patungo dito. “Puwede akong makinig sa’yo,” buong tapang na wika niya.
Ipinikit nito ang mga mata at sumandal sa sofa. Nasa mukha nito ang pagod at kalungkutan.
“It’s okay, Justin,” bulong niya, trying to comfort him. “Puwede kang makipag-usap sa akin.”
Binuksan nito ang mga mata, there was softness in it now. “It’s my Dad,” sabi nito.
Her heart skipped a beat when he said that. Hindi niya magawang paniwalaan na mag-o-open up ito sa kanya. Tumango siya at naupo sa tabi nito. She was very much willing to listen to him.
“Gusto niyang naroroon ako sa kaarawan niya. Ni minsan ay hindi naging maganda ang relasyon namin, alam mo ‘yon,” pagpapatuloy nito. The sadness in his tone was irrefutable. “Simula… simula ng namatay si Mama,” pumiyok pa ito, nasa boses nito ang sobrang sakit.
Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya alam na wala na pala itong ina. “I’m sorry,” bulong niya.
“Ayos lang,” bumuntong-hininga ito. “Eleven years na ang dumaan pero hindi ko pa rin magawang makalimutan iyon. Mahal na mahal ko siya. Siya lang ang palaging takbuhan ko noong bata pa ako tuwing mag-aaway kami ng ama ko. Hindi naman talaga ako naging close kay Papa,” sumisigaw na ng galit ang mga mata nito. “Kung hindi niya kami iniwan ng mga oras na iyon, baka buhay pa ngayon si Mama.”
Nakatitig lang siya dito habang nagpapatuloy ito.
“Kasama ako ni Mama noong mabaril siya. Sinundo namin siya ni Papa sa kumpanyang pinagta-trabahuhan niya ng araw na iyon, pagkatapos nag-dinner kami,” ini-hilamos nito ang kamay sa mukha. “Pagkatapos nakatanggap ng tawag si Papa galing sa trabaho niya. Iniwanan niya kami. Hindi man lang siya nagpaalam, basta na lang siya umalis. Iniwan niya kami ni Mama sa lugar na iyon.
“I was so mad at him at that time pero hindi man lang nagalit si Mama. Sinabi pa niyang intindihin ko na lang daw si Papa at maglalakad na lang daw kami pauwi. Sinabi niyang gusto niyang maglakad-lakad kasama ako. We walked and then,” muli itong napatigil at napahugot ng malalim na hininga. “And then those bastard drug addicts killed her. She was shot to death trying to cover me. Iniligtas niya ako pero hinayaan ko lang siyang mamatay.”
Her own heart ached for him, lalo na nang makita niya ang pagpatak ng luha sa mukha nito. Inabot niya ito at niyakap ng mahigpit. “I’m sorry,” umiiyak na rin siya.
Naramdaman niya ang pag-ganti nito ng yakap. Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya at doon umiyak. Pakiramdam niya ay ngayon lang nito iniyakan ang bagay na iyon. She gently patted his back, comforting him with everything she had.
“Ni hindi ko man lang nabigyan ng katarungan ang pagkamatay niya,” pagpapatuloy nito. “Hindi nahuli ang mga addict na iyon. Pinilit kong hanapin sila pero hindi ko magawa. Hindi ko sila maalala. I’m so stupid.”
“Ssshhh… you’re not,” pagtutol niya. “Those people will be damned in hell,” bahagya siyang lumayo dito at marahang pinunasan ang mga luha sa mukha nito. She stared deep in his eyes and he stared back.
“Kung naroroon si Papa,” bulong pa nito. “Magagawa niyang mailigtas si Mama. Kaya galit na galit ako sa kanya at hindi ko matanggap kung bakit parang balewala lang sa kanya ang pagkamatay ni Mama. Sa loob ng tatlong taon, nakahanap na kaagad siya ng ipapalit kay Mama,” may galit na uli sa mga mata nito. “Pinabayaan niya si Mama tapos nagpapakasaya siya ngayon. Kung hindi dahil kay Arrhea, hindi na ako bibisita sa Seoul. I love her so much and I don’t want her to be hurt.”
Naalala niya si Arrhea Aguirre – ang kapatid nito. Naipakilala na ito sa kanya ni Liezl minsan. Isang actress at model sa South Korea si Arrhea.
“Hindi ka dapat manatiling galit sa Papa mo,” bulong niya. Nakita niya ang disbelief sa mga mata nito dahil sa sinabi niya. “Nagawa mo na bang… makipag-usap sa kanya tungkol sa pagkamatay ng Mama mo?”
Umiling ito.
“You should talk to him,” hinawakan niya ang kamay nito. “Para malaman mo kung ano ang nararamdaman niya. Sigurado ako na hindi naging balewala sa kanya ang pangyayaring iyon. Baka katulad mo rin siya na itinatago lang ang tunay niyang nararamdaman.”
Yumuko ito at bumuntong-hininga.
“There was a mistake on his part as well, that’s right,” pagpapatuloy niya. “Pero baka pinagsisihan niya na rin ang bagay na iyon. There are reasons for everything that happened and was about to happen.”
Muli itong tumingin sa kanya. Nginitian niya ito. “Hindi ka dapat manatiling galit sa isang tao, lalo na sa Papa mo. Pamilya mo siya. And it will be your loss if you keep on holding on a grudge for someone, right? Ikaw rin ang nasasaktan,” bumuntong-hininga siya. “Sometimes you need to look around and forget the past. This life is pretty amazing, people just couldn’t see it. Masyado kasi silang napapako sa mga pangyayari ng nakaraan. You should start forgiving people and enjoy life.”
“I can see that you’re right,” sabi nito sa wakas. Bahagya pa siyang natigilan nang itaas nito ang isang kamay at haplusin ang pisngi niya. “Pasensiya ka na kung pinaiyak kita at inaksaya ko ang oras mo.”
“Hindi mo inaksaya ang oras ko,” ngumiti siya. “Lagi naman akong nakahandang makinig.”
Tumango ito at tumingin sa relong suot nito. “It’s late. Ihahatid na kita pauwi.”
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin Aguirre
RomanceAlyzza was a very loyal friend; she loved her friends just like her family. Kaya nga ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga ito. Pihikan din siya sa pagpili ng magiging boyfriend, at nakita niya ang lahat ng standards niya sa katauhan ni Matthew Az...