KINAGAT ni Alyzza ang pang-ibabang labi habang nakatitig sa hawak na airline ticket. Nakaupo siya sa passenger’s waiting area ng Samaniego Air Lines at hinihintay si Justin. Babalik sila sa Canada ng mga oras na iyon. Kahit hindi niya na ito gustong makita o makasama ay wala naman siyang choice dahil ang firm nito ang hahawak ng shipment ng coffee products niya. Kailangan niyang pumunta doon para makausap ang businessman na mag-i-import ng produkto niya at maayos ang mga papeles na kailangan.
Kahit na masaya siya para sa business niya, nag-aalala naman siyang magpalipas ng linggo o di kaya ay buwan kasama si Justin. Ayaw niya ng tuluyan pang magulo ang isip at puso niya.
Napaangat siya ng tingin nang maramdamang may tumigil sa tapat niya. Agad na nasalubong ng tingin niya ang seryosong mukha ni Justin, matagal-tagal niya na din itong hindi nakikita. Iniiwas niya ang tingin dito at tumayo.
“Pasensiya ka na kung pinaghintay pa kita,” anito.
“Ayos lang,” tugon niya. Bahagya siyang sumulyap dito. “Kumain ka na ba?” Wala na siyang ibang maisip na sasabihin. Matagal-tagal na rin nang huli niya itong makausap.
“Yeah,” inabot nito ang luggage niya. “Come, ilang minuto na lang ay flight na natin. I’ll buy you some coffee.”
Sumunod na lang siya dito hanggang sa isang coffee shop na naroroon. Ilang sandali itong nasa counter bago lumapit sa table niya at iniabot sa kanya ang isang cup ng Americano.
Tahimik niyang ininom ang sariling kape. Their atmosphere seemed to be more awkward than before.
“Ayos lang ba sa’yo kung umalis ka?” narinig niyang tanong nito. “Paano si Matthew?”
Napatingin siya dito at alanganing napatango. “Naiintindiha niya naman,” pagsisinungaling niya. Matagal ng tapos ang sa kanila ni Matthew, they just remained good friends pero hindi niya naman magagawang sabihin iyon dito.
“That’s good,” tumango-tango pa ito. “Mukhang napakasaya mo kasama siya.”
Tumingin siya dito pero nakatingin na ito sa wristwatch nito. “I am,” sagot niya at muling ibinalik ang atensiyon sa iniinom na kape. “Paano si Liezl? Ayos lang ba na iwanan mo ulit siya?”
“Mahirap pero kailangan,” sagot naman nito. “Come on, it’s time for our flight.”
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 6: Justin Aguirre
RomanceAlyzza was a very loyal friend; she loved her friends just like her family. Kaya nga ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga ito. Pihikan din siya sa pagpili ng magiging boyfriend, at nakita niya ang lahat ng standards niya sa katauhan ni Matthew Az...